Ipikit Mo Nalang Mata MO

            Ang bra…Necessity sa buhay ng isang babae.Ang sumusuporta sa kanilang mga dibdib ano pa man ang size. Ang nagtatakip sa hindi dapat makita ng publiko. Hindi mahalaga kung mamahalin o mumurahin. Di bale kung may design o wala. Skintone o colored. Plain o printed … Basta mahalaga ang bra sa babae! E ano ngayon? Ala!Hahahaha!!!
  
   So far kasi sa araw araw na pagcocommute ko mula sa citey papunta sa barrio shittey napapansin ko ang usong fashion trend (uso na trend pa..redundant!) dito. Bukod sa mga nakakasawang view, ibang klaseng view ang napagmamasdan ko…Braless women! Tama. At hindi sa kaakit akit  na pamamaraan. Naiintindihan ko na paminsan minsan masarap sa pakiramdam ang walang suot na bra. Lalo na kung nasa bahay ka lang naman at walang lakad. Mas comfy, kasi walang masikip na sagabal sa paghinga. Basta mas kumportable. Kumbaga sa lalaki parang boxers. Just let it hang loose!Hahahaha…Pero ang tumengga sa harap ng bahay ng walang bra na nakaspaghetti strap pa for the world to see,  e NAKAKASUYA! Imba…Masakit sa mata. Buti sana kung ang susong bakat na nakikita mo e sing ganda ng tubo ng bundok sa pagkakafirm e kaso sumsayad na hanggang bewang na parang gusto mong kumanta ng “do your boobs hang low…” Mga halatang pinaglambitinan na ng isang dosenang anak. Minsan pa may hindi pantay (malaki kanan, maliit yung kaliwa) pero kebs lang. Rampa parin…Proud sa lawlaw na dibdib? Proud sa bakat na utong na sing laki halos ng piso?Kaloka! Buti rin sana kung maganda ang may ari ng braless boobs...hindi e! Damoho!

     Ganon kaya talaga pag tumatanda na? Nawawalan na ng hiya…Walang bra kung walang bra. Bahala na sino makakita. Nakukuha pang mangapitbahay at makipagchismisan ng ganon nalang. Susme! Ala nang pakialam sila manang kahit ang kahuntahan e kalalakihan kahit pa asawa ng kumare ang kaharap (inaakit si kumpare?!). Kahit madampi na sa kaharap ang malayang suso wa pakels...Impernez naman sa mga lalaking kausap hindi naaasiwa. Sabagay, pagnanasaan mo pa ba ang kulubot at malapit na sumayad sa lupang suso? Malamang hindi… Sanay nalang din siguro. Kinasasanayan ang ganon? Hindi ko kaya…Naaalibadbaran ako e…Ano magagawa ko e walanghiya talaga ko.
              
     Hari nawa sa pagtanda ko hindi ko makalimutang magbra kahit wala akong babrahan..

    At dahil hindi maiiwasan sa biyahe ang view ng mga braless women, paminsan minsan  wala nalang akong magawa kundi ipikit ang mga mata habang nasa byahe….pfft!!

19 comments:

Neneng Kilabot said...

ahaha.. ganun ata talaga mam.. marami ding ganyan dito sa kabundukan..

Supladong Office Boy said...

infairness naman, hindi ako nakakakita ng mga women na hindi nagwe-wear ng bra kasi it's not uso naman here in the city.

if ever man na maka-encounter ako ng tulad nyan in the near future, i would give her a thousand bucks or better yet, tapalan ko ng tig-500 pesos yung boobs nyang lawlaw.

bwahahahahaha!

Michael said...

Matanda na rin naman daw sila. Sino pa ba daw ang titingin?? LOLOLOLOLOL

Ungaz said...

@Neneng Kilabot: Hahahaha!!!Bilib din ako sa tapang ng hiya nila.hahaha

@Supladong office boy: pabor pa ang gagawin mo.magkakapera sila.bka lahat na ng babae magtanggal ng bra sa ggawin mo.hahaha

@Michael: Madaming titingin wala lang magkakainteres.hahahaha!!!

KikomaxXx said...

hahaha.. do your boobs hang low... gnada nun ah.. hahaha... pero jahi nadin yan...

Xprosaic said...

Ahahahhahaha naku nakakita na ako niyan at kahit di pa matanda halos lumuwa na kita pa ang ni**les...lol... Pero syempre sino ba naman ako para magreact...lol... magiging choosy pa ba ako?! lol

Oliver said...

i love your intro! Kaso pumangit na after nung intro. Akala ko puro healthy at beautiful braless babes ang nakikita mo hindi pala.
Magaalsabalutan na sana ako para makitira senyo, hahaha.

Greta said...

baka mabasa to ng mga tiyahin mo na pro-braless!lagot ka..

kung si tyra banks nga e nagtanggal ng bra on national tv, sila pa kaya na mga magchichismisan lang bat kelangan pa ng bra!kebs lang!

ISTAMBAY said...

ah siguro kasi nakaugalian na nila yan jan sa kabunudukan ahehehe... minsan kasi, nakadepende sa taong titingin ang malisya eh.. nakakaasiwa siguro talaga pero siguro sa ating masyadong moderno ng kumilos at manamit. Marami din ganyan sa dito sa amin ahahaha..

Ako si Yow said...

Bumablog oh. Haha. Weekly nga naman. TAMA! Naku.. Di na bago yan. Haha. Ok lang yan. Ikaw naman kasi, ikaw na nga lang makikitingin, ikaw pa may ganang magreklamo. Hahaha.

Anonymous said...

bkit walang picture dito? hahahahaha. ok lang sa akin. jan n lng kaya ako mannirahan. hahaha

-kikilabotz

glentot said...

Hnmmm tingin ko pagtanda mo, gustuhin mo mang sumayad ang mga joga eh hindi talaga sila mahila ng gravity baka magmukhang manboobs... JOKE!

Kasi ang thinking jan, "bakit pa ako magba-bra, dagdag labahin pa, wala naman dadakma at magkakainteres dito, at kung may dumakma eh di go."

If I know habang pinopost mo ito, wala kang bra. At panty. Joke!

p0kw4ng said...

ok na yang walang bra na nakalaylay ang medyo masagwa na talaga sigurong tingnan eh kung nakasampay na sa balikat nila yung mga suso habang nangangapitbahay...ahahaha!!

bumablog na ulit ang ungaz,hihihi

Ungaz said...

@Kikomaxxx: jahe nga pero wa sila pakels

@Xprosaic: Ayon hindi choosy....basta suso kait anong itsura game!Hahahaha

@Oliver: Ouch!!!!hahahaha....Panget ang view kaya panget din ang kwento...

@Greta: Formal attire ang mga tiyahin pag may bra...hahahaha!

@Istambay: Mainit daw kasi panahon...mas presko pag walng bra.ahahahaha!

@Yow: Oo weekly lang ang kaya e...ahahahaha!!!Sabagay mas liberated pa pala sakin sila inang.hahaha

@Kikilabotz: Halika na dito....Kung pwede na sayo ang susong panat.hahahahaha!

@Glentot: Ang sweet mo talaga...Hilahin ko yan e.ahahahahaha!!!

Grabe ka!!!Bra lang naman wala...Paslit ba at pati panty wala?omaygad ka!!

@Ate Powkie: Suya ate Powkie isasampay sa balikat para mahiluran yung ilalim ng suso.ahahahahaha!!!

Hindi regular ang blogging....ahahaha!!!

Jag said...

naalala ko tita ko pumunta ng palengke hndi nakabra...ang siste butas ang kanyang pang itaas n damit hayun exposed to public view tuloy hahaha...

Tama ka...I too preferred boxer's shorts kesa briefs...masarap lng sa pakiramdam...hehehe...

Traveliztera said...

kaya pag ikaw ang gumanyan, ikaw ang bida hahaha!

i-trend mo nga yan dito sa manila haha

Ungaz said...

@Jag: strong ang tita mo!hahahaha...di mo kasi niremind magbra.hehehe

Malaya sa boxer's kaya mas type nyo..hahaha

@Traveliztera: Sa bahay ko lang kaya gawin yon...hahahaha!

Naku di ko kayang gawing trend at kahit la bra hindi halata sakin.hahaha!!!

Dhianz said...

haha... nakakaaliw kang magkuwento naman... alam koh nakarating na akoh ditoh sa page moh noon pero ngaun lang uletz naligaw... ifofollow kitah para make sure makabalik uletz... *apir* ayos sa kwento.... ingatz... pabati na ren.. advance merry christmas... Godbless! -di

Ungaz said...

@Dhianz: Thank you...Akalain mong may aliw akong naiaalay.hahaha! Ge lang balik lang. libre naman...Merry xmas din.:)

Post a Comment