Farewell

                 Paalam na...Tinagalog ko lang ang farewell! Sa mga panahong ito suicidal ako(weh?!) at ninamnam ko na ang bawat sandaling nalalabi sa pagtira sa aming PEACEFUL loving apartment....Oras na para bumalik muli sa kagubatan sa piling ng mga ikik.


                 Next week lipatan mode na...nasestress na nga ako sa mga pangyayari sa charity work ko stressed pa sa paglilipat bahay. Ibabalik na namin si ina sa piling ng kanyang loving sisters. Sama sama na kaming mamumuhay sa "SINGLE LADIES' HOUSE" sa gitna ng kagubatan with my 3 lovely single titas!!!Pakshet!...Oo kagubatan!As in hindi kayang abutin ng putek na smartbro kaya napilitang kumabit sa Globe. At ang pag-iinstall e aabutin pa ng ilang taon ang paghihintay. Kaya naman tigil blogging muna.Hahiatus ako kahit wala kayong pakialam!Impernez sa tagal kong magpost hindi niyo mamamlayang naghiatus ako.Parang normal lang din...Wapak! 


                 Well anyway balik barrio na nga kami ni Greta ala Paris Hilton and Nichole Richie sa "the simple life" (kunyari alam niyo!)...Syempre mamimiss ko ng todo ang madaling pamumuhay sa citey!(slang e!).Dito sa citey paglabas ng pinto ready kabod ang taxi(tricycle) at ilang kansot lang nasa patutunguhan ka na.Sa beryo(barrio) nasa muka mo na ang lahat ng alikabok sa kalsada(Instant face powder!) wala paring dadaang jeep.pathetic! Sa citey pag biglaan kang tumembwang madadala ka kagad sa hospital at asahan mong lalabas ka ng buhay. Sa beryo isusugod ka sa hospital but sadly sa layo ng hospital kinuha ka na ni kamatayan on the way...Sa Funeraria ang diretso!ampness! Sa citey ang tanging ingay na maririnig mo ay ang mga sasakyan na nagdadaanan at nagbabanggaan sa kalsada. Sa beryo maririnig ang huni ng mga kuliglig sa gabi ng katahimikan at mapapa "horror movie ba to?!Anong oras lalabas ang multo?!"ka...Buti nalang no commercial break ang bibig ng mga tiyahin kong ikik kaya mababawasan ang takot ko, sasakit nga lang ang ulo ko!!!WWWWaaaahhhh!!!!Magiging suki na ko ng BIOGESIC!!!Sa citey hindi uso ang paranormal shits! Ang puno dito ihian lang ng lasing unlike sa beryo tirahan ng engkanto. Sa citey puro buildings at walang gubat. Sa beryo puro puno...feeling mo para kang si Tarzan (hindi Tarzan X) na pwde magpabitin bitin sa mga baging!Impernes tipid sa transpo...Sa citey ang gimikan ay bars na may sayawan at mga sosyalen at feeling sosyal ang pumupunta. Sa beryo ang tanging gimikan ay beerhouse at para lang yon sa mga nagchichill na farmers. At ang mga pangtable na babae epektib na pampurga itsura.LORD!!


                 Hindi ko maiwasang pagkumparahin...Sorry naman!Marami pa pero natatamad na ko....Ayawan na!




                 O citey i'll miss you so much...Hindi halatang ayoko umalis sa piling mo....Puro ako panlalait sa farmville. Goodbye easy breezy (cover girl?)life,goodbye sleepovers,goodbye freedom..Hello Pakshet!hahahaha!!!Goodluck naman sa aming life changing move. OA masyado! O well,paalam na....Hanggang dito nalang.Hanggang sa muling pagkabuhay.Mamimiss ko kayo.Hahaha!Lande!Labya!

16 comments:

Ako si Yow said...

Hayaan mo na. Masasanay ka din kapag nag-aakas ka na ng binilad na palay. Haha. Hihikain ka nga lang. ang lagay pala nito eh ako pa ang taga-Cabanatuan City ngayon? Haha. Eh kayo? Umaygad.. Mas malapit pa pala me ngayon. O well, good luck. Umabsent ka na lang sa paglilipat day niyo. At welcome sa shitty wi-max family. :)

KikomaxXx said...

weee... basta andaan lang na magdaa ng tissue kasi sa bukid waang papel.. baka sa pilapil ka pa magpunas nyan.. hahahaha...

p0kw4ng said...

ay kakalungkot na!! papaano work mo? mapapalayo ka ba o mapapalapit? worried ako...ahahaha!

papaano school ni Greta? (feeling closeup)

papaano si Mommy V? di na balik abroad?? dami kong tanong..kasi naman hindi inayos ang kwento..ahahaha

Xprosaic said...

Naks yaan na makakasakay ka naman ng kalabaw at kabayo (haciendera?! lol).... at syempre ang fresh na simoy ng hangin at mga boses ng kuliglig... hehehehhehe

Walang Magawa si Banjo said...

ayos yan ungz..... hahaha.. may nalimutan ka.. sa citey, on time ang eat bulaga alas 12 ng tangahali, sa baryo. alas 5 ng hapon ahahaha.. ingats ungz.... wag ka na iihi sa may puno.. patabi ka muna hehehehe... ingats po palagi...

Ungaz said...

@Yow: Bisitahin mo kami sa nowhere a!Don ka naman magsleep over...Oo magiging shitty narin connection!Hayop na buhay talaga!!!

@Kikomaxxx: Tatae ba?kadiri a...that's so pangmahirap.hahaha!Malait pala e

@Ate Powkie: Shet natats naman ako at concernd ka.seryozo!!!Hahahaha...Pahirapan ang pagpasok namin ng Greta at si mommy V isusuga ko sa bukid!LOL

@Xprosaic: Kaw lang ang may kabayo at kaw lang ang mayaman.ahahahaha!Madaming kabayo don.As in mga kapitbahay na mukang kabayo!Ang bad ko!!!LOL

@Banjo: Ouch!Langya ka.Pilipinas parin yon...TFC ba at magkaiba oras ng labas?!tsk tsk tsk!Kakapunin kta e!hmp!LOL

Traveliztera said...

Awww... Hehehe nakakatawa pagkwento mo hahaha! Akala ko nga sa Capiz ka nakatira nung una di ba ehhehehe! Hindi ka masyadong bitter noh... hahaha sige icompare pa hahaha! Pero ayaw mo non mas madali pa rin transpo dyan... Makisakay ka sa mga ik-ik haha!
Pero mamimiss ka namin... (parang lagi kitang kasama rito e noh hehe!) pero ayon... ENJOY! masaya dyan I'm sure! hehe!

kikilabotz said...

hala ka! naku naku... mawawalan n ak ng favorite basahin dito. bwahahahaha.. pero may city pala jan sa inyo? bwahahahaha. ang sama eh noh? bumalik k agad ..ikaw ang magiging topic ng blogosphere kapag hiatus ka

Ungaz said...

@Traveliztera: Ouch!Ba't Capiz?aswang ba?joke!hehehe...Bitter tlga ko at ayoko don.No choice lang...hahaha!!!

Mamimiss ko din kau...drama!!!hahaha

@Kikilabotz: Kala mo ka totoo...hahahaha!Babalik ako sa ayaw at sa ayw niyo.Kahit di nyo ko mamiss!Lahat ng pwdeng applyang internet connection ppuntahan ko!!!!!bwhahahahaha!!!!

glentot said...

Anong hiatus? Eh dadami nga lalo ang maikwekwento mo dahil sa mga Tita mo! Tignan mo, hindi ka pa nga nakalipat may naipost ka na!

Psstt ayusin mo daw magkwento ayan nasita ko tuloy ni Madame Powkie ahihihii!

Ungaz said...

Idol, madami ngang kwento wala namang net.pinahihirapan ako ng mga network sa pghhnap ng aabot sa nyetang kagubatan!!!Kala mo nman sa outer space ako ngppkabit.mga hayop na un.hahahaha!

Nagexplain na ko kay ate Powkie..Nakakatats na concerned zya.hahahaha!

Supladong Office Boy said...

ungaz, paano ka nakapagcomment sa new post ko? akala ko walang internet connection dyan sa capiz este sa bukid? bwahahaha.

wait namin ang kwento mo tungkol sa mga adventures mo.. :)

Ungaz said...

Sa tuesday na ang kamatayan ko...excited ka?!hahahahahaha....Medyo matagal ang pagkawala ko kaya dapat pagbalik ko nasungkit mo na yung dream bebot mo a!!!Atupagin mo!hahahahaha!!!!

Poldo said...

Ano to??!! baket may pa-farewell farewell ka pang nalalaman??!

Hindi porket bumalik ka na sa kagubatan e iiwan mo na ang blogging world.. pwede parin namang umabot sa kagubatan ang signal galing sa syudad.. ipakabit mo sa puno ng buko...

and sabi nga nila kahit saan ka man mapunta babalik at babalik ka parin sa dati mong kinagisnan... so it means isa kang taong gubat.. hahahaha joke lang ungaz..

sige now na rin ako babati(greet) ng Merry Christmas sa inyo ni greta at kay mommy V weeeee.. hehehe

Ungaz said...

Konting tiis nalang...mgboblog na ulit ako.hahaha!Langya ka Poldo...Taong gubat pala a...

Oliver said...

teka, im at loss (or hindi ko naintindihan ung kwento hahaha)
bakit ka lilipat at kelangang magalsabalutan sa kagubatan?

Post a Comment