Please Don't Leave Me

                   Pagdating sa cellphone, sadyang hindi ako maingat. Kundi ko maiwala nasisira ko...Anak ng!


                  Naalala ko bigla ang aking unang pempong(cellphone)...Isang nokia 3210. Bagong labas pa at may kamahalan pa nung mauto ko si ina para bumili ng mobile phone. Hati pa kami ni Greta non kasi pareho kaming bata pa..Ang problema wala naman kami makatext at sa aming mga circle of friends and kafamily kami palang ang may pempong. Parang tanga lang!Masabi lang na may cellphone...ssheeessshhh!!Pagdaan pa ng mga taon unti unting naglitawan ang mga bagong models ng nokia at iba't ibang mobile company. Tigisa na din kami ng pempong ng mayabang na Greta(3210 ako sya 3310!WTF!Daig pa ko!). Dala narin ng kalumaan e bumigay ang impaktong 3210.YES! Pagkakataon ko nang bumili ng bago...


                  Nakabili ako ng bagong phone isang Nokia 30..uhhmm..anong model na nga yon?Shet di ko maalala!Anyway, ang tanging dahilan kaya ko siya type e sumasabay sa beat ng tone ang ilaw.wapak! Pero di nagtagal sa piling ko ang nasabing pempong...Kinuha siya sakin ng dressing room!Oo dressing room!Naiwan ko ampota sa isang dressing room sa mall, dahil nastress ako kay ermats kakapilit sakin magsukat ng masakit sa matang pulang gown pang JS na mukang pamball room!Sino si maiistress don?!E di naiwan ko ang potang phone!Impernez iniyakan ko yon na parang namatayan.Kahiya lang.


                  Dahil panahon ng timawa sa textmate, i can't live without a phone.Paano na syempre ang pagkembang? kaya pabili ng bago kay ina.Kaya lahat ng klaseng panguuto ginawa ko. Inall in one ko na lahat ng okasyon sa buhay ko na may regalo para sa hayop na cellphone...Nang mairita na si ina ako'y pinagbigyan.Isang nokia 3510i...Aha!with an i...Colored na at polytone.Sosyal...Hindi pa uso yon non.Matapos ang ilang buwan(not so long)...Nawala din siya.Nalaglag sa tricycle at di ko na muling nasilayan kahit kelan!WALANGHIYAAAAAA!!!!


                  Ipinahinga ko muna kapal ng muka kong magpabili..Baka mapatay na ko ni ina. Kaya naman tiis tiisan ang drama na nakikisaksak ng sim kay Greta.Purita!Nagkaroon pa ng bagong pamblackmail ang impakta "sige!Di kita pasasaksakin ng sim sa cellphone ko!" Langya!Api...


                  Hindi na ko makatiis nangulit muli....Napagbigyan naman. Magaling manguto e!(sinamahan ko ng "magpapakamatay ako!") Nokia 3660...Woohooo!!!Lumevel up. May camera na...at umiinfrared at blutooth! Kahit di ko pa alam ano silbi ng mga yon basta alam kong hitech siya!But but but....Tulad ng iba. Iniwan niya din ako!Nawala din!Hayop!At ang masaklap hindi ko alam ano sanhi ng pagkawala niya. Kung ninakaw ng klepto kong friend(kahit ninanakawan na ko friend ko parin.pathetic!) o nailaglag ko nanaman sa tricycle. Masyado kasi akong abala sa pagmamadali umuwi dahil....never mind!


                  Kawawa mode nanaman.Nasusundan niyo pa ba ilan naiwala ko? Anyway, dahil malapit na akong magdebut(18 hindi 21!)Itong si titong Stateside nangakong magigift ng ipod mini(yon pa uso non) pero dahil nawala nga ang impaktong phone, binigyan nalang ako ng pambuy ng nokia 6230. Syempre umusok ang ilong ng anak niya sa selos.Maski!Nagtagal naman ang relasyon namin(lumagpas ng isang taon)...Pero namatay din siya!Nasira.Dala narin ng katandaan.Hay!Naaalala ko pa ang aming pinagsamahan(shota?!)...Yung cellphone tinutukoy ko a...Baka slow kayo.hahaha!


                  At dahil isang good girl si Ungaz at matataas ang grades sa school, nirewardan ako ni emratz ng isang sony ericsson w810i. Peborit ko yung phone na yon...Walang kasing tibay! Ilang beses ko nang nabagsak at pinalipad alive na alive parin. Pero mukang sawa na siya sa pambubugbog ko nagsuicide si bitch! Hindi nalang bumukas unabis...Di man lang nagpaalam!hmp!E di goodbye!!!!


                 At lastly...My current phone. Isang SE C902 James Bond Edition.Walang kaespesyal espesyal kumpara sa ordinaryong SE C902.Masabi lang na James Bond Edition...Ang huling pempong na ibinigay ni ina. Yon ang kapalit ng paghihirap ko sa pagaaral at pagpasa ng malaimpaktong board exam....Matagal tagal na kaming nagsasama ngayon. At hindi ko na kakayanin kung iiwan niya ko.Madrama? Kaya naman sobrang iniingatan ko(kahit wala sa itsura)....Pero anak ng putakte!Mentras iniingatan ko lalo namang nawawasak unti unti.Panay ang lipad at pagbagsak!Akala ata makakalipad siya!Andyang natutuklap pa ang keyboard. Puro gasgas pa (parang 10yrs na sa piling ko)....Pero kanina ang ultimate shit niya!!!Naligo ang pempong ko ng isang baldeng tubig!wwaaaaaahhhh!!!!Panic si Ungaz! Shet!Agad kong tinuyo at chinek up...Ayaw pumindot ng 2 at 3.Shet!Dryer!Dinryer ko siya at sinabayan ng sandamakmak na "LORD!LORD!LORD!!!!" Boom!Narevive ang aking dear pempong!!!Hay!Salamat...at eto lang ang nasabi ni ina sa balisang Ungaz


         "Bakit kasi dinadala mo pa telepono mo sa banyo?!Ungas ka talaga!"


               Che!Busy ako wag kang magulo..Nagpapanic na nga!!!Anyway,okay naman siya ngayon...Nawa hindi niya ko iwan.Magtagal pa sana kami(BF?!)!Parang awa mo na wag mo ko iwan leche ka!!!!!!!!!!!!


         P.S Kung sino man po ang may mabuting loob ay wag magatubiling magdonate sa inyong lingkod ng isang BRAND NEW SONY ERICSSON XPERIA X10....Salamat!!!!Labya!

17 comments:

Supladong Office Boy said...

mag-aaply ka ng credit card. gayahin mo kami ni Jepoy na mahilig magwaldas ng pera. bwahahaha.

thru credit card, you can buy Xperia X10 sa isang swipe lang. yey yey! (BI na BI ang daating eh noh? bwahahaha)

Ako si Yow said...

Well. Ang loser mo naman. Di ka man lang dumaan sa level na Triumph? Haha. Yun ata ang una kong phone na pakorteng number 8 at kulay blue. Sobrang laki ng screen niya na umabot ata ng 1 and a half inch. Haha. Ang kumplikasyon ng pagkakabagsak nya ay dadating din. Bubukas yan pero puti na lang. And I lab it. BWAHAHAHAHAHA.

Anonymous said...

naalala ko bigla ang first ever kong cp na alcatel! hugis safeguard! LOL astig may cp, wala nga lang katext, wala ding tumatawag, ansarap laruin at idisplay, pangyabangan lemeng! HAHAHAHA!


an_indecent_mind

KikomaxXx said...

weee... wala ka sa akin.. yung mga cellphones ko lahat missing in action.. and take note lahat yun nagpaiwan sa Bus... all 6 of them each other year... wahehehe

Poldo said...

evolution of CP ni ungaz! hahahaha... well ako hindi naman ganyan karami! yung pinaka last kong phone na nasira e actually di nasira binato ko lang.. sosyal diba?? hahaha

Ang Bigat! Xperia X10 pa!!!!! putek isang Laptop narin ang katumbas nun sus mi! ako ngayon de Flash light na cellphone gamit ko ikaw tatskrin!! sosyal ka talaga hahahaha

p0kw4ng said...

lab SE!!! ako naman eh may award sa pag iingat ng fon..yung last fon ko eh 3 years sa akin...bumigay na lang talaga kaya napilitan akong bumili ng bago..bago as in new pero hindi latest kasi old model ng SE...SEw395..ang cute kasi kahit na old model,hihihi

glentot said...

Hahaha! Parehong-pareho ang pinagdaanan ng mga cellphone natin! Merong pumutok dahil ibang batirya ang nilagay ko, may nawala sa taxi, may ninakaw sa dorm... At gustong gusto ko na rin magpalit ngaun at mukhang promising nga ang Xperia. Tara sabay tayo bumili. Pero before that sabay muna tayo mamalimos. Hahaha.

Xprosaic said...

hahahahahha grabe naman... naku ako isang beses lang binilihan noon ng cellphone at ako na gumastos ever since... yung iba buhay pa... yung iba parang decoration na lang sa kwarto...lol... yung iba dinispose ko na sa iba... hehehehhehe...adik lang! hehehhhehe

Ungaz said...

@Supladong Office Boy: Ong Yomon niyo tlgang dlawa...O well hnd ko kaya lebel nyo. Magcredit card man ako san ako kkuha pmbbyad non?hahaha!!!

@Yow: Oo na..Hitech ang orange tora phone mo.iba pala sinabi e...Wag ka nga!Nanakawan ka ng pempong sa MRT!LOL

@Anindecentmind: Naalala ko din ang safeguard phone.Napikon ang aking tita nang twagin kong safeguard ang fone niya.in denial siya!LOL

@Kikomaxxx:Magaling!Namimigay ng cellphone...hahaha!Puro ba mamahaling model?Nakakaiyak

@Poldo: At bakit namamato ng cellphone?Myaman!Inaway ka ng jowa mo?hahaha!

Pangarap ko lang ang xperia...Malabong mkamit sa ngayon.hahaha!bilan mo nga ko.LOL

@Ate Powkie: Buti ka pa maingat sa telepono...Wag mo inaapi ang bago mong fone.cute kya yan kahit lumang model.gnda ang SE kahit anong model.hahaha!tibay pa

@Glentot: Anak ng shunga!Bat kasi ibang battery ikinakabit!hahahaha!Fine pareho tayong shunga...Lika na't mamalimos nang makamit ang pangarap na xperia. O kaya magpokpok ka nlang ako bugaw.mas mabilis...hahaha!!!

@Xprosaic: Rich kid....hahaha!decoration ang cellphone?Impamigay mo nalang.di mo mggmit yan ng sbay sabay!nakikialam?hahaha!!!

Dhang said...

ang dami mo namang naiwalang celphone. haha! in fairness naman sa akin wala pa akong naiwawala, lagi ko lang nasisira.. hihihi..

Super Balentong said...

libangan mo palang magwala ng phone. ang dami!

Tong-tong said...

ang natutunan ko here is mayaman kang tunay ungas ka. paambon naman ng grasya. kala ko ako na biggest loser kasi nagpadukot ako... yun lang.

Q: bakit may celphone sa cr
A: Masmadaling maligo pag may cel?

Oliver said...

bakit kasi sinasama sa banyo ang celfone. ano bang pinapanood mo dyan sa celfone mo at sa banyo pa kelangang gamitin? ahhahaha
andami mong naging celfone. ako ang unang celfone ko e ung maxon (google that shit!) na hindi ko na alam kung anong model. basta silver sya na hugis surf bar something. tapos ako lang sa klase ung may celfone. wala akong katext kundi si load balance. loner much. 2nd year or 3rd year HS ata ako nun
awa ng diyos, dalawang beses pa lang ako nawawalan ng celfone. ung una nakaw tapos ung isa na pickpocket (ano difference? hahaha)

Jag said...

ikaw na ang magaling mang uto turuan mo nga ako paano yan? lol...hindi na kita bibigyan ng fone wawalain mo rin pla lol...

Ungaz said...

@Dhang: Since highschool pa naman yon...hahaha!ala akong magagawa sadyang mapgbgay ako.nye?hahaha!

@Super Balentong: Style ko para mabilan ng bago...joke!Hindi ko ginusto yon no..hahaha!!!

@Tongtong: Hindi kaya!Magkikitod na mayaman!hahaha...Di ko rin alam bakit binitbit ko sa banyo ang impaktong fone.

@Oliver: Niresearch ko ang maxon.Impernez hndi ko siya kilala.whahahaha! E ganon nga nung highschool.may fone walang katxt.msabi lng n may celfone.maangaz e!hahahaha

@Jag: Samahan mo ng panunumbat, paawa epek at all in 1 gift...Ipilit mo ang mga benepisyo para mapagbgyan ka.hahahaha!!!epektib yan!pramiz!LOL

Ester Yaje said...

naalala ko tuloy kung pano nawala ang mga cp ko. nakakainis rin talaga. pero at least ngayon loyal na ako sa panget kong phone. hehehe. (walang naglakas loob na magnakaw dahil super panget)

Ungaz said...

@Ester Yaje: Nokia 5110 ba yan?hahaha!Joke lang.Paminsan minsan mas okay pa ang tora tora fones.tmang pantxt and call lang tlga....hehehe

Post a Comment