Mabuhay ang Tanga! (Pagpugay kay Ungaz)

                   Ano na ang latest???!!!


1. Nanginain...Nagpakababoy....


2. Nagpaputok nung new year's eve sa labas....(bawal green minded dito)
   -Actually nakinood lang ng putukan. Kaw ba naman magkaroon ng vegetable and fruit dealers na kapitbahay na may tago atang yaman at sinagot ata ang paputok na pang buong barangay..Akala ko nung una red carpet ang nilalatag sa kalsada, maya-maya pumutok ang red carpet.Sawa pala hinayupak.Correction ANACONDA!!!KABOG!Sa sobrang haba di ko sure parang umabot hanggang citey ampota.exagg!Fine.Sa sobrang haba medyo nakatulugan ko na.pambihira!! Spell M-a-a-n-g-a-s. Di nakuntento nagfireworks display pa...Di nila daigin ang fireworks display ng MOA. Sa sobrang bigatin ng mga paputok nila tanging nagawa ng pamilya namin e makipanood nalang...DUKHA! Nakikipanood lang ang angkan naming mga nakasurgical mask(sosyal) at nakatakip ang mga tenga...Impernes kay mommy V sa gitna ng putukan chill lang. Parang nakikinig sa RnB music kebs lang habang kaming lahat nakatakip ang tenga...Imba sa pagkabingi. Kinabukasan, napagdesisyunan kong maging vegetable dealer narin...wapak!!!


3. Pano ko naman hinaharap ang umpisa ng 2011? Inumpisahan ko sa pamamagitan ng pamamahagi ng blessings...Tumpak!Sabi nila share your blessings kaya naman, namigay ako ng salapi. Ipinanakaw ko sa demonyong mukang unggoy na pasaherong patay gutom na lamang lupa (kulang pa yang panlalait ko) na kasakay sa jeep ang wallet ko na naglalaman ng salapi ni mommy V (medyo may kalakihan) at mga lisensyang mahalaga sa buhay ng isang Ungaz na nurse.AKO NA ANG UTOD NG TANGA!!!HAYOP NA BUHAY TO....Pambihira hindi naman sana ako mukhang mayaman.Nangutang pa ko ng 50 para lang makauwi. Pathetic ampota...At pagharap kay mommy V napangawa nalang ako ng todo na kala mo namatayan....Nakakahiya kaya magwala ng perang hindi mo pinaghirapan.Oh well sabi nga nila may kapalit na mas maganda ang ganoong mga pangyayari. At ang kapalit na hinahangad ko ay ang kamatayan ng buong angkan ng magnanakaw na yon...bwahahahaha!!!Pakness ang 2011....

                     Sa ngayon, hindi ako sure pero parang nawawala na ko sa tamang urirat...At medyo nakakahalina ang gulok.hahahaha!!!Mabuhay ang mga tanga!


                     Pambihiraaaaaaaaaaa.......Have a blessed 2011. Sana naman eto na huling kamalasan ko.Langyaaaaaaaaaaaaaa...........!!!!!

11 comments:

Poldo said...

alabet!!! nanakawan nanaman ang ungas!!!!

joke lang...

Jusko donna este ungaz.. kabait mong nilalang! pati pera ni mommy V pinapamigay mo!!! handsdown.. pwede kang magtayo ng sarili mong charitable institute at tawaging nating...

UNGAZ de Shunganda Foundation...

magingat sa susunod! pambihira ka!

Ako si Yow said...

Hahaha. Kailangan ba makisimpatya? Nakakatawa to in fairness. Haha. Naikwento na ng konti ni Best Meg at sayang nga. Naibulsa mo na naman kasi ang katangahan. Mayaman na si Kuyang mahaba ang description, baka siya na ang may magandang fireworks next new year's eve. Haha. Kapalit nun eh makakalipad ka na, makita mo. Haha. Gustong gusto ko yung pagkahalina mo sa gulok. So you... Haha.

KikomaxXx said...

hahaha... ayan may kapatid na pala ang batman sa katangahan...

glentot said...

Ayan kasi! Nainggit ka sa fruits and vegetable tycoon businessman mong kapitbahay ayan tuloy may nainggit sa wallet mo! Sige, kunin ang jungle bolo!

Xprosaic said...

Ay sus! malas naman... oh well gaya nga ng sabi... better luck next time! Lol

Ungaz said...

@Poldo: Impernez magnda ang naisip mong pangalan ng charity...alabet!bright si Poldo.hahahaha!!!

Pambihirang talent ang katangahan...nkakainis

@Yow: Pinagtawanan mo pa ko...Nakakaiyak na pangyayari yan. At minalas ka din diba?Nagbayad ng 300 para sa vase na di sinasadyang nbasag.yon ang funny!!!whahahahahahaha!!!alabYOW

@Kikomaxxx: Utol!!!!hahahaha...naghanap ka pang damay.LOL

@Glentot: No no no no!!!Bakit ako magpapakamatay.Anong malay ko kung ang kapalit ng kamalasang yon e jowa..whahahaha!!!kahit wag na.hahaha!!!

@Xprosaic: Pag may next time pa nman makakapatay na ko...hahahaha!!!

ISTAMBAY said...

Ungz, natatawa ko hahaha, naging dukha sa pagsalubong ng new year. Sana inintay mo sila matapos pasabugin ang kanilang putok este paputok at ikaw naman ang dumali, hahaha ung tipong natutulog na sila iitsahan mo pa na paputok. hahahaha. ay sya, hindi ako naniniwalang kung malas ka, nagkataon lang yan.. un nga lang madalas ang pagkakataon hahaha... peace

Anonymous said...

hahaha. sobra sa panlalait ah? hahaha. palitan mo n lng licensed mo kapag magrernew ka. ako nga nagrenew na knina hnd nmn hinanap yung original xerox copy lng ^_^

-kikilabotz

Ungaz said...

@Istambay: Nataon na malas ako...hahahaha!!!Parang nakarma ata ko sa pamumuset sa kapitbahay.hahaha!!!

@Kikilabotz: yon masaklap don...Luma at bagong renew na lisensya ko nakuha pati IVT at RENAP id.whahahahaha!!!abunas..

Pipay said...

Ayan, makakacomment na ako ng maayos...Hehe!

Dati, may kapitbahay din kaming vegetable and fruit dealer. Langya, mansyon ang bahay girl. Sadyang may pera sa talong at kalabasa.

Anyways, better luck next year. LOL.

Ungaz said...

Pipay: Hahahahaha!!!Imba.Nakakayaman ang pagbibyahe ng prutas at gulay.teka nga matry...Baka sakali magkamansyon din ako...hahaha!!!

Post a Comment