Hindi ko Kaya

                         Hindi ko kaya…Hindi ko talaga kaya…!!!.Hindi ko matiis na hindi mangalikot sa net. Potek! Kating kati…hahahaha! Ilang araw palang kami dito sa jungle ni Lion King… So far buhay pa ko at hindi pa nagpapakamatay! Wala parin kaming wireless broadband shit, salamat sa paimportanteng Globe….hmp! Kaya naman si Ungaz dinaig pa tigang sa torjak ang init ng ulo…Masyadong feeling primitive si gaga.Kaartehan! Dahil di makatiis nagtiyagang makipeysbook at twitter (yon lang ang pwedeng gawin!) sa celfone ni Greta si Ungaz(Ako na ang may pathetic lo-tek fone)…

                        At eto ang adventures na hinihintay nyo! Wala! Since wala ngang internet naghanap ako ng ibang libangan…Lilibangin ko sana ang sarili sa panonood ng TV(may cable sa beryo!ha!) kaso hahaplusin ko palang ang remote “WAG MO ILILIPAT AT MARA CLARA NA!”…Ala na! Hinarang ng mga ikik ang kaligayahan ko…Padabog nalang akong bumalik sa kwarto para magburo!!!Nagcable pa ABS-CBN lang naman ang tanging pinapanood!Papuputol ko yon e!!!Whatta life! Isa pang libangan ko dito ay ang pag-aalaga at pakikipag-utuan sa napakakulit na pamangkin/inaanak na walang mintis sumigaw ng “NINANG! SIWA UWO!! SIWA UWO!!!”. O diba?Kasarap lunurin sa ilog….Sino naman kaya di masisira ulo ditey?!

                       At dahil parang mamamatay na ko pag hindi nakapaginternet….OPERA MINI time! Sukdulang inubos ko ang load ko makapagnet lang.Ganon ako kasabik! At dahil limitado ang oras walang kasing bilis ang kamay ko sa pagpindot na halos mabaklas ang keypad ng celfone ko! Ilang araw ko nang ginagawa yon..Kaya naman dukha at purita sa load si Ungaz ngayon.Nagcelfone pa ko!!!! Buti nalang umuwi from the citey itong isa kong pinsan…May Globe tattoo si pinsan. Sa halip na kamustahin ko siya ang una kong sinabi ay “ATE PAHIRAM NG TATTOO MO NOW NA!PARANG AWA MO NA!!!!”…Tong si pinsan naawa naman ata at iniwan saglit ang kanyang TATTOO na agad kong pinaloadan ng 50 para makapagsupersurf(hindi halatang sabik)…At BOOM!!!!Unlimited internet!Yey…Unahan ang Greta, at ako sa pagnenet. Sumsasabay pa si mommy V sa agawan at mag pepeysbook daw siya.Papalitan daw niya ng MICKEY MOUSE ang prof. pic niya na agad binara ng Greta “YUNG BLACK AND WHITE NA MICKEY MOUSE A.YON USO NUNG PANAHON MO!”….
Ngayon maligaya akong kumakalkal ng net…Kahit ang connection e parang si mommy V…choppy! Kahit ano mapagbigyan lang ang kati ko….Peysbook, twitter, blog hop,etc etc!!!WWWWOOOOHHHOOO!!!I;m a happy pechay!

                      Nakapagblog din ulit sa wakas(kahit puro reklamo nanaman)O diba parang hindi din ako nawala….Sabi sa inyo di nyo mafifeel e.At alam kong wa kayo pakels..Namiss ko kayo impernez…bwhahahahahahaha!!!Oh well paalam na ulit.Lintek!GLOBE BILISAN NYO NGA!!!Labya
             

11 comments:

Greta said...

nakuha pa magblog sa sobrang bagal ng connection!saludo ko sayo!

Walang Magawa si Banjo said...

hihihihi... masasanay ka din... ^^

Supladong Office Boy said...

bwahahahahahahhaah.

yun lang masasabi ko sa status ng life mo ngayon. lolz

Ako si Yow said...

Haha. Desperate Ungaz! Magslambook ka na lang kasi ulit. Haha. Gusto mo iblog ko yun? Haha. Kulitin niyo kasi yung globe, sa amin naman mabilis yun nagpunta. O kaya naman eh tawagan niyo araw araw. Haha. Mababaog ka for life!

KikomaxXx said...

hahaha/... kawawang nilalang.,.. oi magdiary ka nalang.. lo-tek version ng blog.. hahaha

glentot said...

Hahaha hanep ang banat mo kay Greta ng black and white! Lavet, genius ka talaga sa mga asaran that's why I idolize you, kasi ang sama ng ugali mo.

Naku, ang Globe Tattoo kahit unlimited, 800MB lang ang pwede mo mabrowse in one day... Puta.

Oliver said...

hahahaha.
baka may wifi connection ung mga kapitbahay nyong tikbalang, makiconnect ka muna. =p
ayaw mo ng sun? mabilis ang wireless broadband ng sun dba? (promotion?, haha)

p0kw4ng said...

ahahahaha at talagang yung pagbabasa ko ng post eh parang nagmamadali din..feel ko kasi na mauubos na si globe tattoo,hihihi

globe dalian nyo na..pag tsutsupain ko kayo pag di nyo pa kinabitan ng net sila ungaz!!!

Super Balentong said...

may alam akong pamamaraan kung paano mo mapapabilis 'yan. ibubulong ko sa'yo.

Xprosaic said...

Hahahahhahahahha parang habang binabasa ko eto eh rining na rinig ko ang mga sigaw mo habang sinasabi ito... ganun ka kasabik! ahahahahahahaha... magnenet na uli yan! hehehehhehe

Ungaz said...

@Greta: Para paraan lang yan..bright ako e!

@Banjo: Hindi siguro..hahaha!!!

@Supladong office boy: parang nangaasar lng a..hahaha!!!

@Yow: Shat ap!!!Anong slambook yang nalalaman mo!hahahaha...pesteng mga net walang kayang umabot.

@Kikomaxxx: Oo nga no..masakit sa kamay magsulat.hahaha!

@Glentot: Si Greta nagsabi non lagot ka..hahaha! Mas idol ka namin.chos.

Oo potang globe mautak...tsk tsk

@Oliver: Impernez, sila palang ang hindi ko napagtatanungan. Matry nga.Baka sun ang sagot sa problema ko. sbhn ko inendorse mo.LOL

@Ate Powkie: Sige nga ate Powkie!Baka libre na ang monthly bills pag chinupa chups mo sila.hahahaha!Mwah

@Balentong: at papano naman aber?wholesome ba yang ibubulong mo na yan?hahaha!

@Xprosaic: Kung verbal malamang pasigaw ko nga sinabi. Hanep ang diin ng tipa ko sa keyboard sa pagkasabik...hahaha!!!

Post a Comment