Mother's Bloopers

                      Aminado kong paminsan minsan may pagkatopak ako at mahirap unawain minsan...Minsan lang naman. Naisip ko, saan ko kaya nakuha ang aking amazing unique traits?Lingon sa kaliwa....ding!ding!ding!ding!!!!!SAYO AKO NAGMANA MOMMY!!!!Yes...Kay Mother V (hindi vagina)ko namana ang toyo....


                     Tong si ina paminsan minsan ibang klase babanat. Tipong mapapatawa ka hanggang umakyat na matres ko sa lalamunan.Tulad kanina.... Habang ako e abala sa pagkakalkal sa internet at abalang iniisa isa ang mga nasa blog roll ko...


                     INA:        May bago ka bang blog?
                     AKO:       Ha?Ala...masipag magblog?
                     INA:        Si (insert real name) si (insert blogger name?) 
                     AKO:       (absent minded) Oo...siya nga yon
                     INA:        Tapos yung (blogger name) yung tttooootttt, tapos yung tttooottt ang tttooootttt....
                     AKO:       BUMOBLOG HOP KA MOMMY????!!!!!!


                     Anak ng!May pagkatechy si ina at hindi papahuli...Pero hindi ko akalaing bumblog hop siya...blog hop!!!Hindi na siya nakuntetong pumeysbook lang!woah!!!


                     Pamaya maya naasiman sa amoy niya, naisipang maligo... 
                     INA:      (Sa loob ng banyo) wwwaaaahhh...say twalangaing myulawtere sa bahig.....!!!(nagtititili sa banyo!!!tulilig tenga mode!)
                     AKO:     (kay Greta) ano daw?
                     GRETA:  Panty daw ata.
                     INA:      may dalawang bjgbnaonfpa sa sahig!!!!
                     AKO:     ANO???!!!
                     INA:     (binuksan ang pinto!) may dalawang bulate sa sahig!Tanggalin mo nga!!!Nakakadiri!!! 
                     AKO:    AYOKO!!!SI GRETA NALANG!(sabay lingon sa banyo)
                     AKO:    WHAHAHAHAHAHAHA!!!!ANO BA YAN.GRETA TIGNAN MO NANAY MO!!!OMG!
                     (Si ina nakatapi lang ng twalya!Pagtalikod....charan!!!Never mind!!!!)
                     GRETA: Tssss!!!Ano ba yan!Kadiri (Si ermats tinutukoy niya)
       
                     Masama man ang loob ng Greta dinampot parin ang dalawang walang muwang na patay na bulate sa banyo para matahimik na ang lahat (si ina lang actually)....Nang masigurong wala na ang mga slimy thingy tuloy na ang ligo ni ina, with matching singing pa(Kung may volume lang imu mute ko,sintunado e!!)...Iba talaga si ina!!!


                     Hay mother!!Nakakakabag ka talaga...Oh well.Ako lang natawa dito.hahahahahaha!!!!Maski!!!!Labya!

16 comments:

KikomaxXx said...

hahaha... bet ko si mudra o.. nakakatwa din... wahehehe.... wee.. san ba yang blog ni mudra ifofollow ko.. wahehehe

Ako si Yow said...

Pagblog-gin mo na din kasi si Mommy V. Haha. Kayo na may nanay! Amp. Kayo na masaya sa pasko sa piling ng magulang. Yow na walang bitterness. :)

glentot said...

Wow may kasama na kayong parent sa bahay ah. For sure dami bloopers nyan. Yan ang masarap abangan sa mga matatanda...

2ngawzki said...

@Kikomaxxx: Walang blog si mudra...Hindi advisable yon.hahahaha!!

@Yow: Nadagdagan lang ang alagain ko..hahaha!Makinanay ka din.

@Glentot: Ya..Kaya masarap na foodams namin lagi.Oo maraming bloopers si ina...Nakakasuya!!!

Supladong Office Boy said...

kalurki si mader mo. bwahahaha. may pinagmanahan si ungaz.

p0kw4ng said...

ahahaha kakaloka nga ang mga mudra! ibang tumirada! hihihihi

huwaw kasama na si mudra sa bahay? dumating?

YanaH said...

nawindang ako sa mudrax mo.. bakit biglang nag-iba ang lenggwahe? may sa alien ba sya or something-something? hahahaha kaloka ever.

kikilabotz said...

hahahaha. pki sabi po kay mommy magcomment siya. hahahahaha..

2ngawzki said...

@Supladong Office Boy: Trulalu...berat na berat!Hay naku

@Ate Powkie: Oo dumating...Kiki lang ang dala.hahaha!!!!

@Yanah: Kulob siya sa banyo e...Sana di nalang binuksan pinto.hahaha!!!

@Kikilabotz: Wag mo asamin...Mas sira ulo cocomment yon!Parang di nakainom ng maintenance(tma ba spelling?LOL)...

Oliver said...

hala, haha. nagbbloghop si mommy? so hindi lang kalokohan mo ang nababasa kundi sa iba din?
bakit hindi engganyohin na magblog din si mommy para sya na lang ang magkwento mismo ng bloopers nya? hahaha

Poldo said...

hahaha... asteg!! si mudra wala old school na old school eh.. pero oks lang love parin..
kainggit kayo hehehe

2ngawzki said...

@Oliver: Alam ko namang siya lang ang avid reader ko...Nanay e.Pero pati ibang blog?woah!!!hindi ko kinaya.Pag siya nagblog sisikat yon.Ayoko!hahaha

@Poldo: Nainggit?May nanay ka din naman a...Di mo nga lang kasama.hahaha!nye nye...nahohome sick na yan...whahahaha!!!

Greta said...

dapat may blog na din si mudak.. pangalan eh V the komentera!cool un aba....

Traveliztera said...

HAHAHAHAHA grabe. LEVEL UP SI MAMA !
alam na ang bloghop hahahaha! lagot kaaa haha!
natawa ako sa cr moment nio hahahaha! ang funny ng mom mo! dapat may sarili na talaga siang page. parang ung mommy ni ariel dun sa maverick and ariel. hahaha!

award mo: http://traveliztera.blogspot.com/2010/11/awards-and-recognitions-where-is.html :D love ya

Jepoy said...

na experience kong nag comment si Mudrakels mo sa blog ko. Mega thank you sya. Na patumbling me na konti parang gusto ko nang mag close ng blog bigla. hihihhihi

2ngawzki said...

@Greta: V is for Vekvek!Ala lang...hahahaha!O kaya V as in Viagra...Ang babaeng nakakapagpatayo...ng lumpo!hahaha.pota corny!

@Traveliztera: Nagbabalak na din siya magblog.Kinakabahan ako sa kanya...Delikado!!!

Umaaward?OMG!!!!Panic!!!LOL

@Jepoy: Oo nakita ko ang kumento!Ako napatumbling sa kahihiyan.LOL!!!Gusto niya maging close kau.echusera siya!hahaha...

Post a Comment