Infinix

                  Ngayong araw na to ang grand opening ng bagong business venture ng aking kumag na pinsang si Bondoy. click mo to nang mameet mo siya at siya yung "pang-ibabaw" dito. O diba pinangalandakan ko itsura niya...


           Anyway, days before the grand opening hindi pa ko iniimbita ng pota..Nahuhurt na pechay ko sa tampo! Kami pa naman ang magkasangga...tsk tsk!!Opening na wala parin. Kaya kanina mas inuna kong i-on ang achay mode at maglaba. Pero medyo dinedelay ko ang paglalaba ng panty ni Greta baka biglang mangimbita.asa talaga! Pero mukang ala talagang balak na imbitahan ako..Che! Naisalang ko na ang mga puti (labanderang labandera!) nakachat ko ang hinayupak sa FB...Ayon!Imbitado pala ko. Automatic na pala...Anong malay ko,di ko trip ang maging crasher. Ako na maarteng gusto pang pinipilit. Kaya iniwanan ko ang mga labahin at sinuot ang gown at tumulak sa destinasyon....


          Maganda ang venue...Kitang kita at very much accessible sa masa. At pinangalanang Infinix. Infinix computer solutions (psalm 23:4). In short net cafe at di ko alam ano kinalaman ng salmong tugunan! Green ang kulay ng paligid parang pagiisip niya at dilaw naman ang mga computer stations niya. Nakakaalala ko ng mangga sa itsura! Di ko na idedetalye at iiskip read nyo na!Baka nga first paragraph palang umiskip na kayo...hahaha!!!


          Madaming chibog sa pablessing. Syempre ever the PG tinira ko ang litson, na maliit na balat lang sana ang kukunin ko kung bakit sumama kalahati ata ng buong balat niya. Nahiya na ko ibalik e di sa tulong ng pinsang si boy Balbon, sinuya namin ang sarili namin sa pagnamanam na mamantikang lechon...HEART ATTACK HERE I COME!!!! 


         Matapos ang blessing, kainan, kwentuhan, picturan, libreng net and shits oras nang umuwi...Medyo dumadami narin ang customers ni insan at sagabal na kami. Pasampa na ko ng sasakyan ng....


         AKO: Babye!!Congrats...hehehe
         MOMMY V: Maiwan ka na!Mamaya ka na umuwi tulungan mo muna sila.
         AKO: AYOKO!GUSTO KO NA UMUWI...
         MOMMY V: Sige na! Minsan lang yan o. Opening pa ng besprend mo..
         AKO: Hmp! E enge pamasahe!!!(paawa epek)
         MOMMY V: Oi may 50 ka sa bulsa a!! ( di ako nakalusot?)
         
        At literal na kong ipinagututulakan pababa ng sasakyan ni mommy V...Fierce ka mader!!!


        Ala na kong nagawa! Naiwan muna ako at tumulong magestima ng mga customer. At ang napunta saking trabaho e research.HAYOP!Nakakabaog pala magresearch na under time pressure at para sa ibang tao...Inabot ako ng pagmemenopause sa harap ng computer kakahanap ng mga impaktong epiko. Anong malay ko kay Indarapatra at sulayman o Bantugan. Garapata at batugan lang alam ko...Golly!!!Nakakatuyot ng CSF at nakakaubos ng Bartholin's gland (ireresearch na nila yan!LOL)pag medyo sablay ka sa techy shits...K.O.S pala gustong laruin nung bata rinig ng biyenan ni insan xerox, maya maya kerots daw ba.Ha?!Katunog ng carrots ang K.O.S?At talaga namang Kerrots?Hahahaha!!Alabet!!!Rock and roll tita S...


        Matapos ang buong araw na pakikiepal sa shop cafe don panahon na para umuwi sa piling ni mommy V...May kalakasan ang ulan kaya hinatid na ko pauwi. At dahil sa pagod at malakas ang ulan nung pauwi, ang Ungaz na mahina ang resistensya ay mukang lalagnatin pa. Di bale..Masaya naman ako. Masaya na happy ang pinsan ko sa bagong pinasok niya at masaya akong nakatulong kahit nakiepal lang at moral support lang nabigay ko...Drama!!!!


        Congratulations Bondoy...Nawa lumago pa ang shitness mo!hahaha!!Mwah!!

12 comments:

Ako si Yow said...

Naku naman, napakatamad naman ng hayup na yun. Itatype na lang sa computer eh ipapagawa pa? Magkano ba bayad sa ganun, makasideline. Haha. Eh yayaman na siya diyan, dapat kamo may kainan din at may station para sa cybersex ng kumita ng malaki. Nyahahahaha. Joke lang. Kungrats Bondoys...

Xprosaic said...

Yun oh! paberger naman siya! lol... Congrats sa kanya! hehehehehehe

Oliver said...

at niresearch ko ang Bartholin's gland... at may picture sa wikipedia, buti hindi nakikibasa ang mga tao dito sa bahay, hayup.... haha
talaga? may ganyang service sa mga computer shop? E pano pag di mo nakita?

Anonymous said...

hahahaha. hnd ko alam bkit ako tumatawa.... hahahaha..ao ang KOS? waaaahhh. mahina talga ako sa ganito..omg..

db ung bartholin yung ano un....hehe
-kikilabotz

Jag said...

magandang business yan...congrats sa kanya...sa mga handaan like that hindi talaga mabenta sa akin ang lechon pro mas patok naman sa akin pag ginawang paksiw ang lechon hehehe...

poks said...

ayaw ko din ng lechon..gaya gaya ako ng comment pero mas gusto ko na din ang paksiw na lechon,hihihihi

congrats sa kanya!

ISTAMBAY said...

in ngayon ang business ni ateng.. at style sa pagsama ng kalahati sa balat ng lechon hahaha... juk...

nagutom ako ungz

Pipay said...

ungaz saan ito? papupuntahin ko shupatembs ko. hehehe.

glentot said...

Hoy Ungaz pakisabi naman kay Kuyang May Pamatay Pic Na Pang-ibabaw na baka pwede akong mag-apply na taga-bantay, night shift! Hindi ako magdadownload ng Tarzan, pramis!

Ungaz said...

@Yow: Baka di marunong gumamit computer...Talugtog National High school e.o diba nanlait pa.hahahaha!!!Napakhirap hanapin ang mga lecheng epiko!

@Xprosaic: Salamat...hehehe!:)

@Oliver: o diba may bago kang natutunan....Para sa ano yon.....Anyway diko rin akalaing pwedeng tumanggp ng trabaho ng tamad.

@Kikilabotz: Ay sus!!!Bagong computer game yon parang counter strike.Nasang planeta ka ba?!LOL!AT ang bartholins ang nagpapadulas ng highway.whahahahaha!!!!

Ungaz said...

@Jag: Hahaha!!!Pareho silang mabenta sakin...Ke paksiw ke plain.Plain?!hahaha...

@Poks: At dahil gaya gaya ka ng comment kung ano sagot ko kay Jag yon na din sagot ko sayo.whahahaha!JOke ate powkz!

@Istambay: Ateng?!Ginawa mong bading ang kuya ko...alabet!!!Hahahahaha!!!

@Pipay: So layo...Sa beautiful science city of...MUNOZ NUEVA ECIJA.hahahaha!!!Namiz ko ang paggamit mo ng shupatembang.naalala ko bigla nung first time ko tong mabasa mula sa text mo.LOL!!!

@Glentot: Sanay talaga sa pokpok shift...este night shift! Di ka magdodownload ng porn?iistream mo lang?hahahaha!!!Hired ka na!LOL

rico de buco said...

naks bumibusiness na ang pinsan mo ha.. heheheh ikaw kelan?

Post a Comment