I'm Back!!!So What?!

                Oh well I’m back….May net na kami sa wakas pero wala parin ako sa mood magblog ng maganda(as if maganda kung magblog.feeling!). Kaya ikukwento ko nalang ang mga latest happenings habang humahiatus ako kuno…

               Last December 15, 2010. Last day of duty ko sa HDU (hemodialysis unit para sa mga inosente.hehehe!)… Bakasyon lang naman. Babalik din ako next month. Nagexplain? Since last day na namin ng mga kasabayan ko, isinabay na namin ang despidida partey namin sa xmas partey ng unit namin. Tunay na diwa ng mga kuripot! Bring your own lapang ang eksena. Pati mga pasyente namin join sa partey. Impernez ang  daming chibog. Ang planado lang namin na pakainin e nasa 10-15 PG’s only. Kasama na kami dong mga nurses and patients plus mga boss..E anak ng tipaklong! Maya maya isa isang nagsusuguran ang mga taong hindi naman namin kakilala mula sa iba’t ibang departamento! WTF!Anlakas ng pangamoy… May mga boss na non lang kami kinausap sa 5ng buwang pamamalagi ko don. Pag may lapang pala bumabait. May babaeng puro irap lang ang ibinigay sakin at pandedeadma pag pinagtatrabaho ko siya tapos kumakana ng ROUND 2 sa handa naming wala siyang share ni isang kusing. Oo na!Ako na madamot at masungit!!! Ang ending ng araw namin, napakain namin ang buong ospital. Mayaman? Kebs na nga. Pasko naman...Masama magdamot sa mga mas nangangailangan.whahahaha!!!  Sa mga departments na hindi nakachibog….Tutulog tulog kayo e. Kahina….Ang unit xmas partey e kumana hanggang gabi.  Lumipat pa ng venue para lang kumain(para wala nang kaagaw).  Di ko na sasabihing nagbubukas na ko ng pantaloon sa mga oras na yon sa sobrang busog…burp! At ang nakuha kong gift ay....isang PINK!HANNAH MONTANNA! NOTEBOOK! Dito na ko nag-ala Mauro Vizconde nang malamang acquitted ang Hubert Webb. Di ko na napigil ihampas sa ulo ng nagbigay ang notebook...Pero prank lang pala...May isa pang gift.whoopee!!!hahahaha.. 

              Isang araw lang ang pagitan….Lapangan nanaman!Hindi pa natutunaw ng digestive system ko ang mga handa nung 15, umariba nanaman ako ng kain nung 17. Partey naman ng buong hospital…At may theme pang nalalaman. HAWAIIAN! Hindi ako mahilig sa floral shits (so tacky!Lito Atienza?)Kaya naman nakapajamang sumugod ang Ungaz sa Hospital. Anong malay nilang pajama yon….Basta mukang Hawaiian kebs na! Pagkain lang naman dinayo ko. At dahil ang unit namin e mabilis sa kainan, mga nangunguna sa lamesa ang mga taga HDU….Ever the PGs, inubos ang balat ng lechon. Mga naghigante sa panunugod sa aming partey sa unit…hahahaha! At ang maganda non, kumakain na kami kahit wala pang GO signal. O diba? Kumakain habang may speech at awarding na nagaganap sa harapan. 

            Kaya naman ang xmas vacation ko ay iginugugol ko sa araw araw na pagsasabi sa sariling…”ANG TABA TABA MO UNGAZ!PURO KA KAIN!LECHE KA!” O diba sira ulo lang? Puro partey e. Tapos, ano magagawa ko kung may nanay kaming hobby pakainin ang mga anak maya’t maya….LORD!!!! Paano na sa mismong pasko pa. Muka na kong buntis na bakla!Ano ba?! Miz ya’ll..Labya

*Walang kinalaman ang title sa mga sinabi ko...Wa enta pa post. hahahaha!

14 comments:

Jag said...

hahaha natawa nmn ako dun sa mga babaeng kumakana ng round 2 sa kainan as in natandaan mo tlga kung cno ang bumabalik hahaha adik!

ISTAMBAY said...

maligayang pagbabalik ungz... aheheheh, wala bang leftover food jan? xmas partey pa lang yan ha, nakow pow, pano na sa xmas, dabunts na? hehehehe

Supladong Office Boy said...

kahit kelan talaga ang ganda mo magsulat ungaz. sobrang lalim at punung-puno ng sense.. napakalalim at matalinghaga ang mga bawat salitang iyong binibitawan. hahahahahahahahhahaha!!

welcome back!!! :) ano papasko mo saken?

KikomaxXx said...

weee.. ayan party syemper pag may party may pagkain syempre pag may pagkain lalamon ka na naman at syempre tataba ka nanaman ng kunti.. hanggang ISUKA mo nalang.. wahehehe joke

mots said...

isang PINK!HANNAH MONTANNA! NOTEBOOK! Dito na ko nag-ala Mauro Vizconde nang malamang acquitted ang Hubert Webb.

panalo ka! :) meri kurisimas.

Poldo said...

ang bait bait mo talaga.. nasasaiyo ang diwa ng GIVE LOVE OF CHRISTMAS DAY lalo na pagdating sa pagkain! hindi ka talaga madamot pramis hahahahaha...

HOng daming handaan!! sige manginggit ka pa!

at kinakarma ka tuloy sa pagbibigay ng PRANK pagdating sa gift.. hanna montanna notebook na pink bagay na bagay sayo! hahahaha

Happy Christmas ungaz magbago ka na! LOL

glentot said...

Hooo kunwari ka pa eh paborito mo si Miley Cyrus! So kung hindi notebook ang tunay na gift, ano? Hulaan ko, T-shirt?

Anonymous said...

ambilis mo naman nagbalik..hahaha. hindi k pa nmin namimiss eh. hahaha. joke. welcome back. nga pala hnd lang ikaw ang tumataba ako rin. hehe

-kikilabotz

Ungaz said...

@Jag: Hindi ko siya makakalimutan at siya lang ang punong puno plate...hahaha!!

@Istamabay: Thank you sa pagwelcome.hahaha!Sa siba ng mga tao wala nang natira kahit buto.

@Supladong office boy: hahaha!Sarcastic?Oo na wa enta nnman...un gusto ko e.

gift?hhhmmm...FRIENDSHIP!hahahaha

@kikomaxxx: Tumpak!!Hangga't di sumusuka wag susuko...hahahaha

@Mots: hehehe!OA no? E naman kasi e....hahahaha! Merry xmas din...:)

@Poldo: Saksakan talaga ko ng bait!hahaha...At ang hannag montanna naging dedication notebook ampupu.Kala mo slambook!leche

Magbago?Mauna kayo...LOL

@Glentot: Wrong idol....hindi tshirt. Isang kahong porn movies.sayo nalang...hahaha!Joke. Cute gift sakin. Very useful...

@Kikilabotz: O diba sabi sa inyo parang di nawala e...Yaan mo susunod tatagalan ko.hahaha!

Masarap kumain e..kebs na kung tumaba!!!

Xprosaic said...

Ahahahahhahaha naku nakakatuwa basahin...alam mo yung kapag binabasa mo feeling mo ambilis mo magsalita tapos anlakas ng boses sa pagkukwento... ahahahahahaha...parang sabik sa kwentuhan! ahahahhahahaha... naku yaan mo na kung mukhang buntis kesa naman sa leeg ang storage ng food...lol

Ako si Yow said...

Wow. May net na sila. How's the shitty wi-max? Haha. Ang bilis mo naman bumalik, sana tinagalan mo pa. Parang ao din ata eh naghiatus. Parehas lang naman ang tagal na wala tayo. haha.

Oliver said...

hehe, ako din, sunod sunod party. =p
ang kapalmuks naman nung mga sumama senyo. Sana nilagay nyo dun sa may pagkain na "Exclusive to HDU department".
ano pala ung internet provider na nakuha mo?

Ungaz said...

@Xprosaic: Tumpak!Parang talakitak msaydo no?hahaha!!!Todo bigay...

ampanget pag bondat ang leeg.bading?joke

@Yow: O e di shitty nga....naturingang 1mbps kuno sing bagal ng senior citizen ampupu...miz yow!

@Oliver: Pakapalan ng muka talag don...kunyari close close pag mya kainan.hahaha!

Globe ang natagpuan ko..Sila lang ang kayang umabot sa gubat na kinaroroonan ko.hahaha!

melovesflying said...

Hello. I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks and Merry Christmas! :)

Post a Comment