I Resign

                     Napapagod na ko...Napapagod na ko.....Napapagod na ko.... Ni hindi ko alam saan uumpisahan at paano tatapusin.


               Napapagod na kong umintindi 
               Nagsasawa na kong magmakaawa at umasa sa pagmamahal mo
               Ayoko na umasang magbabago pa ang tingin mo sakin
               Napapagod na kong umasang rerespetuhin mo ko
               Napapagod na kong masanay na hiyain mo sa mundo
               Ayoko na umasang magbabago ka
               Nakakapagod hintaying bibigyan mo ko ng kaukulang pansin
               Napapagod at nagsasawa na kong kaawan sarili ko
               Napapagod at nahihirapan na kong huminga sa mundo mo
               Napapagod na kong makipagtalo
               Napapagod na ko kahihintay sa simpleng "thank you" mo
               Hindi na ko aasang hihingi ka ng paumanhin at hindi mo kaya yon
               Napapagod na kong magbigay at magpaubaya lagi...
               Sawa na ko sa pananakit at pagpapaasa mo...
               Masakit na mata ko kakaiyak....
               Nananawa na kong palagpasin nalang lahat....


               Ginawa ko na lahat...Mahaba na ang panahong inalay ko sayo. Matagal tagal na kong nagtiis. Napalitan na ng poot ang pagmamahal ko para sayo. Mabigat na kalooban ko tuwing nakikita ka na ipinipikit ko nalang mata ko...Nilalakas ko na sounds ko wag lang marinig ang boses mo...Todo dasal na ko wag lang kita mapatay.....


               Kelan ka pa magbabago? Kelan ka mapapagod sa mga ginagawa mo sa akin? Kelan ka titigil bigyan ako ng dahilan para wakasan na buhay ko? Hindi ka ba titigil hangga't di mo ko nakikitang nakasubsob sa lupa? Panalo ka na!!!Suko na ko....Di na ko lalaban. Tanggap ko nang kahit kelan hindi ako mananalo sayo....Marunong din akong mapagod. Pero ngayon gising na ko...At hindi na kita hahayaang saktan ako...Kaya kung ano man ang posisyon ko sa mundo mo malugod kong iniaabot ang resignation letter ko...I RESIGN LECHE KA!!!Tinatapos ko na ang kontratang hinain ng tadhana para sakin....At hinding hindi na ko magaapply ulit sa posisyong iiwan ko kahit magkamatayan pa....Taena mo ka!!!!Paalam.....xoxo!!!mwah!




*Pawang walang kinalaman o koneksyon sa buhay ko ang mga kagaguhang pinagsasasabi ko sa taas(oo yung isa dyan naistatus ko sa FB pero wa koneksyon!). Sinubukan ko lang umarte at kumana ng ganyan...Trip trip lang ng adik.Bandang huli, ako din ang nasuya...Pakshet na yan di ko na uulitin!!!!hahahahaha!!!Labya

11 comments:

Ako si Yow said...

Eh bakit parang may pinaghuhugutan? Haha. PAMBIHIRA! Kailan kaya ako magdadrama sa blog? Haha.

glentot said...

Woo idedeny mo pa? Dalawa ang guess ko dito:

1. Yung status mo kung saan naghahanap ka ng lalaki sa Facebook... ito ang dahilan nun. Humahanap ka ng replacement...

2. Rindi ka na kay Greta at nais mo na syang dispatsahin, kaso hindi pwede kaya nagsasawa ka na...

KikomaxXx said...

hahaha.. langhiya di bagay... pang sitcom lang talaga buhay mo.. di ka papasa sa ang babaeng hampasgubat... hahha... joke lang...

Pipay said...

you resign? huwaaaay?!? is it because of *** ***? lolz...talagang pinatulan ko kahit may disclaimer sa ibaba?

Dhang said...

weh, 'di nga? parang makatotohanan eh. ahaha!

ISTAMBAY said...

ooowwsss, parang walang naniniwala ungz eh hahaha...

sgot ko naman jan sa post mo.. sa wakas naman at natauhan ka na... tagal din naging shungaers eh hahaha

cchheerrzz po

Xprosaic said...

Lol @ Kikomaxx on hampasgubat! lol

Naks! feeling ko lumalovelife ka lang eh... at may kinalaman ang resign resign na yan sa puso mo... lol

Ungaz said...

@Yow: Yan ang napapala ko pag puro chessy nakapaligid sakin....leche!umemote ka na.hahahaha

@Glentot: Hahaha!Lantod!Hindi ako gumgamit haup na applcation na yon..LOL!
SHet oo nga no!Applicable din to kay Greta.whahahaha!Nasagap ko lang yan sa kasama ko.

@Kikomaxxx: Hudas! Lika dito.Para kaw ang KIKO matsing sa gubat.hahahaha!!!

@Pipay: Hindi muna ko magreresign sa ICMC...hahahaha!Langya...Kaartehan lang talaga yan prowmiz!!!hahahaha

@Dhang: Pambihira!SAbi na walang maniniwalang walang kinalaman sakin to e.LOL

@Istambay: Isa ka pa...I'm so not like that kaya....Ang sarap ng buhay single ko.LOL

@Xprosaic: Lumalablayp?!Kakain nalang ako kesa lumablayp...whahahahaha!!Nailabas na ba music album mo?enge kopya!whahahahaha!!!

Jag said...

Pero damang dama mo eh kaya feeling ko lang...feeling lang naman...ang fiction ay yung disclaimer hehehe...

Chill out! :)

Ungaz said...

@Jag: Che!!!Hindi kaya...di ko na sasabihin yan, papatayin ko na kabod yung umaapi sakin.hahahaha!!

poks said...

gumaganon?? parang script ko dapat yan ungaz ah! ahahahaha

Post a Comment