Ang Pasko ni Ungaz

          Araw ng kapaskuhan…Maagang nagsipagbangon ang mga single ladies at gumayak. Magtatago kaming lahat!Hahahaha….Bukod sa pagtatago sa mga matitiyagang namamasko (wala bang pamilya mga yon at nakikipasko?joke) icecelebrate namin ang b-day ng pinakabatang pinsan namin. Tradisyon na din ang pagdayo sa mansyon ng pinsang si boy balbon sa citey of Cabanatuan tuwing kapaskuhan….

         Taon taon, napagtripan at nakasanayan na namin ang baduy na pagthetheme ng suot pag pasko. At ngayong taon na to ang tema ay….FLORAL! Oha! Inspirasyon namin si Lito Atienza. Feeling Panagbenga(tama ba spelling?maski!)  kami…. Kaya naman ang Ungaz at Greta buong kirempang na gumayak ng floral…pffftt!!

          Pagdating sa mansyon ng pinsang si boy balbon, agad kong inispeksyon ang dining table na parang xmas tree. Namumutiktik sa puta pota putahe!Wooohhhooo…Super excited na ko lumapa. Iniisa isa ko na kung alin ang titirahin ko..Pyesta to!!Saka ako napatingin sa sarili ko at napa “Tanga!Ba’t ba nakafitted ako!” .Pero kiber na…Pumutok na puputok. Bumukol na bubukol.Kakain ako! Once a year lang kaya yon…Hindi ako naghapunan at almusal para sa handaang yon. PG much?

          Buong araw, busy akong kumakain. Maya’t maya ngima ng ngima…Sabik masyado. Let me summarize. Picture taking. Kain. Kwentuhan. Kain. Hanap gift. Kain. Bukas regalo. Kain. CR. Kain…Sino matakaw? Kaya ang pasko ko ay isang munting paglalakbay mula sa 52kgs papunta sa 55kgs. HAYOP!!!!!

Matapos ang walang humpay na pagkain (marunong din ako huminto) at buong araw na picture taking (kahit anong pose ganon parin itsura) oras na para sa MAIN EVENT! Ang paboritong game ng buong pamilya…Ang BINGO!!! Oo na mababaw angkan namin. Last 2 years ago nang unang mapagtripan ang pagpapalaro ng bingo ng aming rich tita. At dahil mga sugapa sa salapi, ginawa nang tradisyon. Sinong aayaw sa bingo na walang puhunan at 100 kada panalo?HA! Babaw talaga…Well anyway, pag naglalaro na ng BINGO ang pamilya namin, gumugulo ang bahay. Parang may giyera! Bawat bola, bawat bunot atat ang mga players. Kanya kanya ng sigaw na kala mo mentras malakas sumigaw lalabas ang numerong gusto nilang palabasin. Maipilit! Sabay sabay nagsasalita parang tawaran sa palengke. Napakasaya…Iba’t ibang pattern ang binubuo. Merong square, horizontal, diagonal, Letter L, U,V, Y, Z!Lahat na ng letra!

Pero ang talagang hinihintay ng lahat ay ang blackout. Hindi yung mawala kuryente….Ubusan ng numbers sa card. At ang manalo ay maguuwi ng tumataginting na 500 pesos. Kanina ko pa sinabing mababaw lang kami.hahahaha!!At pag ganong black out na naguumpisa na ang gulo. May nagpapalpitate, may napapatayo pag pumupuro na(lalo na pag hindi marinig ng mga senior), may panay ang subo ng pagkain pang-alis stress (hindi ako yon promise), merong napapaluwa na tinggil sa pagtili, may nagsisigawan at nagkokontrahan, at may nacoconstipate. Riot talaga! At sa mga oras na yon, malakas ang pakiramdam kong hindi malayong magsaksakan na kami any time…Sukdulang magkapatayan!

Pero, sa bawat laro may nananalo (oo na tito Lito!Hakot award ka!!!!) at may natatalo. Syempre uuwing maligaya ang nanalo. At ang talunan ay uuwing may sama ng loob sa nanalo(tita Tessie move on!!!). Kasi naman hindi nakikinig mabuti nalalagpasan tuloy ang panalo. Kaya naman nagaamok ang mga talunan. Oo tama…BINGO pa ata ang magiging dahilan ng pagwawatak ng aming pamilya.

          Ang ending? Hanggang kinabukasan hindi makamove on ang aming tita Tessie at may sama ng loob sa mga kumontra sa kanyang panalo. (Makikinig ka kas maigii!!)Gaano man kagulo, kahit muntik nang mawatak ang pamilya namin, kahit muntik na kaming magpatayan para sa 500, naging masaya naman ang pasko namin….Kebs na ang pagtaba (next year na ko magdadiet!) basta masaya at kami ay sama sama at mga walang sakit.

          Kayo, how was your xmas?

So far yan lang ang matinong larawan...Kagugulo e!!LOL


19 comments:

Poldo said...

E baket palda lang ang floral sayo?? at si greta.. teka cheetahs' skin ata yung soot nya eh.. hahahaha..

Ang saya naman! family Gathering talaga.... AYokong mainggit!! yokong mainggit AYOKO!!!!!!! hahahaha

Tamang tama sa new year na ang next lamon mo! hahaha

Oliver said...

haha, hindi makamove on sa pagkatalo sa bingo?
namimiss ko na magbingo, kahit hindi ako nanalo (tunog adik lang un a, haha)
so let's add 3 more kilos para sa new year? hahaha

Ungaz said...

@Poldo: Since birth nakafloral na kami...hahahaha!!Lam na yon. O diba ang saya namin.in ur peyz!!!Hahahaha...joke!

Buti may pagitan ang next lapa....Hay

@Oliver: Aha! Hindi nya matanggap na nalagpasan ang panalo nya.hahaha!Seryoso sya...Funny!Try mo magbingo fun un.nkakaexcite!!!

3kilos pa??!!!!Hindi ko na kaya..whahahahaha!!!!

Xprosaic said...

Merry christmas! naks naman! todo sa paghanda sa outfit... lol... naks!

Ako si Yow said...

TAMA si Poldo. Asan ba ang floral sa suot niya? Haha. Oo at may tinatago siyang bulaklak ng kalabasa sa loob niya pero hindi sapat na tawaging floral na ang outfit niya. Haha. Ang saya ng pasko. Gusto ko magkwento pero parang tinatamad ako. Haha. Next time na lang. Happy Christmas. :)

KikomaxXx said...

hahaha... wala akong naransang christmas party pero birthday party meron.. wahehehe... the same lang yun kain2... wahehhee...

Jepoy said...

belated Merry Christmas, diba dapat bilog bilog hindi floral? nangengelam me. LOL

ISTAMBAY said...

hinahanap ko ung fitted na floral at ikaw un ahahaha.. parang suman na binalot sa bulaklaak.. (joke lang hehehe).. happy new year

Ungaz said...

@Xprosaic: Hindi pinaghandaan at tinatamad pa sana ko umattend.umaarangkada kasi pagkaGRINCH!hahaha!!

@Yow: Kipay ang floral!Pagbigyan mo na..Kaw na humaHOT PAPA sa mga pics nyo nung pasko...woohooo!!!maibenta na!

@Kikomaxxx: E kainan lang naman talga ang pwde mong gawing pag gantong pnahon...LOL

@Jepoy: Pag bagong taon yung polka dots para daw maraming pera!E kaso barya lang yon kaya square square o stripes kami sa new year.hahahaha...belated merry xmas.:)

Ungaz said...

@istambay: Langya ka!Oo na...muka kong suman...magdadiet ako next year!promise!!!!hahahahahaha

Tong-tong said...

ke-gagandang mga binibini naman sa pics.

wait. nagbabasa me....

yung bingo thing, meron din sa family namin yan. maingay din at magulo. and unexpected kasi mga matatanda may pagak green sa pagtatawag ng numero sa tambyolo.

sa letrang B! matigas! 1!!!
sa letrang O! tumbalelong! 69!
sa letrang G! p**p**! 55! di ko gets nung una pero baka sa pagkakabigkas ng paybpayb o basta.

mery xmas! next year masmalake na the pot money. mga 500pesos. plus iPad. lols

glentot said...

2 words: Mini Skirt. Haniiiiiiip!!!

At si Greta, akala ko ba floral? Tiger prints yun ah... Nasan banda ang flower ni Greta???

Traveliztera said...

haha ang cute may theme pa talaga! parang naninibago akong FLORAL ata trip mo hahaha! binatay ko kasi sa layout ng blog mo... tama ba naman un. haha! basag trip ko talaga haha!

sarap kumaen noh!?
at cinareer ang bingo HANEPPPPPPPPP hahaha!

stay merry! hahaha! :D

Ungaz said...

@Tong: Pang miss Gay ang mga beauty diba?LOL...Kahit maliit ang prmyo masaya nman.Asa naman ako na magka iPad..hahaha!Happy nu yr..:)

@Glentot: O diba?Bading na nakaskirt?Pagbigyan na...At talga namang intersado hanapin ang flower ni Greta.Andon sa....yuck!Anyway anjan lang yon somewhere.kapain mo nalang.hahahahaha

Fr Greta: Nagchange outfit lang ako pota ka!!!..LOL

Ungaz said...

@Traveliztera: Napasubo lang...joke lang naman sana yung floral e sineryoso ng mga kumag.ala na urungan.hahahaha!!!Tumpak!SUper sarap chibog.kahit wag na bumingo basta busog!LOL

Hope you had a merry xmas..happy new year Steph.:)

Pirate Keko said...

Haha. kapag pasko talaga hindi mo maiiwasang hindi kumain.
nakahain na eh tatanggi ka pa ba?

happy new year ungas :)

Ungaz said...

@Pirate Keko: Hindi ako tumatanggi sa grasya.hahaha!!Happy new year din..:)

kikilabotz said...

xensa at medyo late n ko nakabati. hahahahaha. merry xmas at happy new yr


wahahaha. parang puro kain na lang ha? kada gawa kain. ungaz kitang kita ka sa pics. ikaw lang kasi nakaputi. ayos .oh yeahh

Ungaz said...

hahahaha!!!Belated merry xmas belated happy new year kikz...hehehe!!!

Nurse e..kaya pute.alang konek!Hahaha

Post a Comment