TAMAD!



*WARNING: walang kwenta ang post na to...bwhahahahaha!

                          Katamaran....Salitang pumagkit na sa puso't isipan ko at syempre sa aking pagkatao(tingin ko inborn na din to)! Isinasapuso. Isinasaisip. Isinasagawa....At ang tanging kinasisipagan ko ay ang KATAMARAN...


                          Eto ang ilan sa mga pagbabago sanhi ng aking pagsamba sa katamaran...Dati,kung makapagsipag sa pagsimba kala mo ko kakandidato sa pagkasanta. Ngayon, Kung walang binyag,kasal,o libing hindi ako pupunta don!(ooopppss!)Dati masipag magFB. Lahat ng laro name it,i've played it....ngayon kundi pa hayok sa chismis hindi na ko mageFB. eff u na yn...tamad! Dati,hindi pa dumadapo ang mikrobyo sa sahig ng bahay nakaamba na kong maglinis ng todo na ang resulta mas sterile pa sa OR sa ospital ang bahay namin. Ngayon, salamat sa katamaran ko pwde nang gawing destination ng survivor philippines ang bahay namin.Jungle theme ang potaness na bahay!tamad!Dati,isang utos ni ermats sunod kagad ako(may bayd kasi).Ngayon,kundi pa niya ko habulin ng itak hindi ako susunod(pero di niya ko masisindak!hahaha..luv u my)Dati, masipag akong magluto ng chibog kahit kadalasan mga damohong langgam lang naman ang makikinabang at bobochog. Ngayon, kundi pa titirik ang mata ko walang magluluto. Patigasan kami ni Greta kung sino unang bibigay sa gutom.Tamad! Dati, bawat araw may ngiti ako sa labi.Excited magduty kahit routine lang ang gawain (AT WALANG SWELDO)na kahit pumikit ako e magagawa ko. Ngayon, salamat sa katamaran ko malapit na ata kong tanggalin sa hospital(di rin).bwhahahaha!tamad! Dati, araw araw masipag magblog.Kahit ano maitira lang. Ngayon,NATATAMAD AKO!!!!! 


                            Bakit nga ba kahirap iwasan at labanan ang katamaran? Kung syota ko si katamaran sobrang under nya ko...Isusuko ko ang lahat para sa kanya. Konting haplos lang niya bumibigay kagad ako. Mahirap tanggihan!!!!SHET!!!!Tao lang ako at marupok.hahahaha!May mga panahon talagang tatamaan ka ng matinding pagsubok ni katamaran.....Guguluhin niya mundo mo at pag bumigay ka,sa huli ka na magsisisi na nagpatalo ka sa katamaran mo(kailangan malalim?)...


                            Pero ayos lang ...Walang kaso!Maski na!di bale nang tamad..hindi naman pagod!!!!!!!booya!


                            Ikaw,ano ang kinatatamaran mo?!
                         


                          
                  

8 comments:

Ako si Yow said...

Tama! Kapag pa naman tinamad ka, di rin magfufunction mabuti utak mo. Sa case ko lang ata yun? Haha. Pero bakit nga kasarap sipagin na tamarin.

an_indecent_mind said...

"Kung syota ko si katamaran sobrang under nya ko...Isusuko ko ang lahat para sa kanya. Konting haplos lang niya bumibigay kagad ako. Mahirap tanggihan!!!!SHET!!!!Tao lang ako at marupok."

nyahaha! panalo to!!

nakakatamad din minsan ang gumawa ng WALA! lol

kikilabotz said...

namaster ko na ang katamaran..hahahaha. nice post^_^

parumihan ng bahay? laban?hahaha

Jag said...

Ako? Tinatamad ng maging tamad. LOL.

Super Balentong said...

ang punto mo ba ay, wala kang lakas para harangin ang rumaragasan katamaran? hahaha. nakapayong ka pala e.

glentot said...

Hindi ka ba tinamad tamarin...

2ngawzki said...

@yow:tama...impernez nilaglag mo nnmn nga pla ko.lagot ka sakin!!!

@anindecentmind:minsan ngzzpag din ako

@kikilabotz:zge na!pnalo ka na...nahiya na ko.hahaha

@jag:gud for u..zna ako dn!hahaha

@balentong: dahil masipag kayo..gagaya na ko!LOL

@glentot: minsan...hahaha!

Oliver said...

innate talent ko ata yan. haha.
nung nagpaulan ng katamaran e tinanggal ko ung bubong namin, hehe

Post a Comment