Judge ka ba?

                   Don't judge a book by it's cover.....Gasgas at palasak na linya. Sa unang tingin palang mabilis pa sa kidlat kung makabuo tayo ng sarili nating teorya tungkol sa isang tao...Makakapagconclude ka na sino ang rich, poor, suplada, mabait, maangas, mukang matino, mukang reypis o mamamatay tao, at kung ano ano pa. Kaw na ang judgmental. At ang panghuhusga natin sa kapwa sa pamamagitan lamang ng nakikita at naoobserbahan natin ang nagpapahamak satin...


                 Paano nga ba natin husgahan ang pagkatao ng ating kapwa?


1. Pananamit
    Pag hinead to foot mo na ang outfit pustahan tayo pinepresyuhan mo na yung tao. Iisa isahin mo kung anong mga brand ang iminomodel nung tao...Syempre pag mga bigatin sasabihin mo na "rich kid" pag naman parang kababangon lang mula sa demon ang itsura na parang trip ibandera lahat ng colors of the rainbow sasabihin mo "baduy naman"...Pag butas butas at marumi ang damit syempre sasabhin mo poorlalu......pwe!Pag masyadong sexy suot "pokpokin si ate o" pag balot na balot "madamot!ayaw pasilip!"


2. Pananalita
    Pag medyo namimilipit ang dila at parang sing lapad ng hita ni Greta ang dila (o diba nandamay ng nananahimik.di nman nya mababasa to) kung makapagsalita sasabihin natin sosyal...Kung makapagenglish kala mo minaster ang laman ng dictionary.Kunyari di gano sanay magtagalog (feeling poreynjer!) Kelan mo sasabihing hindi pala talaga sosyal? Ayon..Pag napagpalit na niya ang P sa F at ang B sa V at ang talagang bigkas nya ng ''E'' ay "I''...Minsan pa nga sasabihan mo pa ng "trying hard naman!"


3. Skin
    Aba e natural pag maputi at makinis na parang poreless sasabihin mo mayaman...Halatang pinagkakagastahan talaga ang itsura.Mukang hindi pinapawisan at pawisan man ng bonggang bongga parang ang bango parin. E pag ang tibak sa paa parang dinaig ang bitak ng lupain pag El nino at medyo nalalapit na sa uling ang kulay iisipin mo na kagad hindi rich....pambihira!!!


4. Postura
    Pag makapal masyado make up "miss magkano?" pag ang nakasun glasses sa loob ng mall "nakakasilaw ang mga bumbilya?" pag lalaking lalaki ang tikas "macho" yon pala deep inside sirena....Pag maayos itsura ''maalaga sa sarili". Pag mukang di naliligo at mahaba buhok "rapist kaya to o mamamatay tao?"...


                      Marami pang paraan kung papaano natin hatulan ang pagkatao ng kapwa natin... E bat nga ba kasi ito ang napili kong isalpak dito???


                     As you all know kung nagbabasa kayong regular dito, ang inyong lingkod e may slight na katangahan...Lately nanakawan ako ng wallet. At ang tanging imaheng naiwang nakakatatak sa utak ko ay....maiitim na lalaking nakaback pack at mukang yagit at walang bahid na mukang tao. Ako na jugmental. Hindi naman gwapo kaya of course hindi ko matatandaan ang mga muka...Kirempang. At anong epekto nito kay UNGAZ? Paranoia at dumoble pa ang malalang panghuhusga...Lahat ng nabanggit sa taas pasok sa banga...Lahat ng makasakay ko sa jeep na mukang magnanakaw na medyo malapit sa itsura ng nagnakaw ng wallet ko e magnanakaw na sa paningin ko...O diba?Kahayupan lang...Makakita lang ng maitim na nilalang kahit nakashades pa na mukang bangaw iniisipan ko ng masama kahit malay ko mabait pala ang taong pinagdududahan ko....Hay!!!Kung dati di ko pinapansin ang mga sumasakay sa jeep, ngayon dinaig ko pa ang judge sa beauty contest kung manghead to foot ng mga kahinahinalang tao.Pambihira!!!!


                   Pero tandaan...Hindi nasusukat sa nakikita lang ng mata ang ating pagkatao. Wala tayo sa husgado at hindi tayo judge. Alam nyo naman na yon e...Kaya be nice to everyone....hahahaha!!!Labya



    

11 comments:

Pipay said...

hala...natrauma na si ungaz...ok lang yan...next time kasi, ilagay mo sa bra mo yung pera mo, pati coins...LOL

Neneng Kilabot said...

hay trulalu..

pero kasi minsan di maiiwasan lalo na kung may experience tulad ng sayo mam..

haay.. hinding hindi ko malilimutan yung mga nangyari saking ganyan..ggrrrrrr

Ako si Yow said...

@Pipay: Kapag nilagay niya sa bra niya un, malalaglag naman, walang sasagkuan. NYAHAHAHAHA.

Eh ikaw Ungaz, wag ka na lang kasing uungas-ungas sa publiko. Ganto talaga sa citeeeyy.. Hindi katulad sa liblib na pook niyo. Haha. Pambihira ka!

KikomaxXx said...

hahaha.. ikaw parin talaga ang reyna... ng a) katangahan B) ng mga judgemental much c) gubat... pili lang...

hahha parehas pala tayong tanga.. hahha

glentot said...

Sabi nga nila, Don't judge a book, cover it.

Kung maka-judge ka naman... siguro nung nag-EB tayp puro mga panghuhusga at panlalait ang nasa isipan mo... tsk tsk tsk kawawa naman kami

ISTAMBAY said...

nadala ang ungz. hahaha.. pambihira, iwan sa bahay ang K ahehehehe,.,, peace marekoy

Ungaz said...

@Pipay: Malalaglag pag sa bra..ya know y!hahaha..At kung sa panty ewwness!!!Kung sumwak sa butas mahirap dukutin.at impernez,nakauna ang salapi..hahahaha

@Neneng kilabot: Naganon ka rin ba?welcome to the club..hahaha!!!

@Yow: Langya ka..Binarubal mo nanaman 36B kong boobs.hahaha!!!Magilas lang talga si kuyang.buset!!!natrauma ko don

@Kikomaxxx: All of the above?hahaha!Langya ka..di ka makamove on sa tirahan ko.

@Glentot: Siya kaya!!!Hahahaha...Baka kau ang mga may "wicked" thoughts nung EB.hahaha!!!Sa sobrang tuwa nga namin sa inyo gusto namin kayo iuwi..Walang tatalo sa panlalait nyo.saludo ako!!!LOL

@Istambay: Hindi ako makamove on...Para akong ninakawan ng puri.hahahaha!Arte lang...

Poldo said...

Wosshooo! if i know punong puno na ang lait box mo!! hahahaha..

May bagong pinapauso naman kasi.. yun yung PAG-IINGAT! try mo sarap sa pakiramdam! hahahaha

Greta said...

punyetang to pati hita ko dinadamay?etong hita na to papatay sayo balang araw..tandaan mo yan!oo isa itong pagbabanta!!!!!!!!!!

poks said...

sa tanang buhay ko sa earth eh isang beses pa lang akong nanakawan ng wallet...nag aaral pa lang ako sa Baguio..walang taste yung mandurukot...ako na puro coins ang laman ng wallet ang kinuhanan...mula non hindi na naulit..mukhang ipinamalita ako sa buong mundo ng mandurukot ko na yun,hihihihi

hapi nyu nyir DM!!! next time itago sa panty ang pera at ng kumati pekpek mo,hihihi

Ungaz said...

@Poldo: Hoy hindi ako malait!!!To naman...Balita ko nalalapit na paguwi mo.Pasaluboooonnngggg!!!LOL

@Greta: Pambihira anong malay kong magbabasa ka.Haahahaha!!!ayaw mo non sikat pata mo.LOL

@Poks: Atepowkie isdatchu?anyway baka nga pinagkalat na puro barya lng lman wallet mo.sana puro brya lng din lman wallet ko nung nawala.hahahahaha!!!!

Post a Comment