Yun Pala Yon

                         Dahil nainggit ako sa paboblog ni Yow gumawa din ako ng blog ko...Dahil tambay ako non at malapit na maturat sa kaka kausap sa pader, naghanap ako ng pwede kong labasan (vent) ng kung ano anong naiisip at nadarama.EMOde ako non....Kaya naman agad kong inumpisahang gumawa ng account.

                Pero nagstruggle ako sa pagiisip ng "screen name"(artista ba?!)...May pagkawalanghiya talaga ko at paminsan minsan prangka at taklesa na wala sa lugar. Pintasera kahit di naman maganda!Grabe...Kaya naman mas pinili kong magpaka anonymous kunyari para ano man masabi ko sa blog ko tungkol sa kahit sino(wala akong pinipili barubalin) keri lang at di nila ko mabubuking....Kung ano anong naiisip kong pangalan. 


                Ilan sa mga pinagpilian ko ay ang Bogart(nakakapika ang tunog sa tenga at panlalaki), 2ngaw (corny!duh..), Sutil (kirempang ang dating at parang pangkama.Parang porno!), Sungit (swak sa pagkatao! pero ayoko), Bugnot (Super swak sa pagkatao ko.Ayoko parin!), Donya (di naman ako mayaman..alam ko na DONYANG DUKHA.pero no..)...Hanggang sa biglang may maalala...."Hindi ka kasi nakikinig sakin. Mas pinakinggan mo pa kibot ng mani mo!Ungas ka talaga".Mga katagang namutawi sa labi ng aking super sweet na ina(Nadiabetes tuloy sa sobrang tamis) ng minsang pinairal ko nanaman ang tigas ng aking ulo.Pinalitan ko nalang ng "Z" ung "S" para maiba at kunyari asstig (ang laki ng difference grabe!!!). Ayan may pangalan na ko sa mundo ng blogsoperyo. Bumlog blog na ko....At nagpakilalang UNGAZ!


                After how many years, naisip ko....Tang Mangga!Degrading ata pangalan ko a...Too late para magpalit. Naitira ko na e....Panindigan nalang.hahaha!!!May idea na ko sa ibig sabihin ng "Ungas". Sa dalas ba naman maibato sakin ni ermatz yan na may kaakibat na hindi magandang sitwasyon at pangyayari hindi ko pa ba magegets? Kaya naman naisip kong iresearch ang naturang salita...Masiguro lang...Joogle time(oo..mas cute sambitin pag JOOGLE.try mo!). Eto ang resulta(mula sa http://www.urbandictionary.com...)










                O diba? Sirang sira ang pagkatao.hahahaha!!! Ala na ko magagawa. Yan na napili ko at nakatatak na yan sa noo ko....Till death do us part. Putek! Paanonymous anonymous pa kasi hinayupak..Napala!!!Diyan na ko nakilala ng mga naguumapaw sa daming fans and readers (mabibilang mo sa daliri)... Sa ngayon hindi naman na ko anonymous gano.hahaha!! Gayon pa man masaya na ko. Ano pa mang pangalan ang gamitin ko.Basta nakakapagblog ako.... Nagkaroon ako ng bagong mga friends sa pagboblog.ayee! Natuklasan kong hindi talaga ko pwedeng maging writer(pang essay lang talaga ko.sablay pa nga.hahaha!). At masaya akong gumagana pa pala ang slightly used kong utak(kaya mahal ang aking utak pag binenta)... 


               Para sa mga nakakaalam ng tunay at buong pangalan ko...FOREVER HOLD YOUR PEACE!!!Ano daw?Malalaglag o matutunaw ang bayag ng magsasabi(panlalaki)...Tutubuan ng penis sa pisngi ang magsabi(pambabae). Walang laglagan kung ayaw niyong masaktan....Tenchu!!!!Labya'll


                                                                             


                     
                           

21 comments:

Greta said...

hoy donna marie balingkonggan!ya i squealed ett..

e ano kung tubuan ako ng etet sa pisngi?baka magamit pa sa panahon ng pangangailangan!

at masasabi ko lang..pang fliptop talaga titrida si mudaraka oo!amen!

2ngawzki said...

THIS IS WAR!!!!!!!!!!!!MARGARET!!!!!!Ibabaon kita ng buhay buset ka!!!!!!!!!!

Ako si Yow said...

O yes. Parang hindi kayo magkasama dyan sa bahay Donna Marie Bungang-araw. Ang ganda kaya ng blogger name mo, ungaz ka talaga Donna Marie Bunganga, R.N.

And sorry, hindi to malulusaw, niref ko muna nung nalaglag. Haha.

2ngawzki said...

Isa ka pang DANIEL JOSHUA VERON ka...Veron?oooohhh!!!!!!hahaha...Kilig ang balls ni I Love You.buset!Magsama kayo ni MARGARET BUNGANGA!LOL

Jepoy said...

Nag lolokohan ba tayo dito Donna Marie Pinembang?! LOL

Supladong Office Boy said...

Di ba Donna Marie real name mo? na ipinanganak nung March 17,1987. na anak ni Evangeline at Edwin.. tama ba?? bwahahahahaha.

2ngawzki said...

@Jepoy: Bakit ba Jeffrey Bessy Nyo....!!!!Langya!hahaha

@Supladong Office Boy: Oo na!Palibhasa anonymous ka kasi Carlito Antonio!Hahahaha!!!

glentot said...

Donna Marie Pakembang, kapatid ni Margaret Pakembang ahahaha. Maggoodbye ka na kasi sa anonymity mo!

KikomaxXx said...

ay... hahaha.. ayan na labasan na ng baho ng hininga.. wahehehe

gillboard said...

honestly, noon akala ko lalake ka. hehehe

YanaH said...

natawa ko sa mga comments.. premises.. nalaman ko naman ung name mo nung inadd mo ko sa FB hehehe.. natuwa ako.. may marie ka rin.. kairita lang ang marie.. sorry naman...

2ngawzki said...

@Glentot: Wala nang bahid ng anonimity...hmp!Salamat Glenntot Payatrejos.hahahaha!!!!

@Kikomaxxx: Laglagan dito. Ganyan kabait ang mga hinayupak na so called friends ko sa blogging...LOL

@Gillboard: Ouch!!!Lagi nalang...Bakit kaya?hahaha!!!Babae po ako.hahahaha!!!Pinagpipilitan?

@Yanah: Super irita. Parang biskwit...Kasuya!!!Pambatang nag ngingipin...

Xprosaic said...

Ay saya nito... laglagan kung laglagan... ahahahhaha.... adik lang...lol

Dhang said...

ang saya ng mga comments. hahaha! ang kukulit! :))

Esther Yaje said...

nakakatawa ang term na ungaz. hahahaha. bisaya kasi yan and it means bad boy or someone who is a part of a gang or what..hahaha

Poldo said...

Halos lahat ata ng nagcomment e nilalag na ang pagkatao mo.. Kuya Donna Marie! ay ATE Donna pala! bwahahaha..

2ngawzki said...

@Xprosaic: Sweet diba?Kaw lang ang di ko malaglag John Lloyd!Daya!!!hahahaha

@Dhang: Ganyan dito pag nasa mood ang mga kolokoy...hahaha!Salamat sa pagdalaw

@Esther: Ano pa man ibig sabihin non malamang hindi mgnda...Ala na ko mgagawa!boohoo!Hahahaha...

@Poldo: Isa ka pa Christian Paul Impakness...hahaha!!!!Kala mo a...

p0kw4ng said...

ahahahahaha ahahahaha mas natuwa akong magbasa sa comment! ahahahaha

2ngawzki said...

@Ate Powkie: Hahahaha...Sira ulo mga yan e.kakabanas!LOL

Artiemous said...

hahaha! tawa ko sa mga komento dito! me nagakala pa na lalake ka :D

2ngawzki said...

Para hindi ka na mag-akala ng mali e babae ako....sa ayaw at sa gusto nyo!!!!hahahaha

Post a Comment