picture picture

                             Dahil tambay ng FB kakakutingting nakakita ko ng mga larawang ke gaganda...Mga oh so common poses...Walang originality!hahaha


                   Eto ang ilan sa mga palasak nang larawan....(based on true to life story...)


10. The PEACE sign!

 recognize her?LOL


      Wag mong sabihing minsan sa buhay mo e hindi ka pumose ng ganyan. Di ko lam kung sinong hudas ang nagpa-uso niyan pero pag wala na talagang maisip na pose automatic tataas ang kamay and saka magpepeace. palasak!


9. The POUT


      Kadalasan lang to sa mga kababaihan. Na kumbakit cute na cute sa sarili pag ngumuso at nagpapaka angelina jolie na kahit ang totoo e nagmumukang  suso(su-so,matigas na pagbigkas.english ay snail. hindi suso na joga.may definition talaga)


8. pang-ibabaw


    Ito ang mga todo portrait...Mga tipong pangyearbook at pag minamalas at madisgrasya.et viola! may pangibabaw ka na ng kabaong na picture.
7.Wacky


   Birit ng mga sawi sa kagwapuhan at kagandahan. "WACKY TAYO!" isa na ko dito..whahahahaha...at least umaamin
6. the MIRROR


    Ang larawang halata namang kinunan ang sarili habang pumoposing sa harap ng salamin... narcissistic?hahaha!
5.The car


   BMW...Mercedes Benz...Porsche....Ferrari. Ang gagandang kotse.Kung di mo afford, ano naiisip mo(bukod sa karnapin)?"makapagpapicture nga pang FB"hahaha...mga taong pumopose sa harap o tabi ng kotse at walang hiyang aangkinin kahit alam ng makakakita na IMPSOBILE yon...
4.buddah


  Kahit sa malayo  alam mong ang inaakalang sa thailand ay sa isdaan sa tarlac pala kinunan...wapak!
3.shades


   Wanna look cool?magshades...Para mukhang sosyal at japorms....(pasintabi sa may ari ng picture...)whahahahaha!
2.starbucks


   alam niyo na to...Hindi ko malaman kumbakit parang pagnapunta ng starbucks e automatic dapat may picture kasama ang inorder na mamahaling kape.Masabi lang na nakafford magstarbucks.kahit pagorder "one tall frap pe and one croysant (croissant) plis...." at ang pambili e isang buwang pinagipunan.hahahaha!
   


                    at ang number 1 ay.............................
































1.suso


  eto na yung joga...Ito yung mga babaeng dahil ata hindi kagandahan pero sagana ang cup size (hipon) e cleavage nalang ang pinapakita. Eto yung friend mo pala sa FB o friendster na pagnakasalubong mo hindi mo alam na siya na yon at suso lang ang profile pic niya (goodluck madistinguish mo sya sa boobs palang sa crowd)...


*ang mga larawan ay tunay na tao at tunay na kaFB ni ungaz...bawal pikon!hahahaha...
  

12 comments:

Greta said...

kinabahan ako...akala ko ung sakin ung sa suso category!the best talaga ung grad pic..parang baklang hiningalas lang!hahah

Ako si Yow said...

Pambihira! Talaga namang may partisipasyon ako? Walang hiya! Well, kapag ako naman kasi nagshades, maganda at maporma talagang tignan. Haha. Kailangang puriin ang sarili. Natawa ako sa post na to pero mas natawa ako sa about me picture mo. Haha. Zombie amfufu. Haha. Nakikilala naman agad yung suso ah? Kase bawas choices na agad kayo ni Greta. Haha. Di kayo kabilang. BWAHAHAHA. Madami dapat nasabi? Ganado ako eh bakit ba?!

Tong-tong said...

wahahahahhahaha!! nahihiya akong ilagay sarili ko sa kahit anong category. hihi

tawa ko ng tawa d2 sa post mong to ang kulet
oi dili ka nagpaalam sa mga pics? mamaya nandyan na pala me.

pak! ayos hang kulet!

2ngawzki said...

@greta: actually naisip kong picture mo isalpak jan...kaso wag na at nakakadismaya.mas malusog yn.hahaha

@yow: ang haba ng comment and i luv it..hahaha!gwapo ka kahit sang anggulo(delirium).hahaha!

@tong: walang paa paalm...kahit sarili ko nga sinali ko jan.laglagn na!hahaha

Oliver said...

hehe. magcheck nga ako ng fb friends kung may applicable sa number 1.
guilty ako sa wacky, haha.
seryosong sa tarlac ung kuha nung buddha? san sa tarlac yan?

2ngawzki said...

@oliver:madami nyan..hahaha!ya..sa tarlac lng un.sa isdaan...

glentot said...

Hahaha putang-ina tawa ako nang tawa napasaya nito ang pakshyet kong araw at malamig na gabi. Lalo na yung "pang-ibabaw" bwahahaha. Nakakahiya naman dun sa may shades ang gwapo lang hanep!

Tong-tong said...

pang ibabaw pang ataol lol

Ako si Yow said...

Bakit nga kaya ang gwapo nung nakashades? Hahaha.

2ngawzki said...

@glentot:mabuti naman napaligaya kita.hahaha!

@tong:un nga zbi ko..hahaha

@yow:makalaglag panty kgwpuhan!woohoo!!!!!!!

Jag said...

hahaha...para sa akin panalo yung Thailand-like pic...

an_indecent_mind said...

hahahaha!! tawa ako ng tawa sa post mong to lalo yung "pang ibabaw" nyahahaha!!

Post a Comment