World Peace

                     Lalaban nanaman si Pacman bukas....Syempre excited nanaman ang buong mundo. Lahat inaabangan ang pakikipagbasagan ng muka ni Pacman(kahit umpisa palang o kahit walang laban muka nang basag muka ni pacman.ahahaha!!!) sa kalabang poreynjer. Inaabangan kung paano lampasuhin ni Pacman ang kalaban with his fast effin moves and heavy punches...Parang laging galit sa mas gwapo sa kanya kung makabira kaya laging nananalo....Pero ano nga ba ang mga benepisyo natin mula sa laban o pagkapanalo ni Pacman?

                  Let me enumerate some....

  1.  Mabango nanaman ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo- Puro puri nanaman ang matatanggap natin mula sa mga banyaga. "blah blah blah boom tarat tarat futaness imbaness FILIPINOS". Ang galing daw ng mga pinoy....
  2. Nauuso ang pagiging charitable- Sa mga mayayaman at politicians to. Mahirap hingan ng salapi pag nagpapakain ng sandamukal na mahihirap pero pag laban ni Pacman todo bigay ng pondo para sa libreng LIVE panooran.Damoho!!!!
  3. Kumikitang kabuhayan- Ang laban ni Pacman ay nagbubukas ng maraming opurtunidad para kumita ng salapi ang mga mukang pera.hahaha!!!Nauuso ang souvenir thingys (kabakya lang), kumkita ng bongga ang mga sinehan (kahit puro surot bast pacquiao dadayuhin), at sympre hindi mawawala ang pustahan!!!Kaya pag pumusta ka samahan mo ng maraming dasal...
  4. Dumarami nagdadasal- Ayun dasal!!Dumarami ang nagbabalik loob kay bro at panumandaling nagiging mabait pag labanan na...At ang dasal "BRO...Panalunin mo si Pacman. Nakapusta po ang isang buwang sweldo ko.Promise i'll be good.mwah!" o diba parang text lang...Bait!
  5. May bumubeauty- Yayaman nanaman si Pacquiao...Syempre may pamparetoke nanaman si Jinkee! Ano naman kaya ang ipagpipilitan niyang ipaBELO?hhmmmm...(manong si aling Dionisia ang iparetoke!Mauubos yaman nila.LOL)
  6.  At eto ang huli...WORLD PEACE!!!!Eto pinakaastig sa lahat. Panandaliang world peace. Lahat magkakaibigan...Lahat ng pinoy nagkakaisa.Pero ito ang da best...Tahimik ang kalsada, Madalang ang daan ng mga sasakyan. lahat nakatutok sa laban. Tigil pasada ang lahat(Pahirapan sumakay)... So peaceful!Pwede kang humilata sa gitna ng highway..imba! Tumitigil din ang mundo ng mga kriminal..."Pare mamaya na natin holdupin yung bangko tapusin muna natin yung laban ni Pacman..." Very nice.
       O diba...bongga si Pacman!!!World peace ang drama. Araw araw sana laban niya.hahaha!!! Pero eto ang masklap...Pag panalo si Pacman
            "Yehey!!!Panalo tayo....Panalo ang Pilipinas." Lahat talaga tayo? Lahat tayo nakisuntok?

       Pag talo si Pacman
            "Tsk tsk tsk...Sayang!Talo si Pacman.hay!" Mag-isa na lang siya?Iniwan sa ere?


        
       Hahahahaha!!!Good luck Manny sa laban mo...Galingan mo!Nakapusta ko sayo loko ka!!!!Baon ko yon!!!
        

10 comments:

Ako si Yow said...

Hindi mo na napigilan ang feeling no? Crush na crush mo kasi si Pacquiao. Haha. Agawin mo na kay Jenks. At ang alam ko, almost zero crime rate ang Manela kapag laban niya. O de sige! Dapat pala eh lagi lumalaban. Wala ngang krimen, may namamatay naman sa atake sa puso. Haha

Poldo said...

Naks halatang IDOL na IDOL si pacquiao!!!.. woohoo.. pero dito sa amin nobody cares about boxing.. mas gusto nila ang soccer.. mga sucker ang mga tao dito! bwahahaha..

Gow pacquiao! pusta kong isang kilong tocino pag nanalo ka! bwahaha

Oliver said...

ako din nakapusta kay pacquiao kaya kelangang manalo sya. wala akong pambayad! hahaa

KikomaxXx said...

nyahaha.. natural bukas after church wala na naman akong masasakyan nito... lakad na naman under the sun...

2ngawzki said...

@Yow: Crush? I want to crush his face...Like crush crush. durog!!!hahahaha

@Poldo: Potaness!Ano iiduluhin ko don?Inggit lang ako sa salapi niya.un lng!hahaha

@Oliver: ur bek!!!!hahaha..Kinakabahan ako sa lecheng pustahan kahit 100 lng un.hahaha!Kuripot?

@Kikomaxxx: hahahaha!!!tama...salot si pacman sa mga ngcocommute.ngaalay lakad tuloy ng di oras.hahahaha!!!

glentot said...

Tama ka sa number 6!!! Tumatahimik sa pagka-tense ang buong mundo kapag may laban si Pacman.

Jag said...

oo nga pansin ko lng nagttransform itong si jinky it by it hehehe pati itong si aling Dionesia hahaha...

Jag said...

bit by bit hahaha matigas ang b key hahaha...

2ngawzki said...

Glentot: Tunay!!!Ayon kay Yow nag-alay lakad sila para lang makapagsimba at walang wheels everywer.hahahaha!!!

@Jag: Ibang tao na si Jinkee...damoho!Ano naman nagbago kay Dionisia?WWAAAAAALLLLLLLAAAAAA!!!!

p0kw4ng said...

alam ko ng nanalo si pakman bago ko pa napanood sa internet! oo purita kami pagdating sa live...wala nyan dito..ahahaha wala na tuloy excitement!!

Post a Comment