Masakit kuya?

              Hay...Pagod ang lintik na Ungaz.Pang-ilang duty ko na 11am-7pm...Reklamador!

              Hindi pabor sakin ang paguwi ng past 7pm...Alam niyo namang sa kagubatan pa ang uwi ko kaya ang biyahe patungo sa kuta ng mga mangkukulam e madalang na pag ganong oras (marunong din matakot ang mga drayber sa aswang!)...Kaya nitong mga nakaraang araw pahirapan ang paguwi ko. May galit ata sakin si egg nurse puro ganon duty ko.hmp! 

              Bawat biyahe patungo sa amin e precious! Wag mong palalagpasin ang isang jeep at tiyak na maglalakad ka pauwi. Kaya naman nang pauwi na ko hindi na ko naginarte pa at sumakay na sa unang jeep na nakita ko!!!!Grab! 

              Pag-upo ko sa jeep salpak kagad sa tenga ang earphones at relax relax muna sa makabasag tenga kong sounds. Kebs na sa mga pangyayari sa paligid...Maya maya, pansin ko parang ang tagal naming nakahinto. At ang mga pasahero panay ang tingin sa labas....May delubyo ba?! So ako naman tinanggal ang nakasalpak sa tenga and nag look to the left...CHARAN!!!!Ang potek na kundoktor ng jeep namin e kumakana ng boxing! Nakipagbasagan ng matagal nang basag na muka sa mga trike drivers. Di ko alam kung anong pinagsimulan ng away...Dahil ako si miss sungit, ako pa nairita. Naantala ang biyahe e trip na trip ko na humimlay...Naisip kong lumipat nalang kaya ng jeep. Sakto naman at yung kasunod na jeep e dadaan din sa aming lungga. Bababa na sana ko ng.....Potakels!!Walang drayber yung kasunod. Nainggit ata si kumag jumoin pala sa rambol.Pambihira!!!! Hintayin ko na nga lang sila mapagod magpatayan! Hayop kayo kuya!

                Maya maya naawat din ang mga impakto. Tuloy ang biyahe. Sumabit na si kuyang kundoktor na watdapak ang itsura! Duguan at mukang bangkay na nakatayo. Pinaupo na si kuya sa loob. Impernez magkatapat kami. Si kuya duguan...At dahil nakauniform pa ko ng puti, tinitignan ako ng mga pasahero parang inuubliga kong gamutin si kuya. Kaya ayoko ng may gulo pag nakauniform e.Nak ng!Deadma...Sound trip lang ulit sabay yuko. Maya maya inaabutan ng ateng sales lady si kuya ng isang boteng alcohol at sandamakmak na bulak. WOW!!!Gel scout.ready..dinaig pa ko. Kahiya naman ako pa man ang naturingang nurse at nakauniform pa.Nakonsenya ko ng bahagya kinalkal ko ang bag kong putok na putok baka sakali may something na pwede ipangtulong. At ang tanging nahagilap ko ay.....ISANG SMALL YELLOW CHECKERED BAND-AID!Pag tingin ko sa sugat ni kuya, wala pang kalahati matatakpan ng band-aid ko. AKO NA WALANG SILBING NURSE!! Ang laki ng bag walang kwenta laman!Amp! E tutal la na ko talaga maitutulong pinanindigan ko nang matulog sa biyahe. Paggising ko, nasa tapat na kami ng single ladies house...PARA PO!!!At bago ako bumababa, masama ang tingin ni kuya....

                 E sorry naman kuya! Di ako handa...Kaw naman kasi.whahahahahaha!!!!Bawi ako next time. Ipagdarasal ko nalang na gumaling na kagad mga sugat mo...Wag ka na ulit makikipag-away a...Ingat!!!!

                 Fact: Pag nakauniform ako ng puti, nagdarasal ako na wala sanang sakuna, gulo, o delubyo ang mangyari. Alam nyo na bakit...LOL

16 comments:

Pipay said...

lol..ok lang yan...tama naman, hindi porket nakaputi ka, obligado ka nang gamutin ang mga sugat niya...daba?!

parang ganito lang yan, hindi porket nakapokpok outfit ako, obligado na akong magpa-pick up...lol...

Ako si Yow said...

Shet naman si Kuya, parang nakidaan lang at nakipagsuntukan na. Haha. Then, nung duguan na siya eh kebs na lang at tuloy ang byahe ng buhay. Haha. Dapat ni-lay hands mo dun at nagpray over ka. Mas effective kamo ang spiritual healing. Nyahahahaha.

Paquito Diaz said...

susmaryosep ka ungaz!!

pag naging congressman ako, ipapatupad ko yung batas na tatanggalan ng lisensya ang mga nars na kagaya mong hindi marunong magbigay ng first aid kit sa mga taong nangangailangan. bwahahahaah!

dyuk! grabe ka. sarap mo kalbuhin. hahaha.

KikomaxXx said...

hahaha... sunugin ang walang silbing lisensyang yan.. hahaha... sinabihan mo nalang sana ang manong nang tiningnan ka... "sorry manong may bayad ang panggagamot ko.." wahahaha.. joke lang

ISTAMBAY said...

natatawa ko sa pagbabasa ng post mo, hanggang ngayon na natatype ng komento.. mabuti na lang at busy ang mga kaopisina ko at walang nakakapansing nangiti mag isa dito sa table ko hahha..

naimagine ko si kuyang kondoktor ng jeep, aba makipagaway sa tryk driver, kukuyugin sya ng mga yan hehehe..

at ikaw na nga ungaz, ang laging handa na nurse.. naku, kung ako ang nakasakay mo, isa ako sa titingin sayo, manguusig ang aking mata.. hahahaha...

ang galing mo magkwento marekoy.. galing

Neneng Kilabot said...

hahaha.. nako isa rin yan sa pinagdadasal ko nung medtech pa ko.. lagi kasi ko napagkakamalang nurse.. hahahha

ok lang yun.. naiintindhan kita mam.. hahah

Nishiboy said...

wahaha. may ganong pangamba pala kayong mga nakaputi. magpaka gel scout ka na din tulad ni ate at magbaon ng first aid kit. para next time, magagawa mo nang mag-abot ng alcohol at bulak bago ka matulog ulit.

Ungaz said...

@Pipay: Tumpak...off na ko e kaya tapos na pagiging nurse for the day ko.whahahaha!!!buset sya.

@Yow: E maangas si kuya... At impernes parang tubig lang kung ipahid ang alcohol sa mga sugat.parang walang kaaray aray.whahahaha!!

@Paquito Diaz: Bruno mars naman...pagod na talaga ko non at wala talaga maitutulong yung band-aid ko. Ano ko ospital kumpleto gamit 24/7?!whahahahahaha!!!

@Kikomaxxx: Impernez wala akong lisensya ngayon.nasa PRC pa...whahahaha!!!sasabihin ko sana kay kuya "sinabi ko bang makipag-away ka?!at pag nakipagaway ka gagamutin kita?!NEKNEK!"whahahahahaha

@Istambay: Brave si kuya e..Sukat sugurin yung buong TODA e di para siyang sumugod sa beehive. whahahaha!!Napala niya. La na ko kinalaman don.LOL

@Neneng Kilabot: Ay salamat may kakampi ko. Di naman tayo ospital e.hahahaha!!!Di komo nakaputi nurse.Malay nila bangkay lang pala.ang corny.hehe!!

@Nishiboy: Hindi talaga nila ko maaasahan pag emergency.hahahaha!Bukas magdadala na ko ng first aid kit ko...LOL

Xprosaic said...

Ahahahahhaha wawa naman... sana mas dadami pa experience mo na gaya nyan para mas masaya... sa amin... lol

glentot said...

Alam mo, hindi naman sa winiwish ko na mangyari ito sayo, pero just in case, magdala ka na ng sarili mong first aid kit, dahil sa next na sakay mo, mamumukhaan ka ni Kuya. At babasagin nya rin ang face mo. Hindi naman sa winiwish kong mangyari yan sayo...

Ungaz said...

@Xprosaic: Che!Kukunan ko pa nga sana ng picture si kuyang basag ang muka at yon ang picture greeting ko for you.kaso di na nga ko tmulong ppctyuran ko pa.hahahahaha!!!

@Glentot: Ang sweet mo talaga!!!Dama ko ang concern....!!Sana di ka bangungutin gabi gabi at di ka na sana lapitan ng mga creepy shits na di nakikita.whahahahahahahaha!hmp!

Super Balentong said...

potek, sana dinikit mo pa rin yung band aid na checkered, malapit sa puso ni kuya. para maramdaman nya ang concern mo. hahaha.

binuhusan mo na lang sana ng alchohol yung sugat nya. haha

Poldo said...

kinalkal ko yung bag ng utol kong nurse ang puta! wala ring first aid kit! Ang babait!

kebs lang kung gustong makipagbasagan ng mukha si manong noh.. Baka matetano ka pa sa dugo nya mahirap na.. kaya next time lumayo lalo pag may mga nasugatan at duguan ha! teyk keyr!.. LOL

Ungaz said...

@Balentong: Di ko nga siya matignan ng direcho didikitan ko pa ng band-aid.hahaha!!

Wa epek ang alcohol...hinadhad nya ng bongga sa sugat nya parang tubig lang.lang aray!strong!!!

@Poldo: Ano tingin mo sa mga nurse, bitbit ang ospital?!Hahahahaha!!!wala talga ngdadala first aid kit.

Kamusta naman bakasyon so far?!PASALUBONG!!!!LOL

poks said...

dapat sinabi mo na lang sa lahat ng tao sa jeep na may stage play kayo sa school..ikaw ay nars narsan,hihihi

syet naalala ko tuloy nong nadulas sa batuhan si Fafarazzi..sa laki ng gasgas eh walang kasyang band aid..tapos wala kaming bandage...nag gupit ako ng pantyliner at yun ang nilagay namin..yung band aid ang ginawa naming pandikit sa mga gilid...naikwento lang,hihihi!!

Ungaz said...

sayang si pa nabagok ulo ni fafarazzi...hahahaha!Para magkamnesia at malimutan si misis at di na umalis sa pechay este piling mo.LOL!!!

natuwa naman ako sa panty liner pamalit sa band-aid.hahahaha!!!syet

Post a Comment