Inosente Siya

                          "Masikip yung butas na papasukan...."


                 "Kailangang gapangin mo talaga...Hindi ka makakapasok ng nakatayo..." (Sabay mostra paano ginawa niya)


                 "Masikip sa una pero pag nasa loob ka na maluwag na."


                 "Madulas nga e..."


                 "Basa, matubig sa dulo..ganon pala yon!"


                 "Pagod na pagod kami tsaka basang basa"


                 "First time namin yon...Ang saya nga e. Dapat try niyo din!"


                 "Dapat sasagarin mo takip sa butas para di tumulo..."


                 Alam kong green minded ka din tulad ko...Oo yon din iisipin ko. Pero hindi. Yan ang kwento ng aming dakilang 24 year old virgin head nurse (Hari nawa di nya mabasa to..Labya chir!:))sa kanyang adventure sa BIAK NA BATO with his "HON"...pambihira pati lugar!BIYAK na BIYAK!!!!


                At dahil inosente...Literal! Nakangiti lang at halatang masaya si sir habang nagkukwento....Walang halong lokohan. Walang malisya...para sa kanya. Pero walang kamalay malay si sir kung bakit habang tuloy tuloy ang kwento niya tuloy tuloy din ang haglapak ng tawa ng mga nasa paligid niya. Kabilang na mga pasyente naming bahagyang tumaas ang BP sa pagkukuwento niya. Kala mo batang nasa gitna ng grupo ng matatanda at nagkukwento paano niya natutunan bumili pers taym sa tindahan. IMBAAAAAAAAAA!!!!!!!!Walang halong malisya itsura ni kumag.Pambihira...Flat affect. Walang muwang! Samantalang para sa amin may double meaning lahat ng sinasabi niya. Super SPO na ata talaga kami...Sexually preoccupied. 


              Tong si egg nurse(male head nurse) larawan ng isang huwarang anak...Elementary, valedictorian! High school, first commendable ekek..College, Cum Laude!!!Walang bisyo, at trip lang ay school, bahay, minsan gala....Siya na pangarap na anak ng bawat magulang.Utod ng tino...Di ko lam pano nyang nalagpasan ang 4 na taon sa nursing ng hindi lumalaswa ang utak.whahahahahaha!!!!At di ko alam kung dahil sa sobrang talino at inosente minsan ang green jokes namin bumabyahe pa ng ilang araw bago nya magets.....with matching explanation namin ng pathophysiology ekek. Pambihirang tao yan. Sinusukuan din namin talaga minsan. Sa tulong namin at konting tiyaga, medyo nakocorrupt na namin ang utak niya...whahahahaha!!!


               Sa bagay di ko narin maintindihan kung bakit lahat nalang ng bagay laging iniisipan ng kuneksyon sa kalibugan...hahahahaha!!!Kaw na sir ang banayad at tunay na dalisay ang kalooban at isipan. Pero yung totoo.....KAMI BA PINAGTITRIPAN MO?!!!!Kaloka ka. Look how innocent ang itsura nya...Yow at Pipay walang sumbungan. hahahaha!!!






               Anyway bilang trivia....WALANG NURSE NA WHOLESOME!!!!

12 comments:

Xprosaic said...

Sana tinanong niyo kung pagkatapos ba nun nasarapan este nasiyahan naman ba siya?! lol... nyahahhahahahaha

Anonymous said...

ako wholesome ako. hnd ako sang ayon ...grrrrr

-kikilabotz

ISTAMBAY said...

ay wholesome din ako.. di ako nurse eh hehehe... may kakilala akong nurse, singkaran ng libog hahaha...

Pipay said...

wahahahah!!! susumbong kitaaaaahhh!!!

impeyrnes, ka-block ko siya nung college...tunay na isang huwarang estudyante...kopyahan ng mga batugang mag-review...at oo, hindi ko kinakitaan ng kalibugan ang isang to...

kaya ano pang hinihintay mo ungaz? lasunin mo na ang utak neto...hahaha...

Jag said...

adik ka talaga ungaz...may biyak talaga yang utak mo hahahaha...at kilala ko pa talaga yang nasa pic na yan gosh! kaibigan siya ng pinsan ko...malamang magkakilala kayo ng pinsan kong RN din...hahaha...isusumbong kita...

Chos lng! pinapakaba lng kita hahaha...

Jag said...

Pahabol...may tao bang asexual? LOLZ!

Ako si Yow said...

Ako lang. Ako lang ang nagiisang wholesome na magiging nurse. Haha. Baka nagmamaang maangan lang yang si Koya. Kung talagang walang alam at malisya yan, eh wag siya jejer ngayon, porsyur, makakabuntis. Haha.

Ako si Yow said...

Teddy, sino si Pipay?

Sean said...

yung mga kakilala kong inosente, sila yung nakakabuntis o nabubuntis.

KikomaxXx said...

hahaha... sa akin lang ti ha.. baka nagpapakaplastic lang yan.. wahehhe.. parang hidden effect lang.. wahehe

Ungaz said...

@Xprosaic: Actually tinanong namin...Masarap daw lalo na pag nkalusong na.hinyupak na kausap yon...

@Kikilabotz: Malamang tinamaan ka ng kidlat sa sinabi mo...plastik plastikan.hahahaha!!!

@Istambay: Isa pa tong nagmalinis.hahaha!!!Oh well sira ulo lang talaga mga nurse.hahahaha

@Pipay: SSShhhhhhh!!!!Quiet...Baka bombahin ako non(literal)hahahaha!!!Unti unti na naming nilalason utak nya..Nagtatagumpay naman kami...minsan.whahahaha!!!

Ungaz said...

@Jag: Langya ka!Muntik na ko maniwala.....Gusto mo ko atakihin sa puso a.hahahaha!Buset.Wala na bang taong wholesome?hahaha!!

@Yow: Kaw?!wweeehhh!!!!Shet pag di ka malibog.itapon ka na!!!Whahahaha...mahinhin pa sakin si chir.

Si Pipay ang hitad na blogger above..hahahaha!!go der.

@Sean: Salamat sa sinabi mo babantayan namin si sir...Napaisip tuloy ako bigla. Baka hindi na virgin yon a.whahahahaha!!!

@Kikomaxxx: Maniwala ka...Wholesome talga siya.Nahawa nalang samin kaya medyo may alam na...hahahaha!!! Lalagpas na ng langit sa kabaitan yon.

Post a Comment