Mommy V Strikes Again

                 Itong si ermatz bumirada nanaman...Kanina hati kami ng gawain. Ako ang maglalaba at siya naman ang magpeprepare ng lunch.Call!May washing machine naman..chicken lang!


                 Habang ako'y busy sa paglalaba itong si ina biglang tumatawa mag-isa habang nagluluto!!!!Nagtaka ako, alam kong walang ibang tao kundi kami lang dalawa at nakaoff ang tv...Napapano kaya yon?


                  Ako: hoy mommy!Napapano ka ba?Tumatawa ka pa!
                  Mommy V: E ganon talaga para hindi mapait tong ampalaya...hehehe
                  Ako: ANO?!Gumaganon?
                 
                 E yun naman pala ang sikreto sa ginisang ampalaya niya..Impernes para sa picky eater like me(bata?!) masarap siya....Shunalo!!!!


                 Maya maya pagdating ng greta nag-aya magmalling...Bonding ang mga hitad. Pagdating sa mall habang palisaw lisaw....Biglang napansin ni mommy V na may hanging nail siya.Humanap daw kami ng tindang nail cutter.Ayaw paabutin sa bahay.Atat!Di makatiis...Punta naman kami sa department store at naghanap ng nailcutter. Maya maya pumili kunyari ng nail cutter...Ang siste hindi pala niya bibilin.Makikigupit lang!WTF!!!!Habang abala ang saleslady nilabas ni mommy V sa lalagyan ang nail cutter at CLICK CLICK CLICK!!!Eskandalosa ang nail cutter!!!Narinig ni saleslady at biglang lumapit...Shet panic!Pinagmamadali ko si mommy V na tapusin na ang krimen.Tong si mommy V palibhasa guilty mabilis iisip ng palusot. "Aba siyempre dapat bago ko bilin yan tinetesting muna!E kung mapurol!" Malakas talaga pagkakasabi para marinig ng saleslady. Sabay tingin kunyari sa mga tiyane naman(palusot!)...SUSME!!!Nang mabore ata "Tara na nga don sa Maybelline makatingin ng blush on!"...Oha!Ibang klase didiskarte...Magaling na huwaran!hahahaha!!!!


                 Konting pagsama sama ko pa siguro kay mommy V hindi malayong magpasko kami sa kulungan!!!hahahaha!!!!Ciao!Labya

12 comments:

Oliver said...

ahahaha. ang kulet talaga ng ermats mo!
in fairness, inulit kong basahin kung bakit kelangang tumawa dun sa ampalaya. ambobo ko lang, =p
ilang kuko ba ung ginupit?

KikomaxXx said...

hahaha... oo nga may pinagmanahan na... wahehehe

glentot said...

Haha haneeeep! Dapat nyang makilala si Sasha Fierce at magmalling sila! Tingin ko magkikita-kita tayo sa presinto para magpiyansa...

p0kw4ng said...

ahahahaha nga naman..kailangan eh testingin muna bago bilhin!! paano kaya pag condom ang bibilhin?? hihihihi

ganon daw sa ampalaya??? parang aning lang,hihihi peace mommy V!!

Ako si Yow said...

Haha. Pambihira! Eh like ang banat ni Mommy. Haha. Natawa ko ng solid. I wanna see it live. See you tom. Haha.

Xprosaic said...

Ahahahahahhaha naku kaya pala... may pinagmanahan lang...lol... hihihihihihihi

Greta said...

bakit nga kase bibilin kung hindi naman kelangan talaga?kita mo na..hindi na ko nagtataka kung bat ganyan din minsan gawain ko sa mall!tsk

Walang Magawa si Banjo said...

wahahahaha.. style sa mall.. aminin malimit din magpunta sa testingan ng pabango.. dami ko tawa hahaha...

Poldo said...

May pinagmanahan pala.. hahahaha

Naku po.. pag ako kasama si ermats sa mall humihiwalay ako!! mahirap makasuhan ng public scandal! hahaha

Lesson Learned: Iwasang magkaroong ng Hanging Nails... LOL

Ungaz said...

@Oliver: Hindi ka ba makapaniwalang kailangan masaya pagnagluluto ng ampalaya?hahaha!

Isang kuko lang ang ginupit pero umeeskandalo..LOL

@Kikomaxxx: Malamang ganon din ending ko blang araw

@Glentot: Sige pagmeetin natin sila...Ayoko sumama.hahaha!

Memorable ang next EB natin.sa presinto nagpipiyansa ng oldies!hahahahaha.ayoz!

@Ate Powkie: Damoho..Ayoko na isipin ang pagtesting sa condom.Hinihipan ba?hahahaha!!!

Ewan ko ba.impernez hnd nga mapait.hahaha!

@Yow: O diba nawitness mo na pano siya sa totoong buhay(may kunyaring buhay?!)..Nakakaberat na tunay.Dalasan mo pagdalaw samin nang mabaliw ka na lalo.hahaha!

@Xprosaic: Hahahaha....I resent that!di siguro!hahaha

@Greta: Oo na..Nakikipolbo ka pa sa mall.Sige ipagmalaki mo pa kachipanggahan mo.hahahaha!!!

@Walang magawa si Banjo: Pwde bang banjo nalang?ang haba!LOL...Okay lang makipabango.hindi halata yon at tska may tester.yung nail cutter may tester ba?not the same!hahaha

@Poldo: Mali!Ang moral lesson, magiingat sa nanay na may topak...LOL!!!!

manik_reigun said...

yan na pala ang modus ngayon sa mall! bago ako bumili ng nail cutter, ichechek ko pala muna dapat kung malinis. lol

Ungaz said...

Oo...may point si ermatz.Pero kahit na...kahiya a!hahaha

Post a Comment