Ikana mo dito

                October pa lang binubuliglig na kami ng hawt young energetic chief nurse(BOOM!!!Shet!Kumulog!) namin na magkabit na ng mga xmas decor sa unit...Atat si tyang! Umiskip na sa pasko, hindi na pinadaan ang undas. Sayang ang eport naming hindi mag-agiw sa paligid para naman halloween na halloween ang dating!pfft!!!


                Dahil sandamukal kaming tamad, hindi kami tuminag at hindi nageffort magdecorate ng unit. Biglang naging Iglesia ni Cristo ang lahat (wala silang pasko)....Nalalapit na pasko,at tanging kami nalang ang walang diwa ng pasko.Walang kadekodekorasyon!Linsyak!Muka kaming yagit...Kailangan nang kumilos...Kanya kanya nang isip paano magdedecorate(at saan kukuha ng pandecorate ang mga dukha).Masabi lang na nakikiisa sa diwa ng pasko. Hanggang sa tamaan ng matinding bright idea si Ungaz!


                           "Pizza Hut ang sagot sa problema natin!!!!"


                Hindi pagkain ng pizza ang tinutukoy ko(bigla akong ginutom)...Ginaya namin ang gimik ng pizza hut pag araw ng mga malalanding puso....Ang pagdidikit ng mga cheesy shits sa window nila na nakasulat sa mga pulang cartolina na hugis puso mula sa mga patay gutom na customers.hahaha! Pero this time xmas wishes ang greetings naman ang ipapaskil namin sa pinto. At ang mga wishes and greetings e isusulat sa bilog na makukulay na cartolina.Operation: Ikana mo dito ang wishes and greetings mo...


                Kamakailan lang naumpisahan ang damohong proyekto! Buwis buhay at nakakapagod na tunay!Nang mayari na ang improvised "wall" para sa mga xmas wishes ang greetings ng kahit sinong gusto magdikit, syempre pinangunahan na naming magdikit ng mga wish namin....Eto ang ilan


                Head Nurse: Sana manalo ako sa super mega grand lotto (super na mega pa!Di nya lahatin!Gahaman!hahaha!)
                Ako: Dear Santa, Wag po sana matupad ang wish ni Head Nurse! Ako nalang panalunin mo...(O diba..Ibang klase magwiwish!kontra bulate)
                LG: Sana po may xmas bonus.Happy birthday papa Jesus, i love you po!!!(kulang nalang dagdagan ng "bless mommy,bless daddy"..Nagdadasal?)
               
                 ....at marami pang iba. Kinabukasan pagpasok namin!Laking gulat nang may ilang pang nagdikit ng kanikanilang mga wish at pagbati (kahit wala naman kaming gagawin para matupad ang wish nila)mula sa mga hindi kilalang nilalang...Ang ganda!Dumami ang nakadikit.Halos pare pareho lang naman ang mga wish nila. Puro materyal na bagay.... Bahay, lupa, kotse, umabroad,tumama sa lotto(may kahati pa ko sa panalo!)...Pero ang pinakamt=atapang ang hiyang wish ay..."Sana makapangasawa ako ng magandang babae!" Gusto ko hanapin si kuyang nagwish. Napakachoosy!Kailangan talaga maganda?Ambitious!hahaha!!!Meron pang kumana ng "wag mo muna ko sana kukunin Lord!"...Kaloka!Parang mental hospital ata napasukan ko...Maya maya, nagawi ang paningin sa last wish na nasa dulo ng board...."I wish for contentment in life, good health and happiness..." Simple lang pero may sense....Kanya na pinaka may sense so far. Nahiya naman ako sa wish niya. Puro kababawan lang yung samin.hahaha!!!


                Ang tao talaga pag humiling laging materyal na bagay ang inuuna..Lahat ng kababawan.Kaya naman binago ko ang wish ko...


              "Dear Santa, I wish you'd keep me and my love ones safe always, and give us all good health...Lastly, give me a very loooooooooonnnnnnnnnnggggggggg patience para hindi ko po mapatay ang mga nasa paligid ko.tenchu! Merry Xmas!!!"


               Kayo,ano xmas wish niyo.....???Labya!






           

8 comments:

Xprosaic said...

Sa akin ang wish ko maging Billionaire -so freakin' bad! lol... para di na ako magtatrabaho at gagala na lang kahit saan... tamad much?! hehehhehehe...

KikomaxXx said...

ako rin sana ao yung manalo dun sa lotto.. wahehehe pero ang problema di ako tumataya,... wahehhee

Ako si Yow said...

San bang gawi nakalagay yan? Bakit di ko naman nakikita sa ospital? Haha. Pambihira! Ang wish ko na lang eh magkaroon ng merry na chistmas. Dapat emo ang wish eh no? Haha. O kaya makapulot ng maletang may lamang ticket ng lotto na may winning numbers. Eport dapat ang pagyaman. Haha. Di kasi ako tumataya. At imposible naman makapulot ako ng maletang may laman na agad na milyones. Haha.

kikilabotz said...

ang wishlist ko ay walang iba kundi ang yumaman. hehe.

glentot said...

Hahaha sinabi lang na mag-wish eh nagsipag-effort naman agad sa wish hindi na nakapag-isip nang maigi! Ang wish ko rin ay yung lotto... I wish mawala ang pagkakuripot ko at maisipan kong tumaya kahit one time lang.

Oliver said...

ang wish ko ay matupad ung wish ko na manalo sa lotto at hindi matupad ung mga wish nyo para sakin lang ung jackpot sa lotto, nyahahaha.

Poldo said...

At least box office ang project nyo!!! at puro lotto wishes amf!

Ako simple lang... World peace (pinagisipang maigi yan!!!)... Hehe seriously maging maayos lang ang buhay namin ok na.. hihihi

2ngawzki said...

Xprosaic: E di kahit bilyonaryo ka na magtrabaho ka parin...Gahaman pala sa pera e.ahahaha!Joke lang

Kikomaxxx:Wag ka na tumaya!Aagawan mo pa ko sa panalo.hahahaha!!

@Yow: Nakatirada ka na kanina ng wish...hinayupak ka!Nilalaglag mo ko!Effort nmn pgkapanalo mo kailangn nza maleta p!

@Kikilabotz: Pangarap ng lahat yan...Walang originality!hahahaha....Joke!

@Glentot: Oo effort talga...Meron pang impaktong nagwish na matahimk na dw sna kami.hayop na un...Try mo tumaya lotto.Malay mo machambahan mo!Magpapaalipin na kami sayo.hahahaha!

@Oliver: E away away na tayo...Pera na usapan e.hahaha!!!Share nalang

@Poldo: Wooshoo!Kala mo totoo...Ayaw mo talaga manalo sa lotto?sure ka?hahaha!!!

Post a Comment