Habulin

                        Gusto ko mang sabihing habulin ako ng swerte o kaya ng lalaki e isang malaking kalokohan yon. Lately napagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari sa buhay ko at napagtanto kong habulin pala ako ng kamalasan at minsan....disgrasya. Pero kahapon nadiksubre ko na may bago akong FAN na hahabol habol sakin. DUGO! In english, blood....


                   Kahapon ng umaga(hapon ba o umaga?kagulo!) nagising ako ng good mood. Mapapakanta talaga ko ng "i feel pretty and witty and..." di ko na lam kasunod na lyrics. Well anyway everything was fine all morning hanggang sa pagpasok sa aking charity work. Ganon talaga ang mayaman puro charity work. Syempre reminisce muna kami ng aking mga kosa sa nagdaang gabi ng lagim (gay's night sa bar). Maya maya kami ay napatawag sa ICU para don isagawa ang aming magic(dialysis) sa isang medyo alanganing buhay o patay na pasyente. Palitan kami sa pagbantay na parang matatalas na watch dog kay kuya. Nang ako na ang toka, ayos naman lahat nung una. Makalipas ang halos isang oras.... Psssstt!Psssstttt! at dahil hindi ako sutsutin dineadma ko ang sutsot. Dahil hindi ko pinansin "chaos" tapped mo on the shoulder.hahahahaha! Linsyak!Pumupusitsit na pala ang malapot at medyo kulay talong na dugo ni kuya sa aking braso(PSST PSSST ang tunog).PANIC!!!! Syempre inasikaso ko muna ang aming pasyente bago ang aking sarili. Pakitang astig ako at coboy (cowboy,or cowgirl) para hindi lang mapahiya. Pansamantala kong nakalimutang nagshower ako ng dugo. Matapos ang panic mode at back to reality, saka ko palang sinipat ang sarili.Wow!Bloody Mary(may idudugtong pa sana ko dito pero wag na.hahaha!)!Ang plain blue scrub suit ay nagtransform sa blue with red polkadots.Nanghina ako sa itsura ko na mukang lang namang galing sa SAW movie...Hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak sa itsura ko!Ligong ligo na ko pero hindi pa ko pwede umuwi kagad. Yuck! Think positive nalang ako..Tomorrow is another day!


                               Today ang tomorrow na sinasabi ko. Routine!Gising,gayak,kain,duty...Shinortcut ko na for you. Napagkwentuhan ang aking bloody experience the day before. After that,it's time to move on...Pero there's no moving on.dahil habulin ng malas.... Maayos naman sana ang session ng pasyente ng mausog ata ng kanyang doktor at everything went wrong!Shet naman o.Messy ang lecheng pagaayos ng kapalpakan. Naligo nanaman ako ng dugo.Hay!Wala na kong scrub suit na matino!!!!Naubos na lahat!Ano ba!(galit?).Naayos din naman ang mali. It's official. Habulin nga ako ng dugo...RUN!


                                Hapon na. Last trabaho na.Yes!Makakapahinga na din. Masaya pa ko at pumipito pa habang naglinlinis ng dialyzer (iresearch kung hindi alam). Pero sadyang mapalad.Napusitsitan nanaman ako ng dugo!Alangya.Gusto ko na magwala!Ano bang meron at gustong gusto ng dugo na pumagkit sa katawan ko! Kaloka. Masyado ba kong maputla?Kailangan ng konting kulay?O yon na bagong paraan ng blood transfusion?Ang buhay ng nurse nga naman!wwwwwwwwaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!


                                Bukas pag nag ala- tinumis nanaman ako...magRERESIGN na ko!!!!!!

9 comments:

Tong-tong said...

matutulog na ko ungaz. bukas ko na i reread at make comment okies lang ba?

glentot said...

Yung friend kong nursing dati, nabuhusan ng isang palangganang dugo sa mukha. I'm hoping mangyari rin sayo yun, then tell us about it! More power! Ahihihihhi

2ngawzki said...

@tong: kung zn k mzaya

@glentot:ang sweet naman ng naiz mong mngyri zkin...natouch ako!hahaha

bebe gandanghari said...

hahaha...bloody...me likey...

Ako si Yow said...

Sa susunod pag tumpit ng dugo sa bibig ang landing. Shet mama Shet. Natikman na ang dinuguan. Haha.

kikilabotz said...

wahahahaha.. namiss ko tuloy ang mga gnyanang eksena sa buhay ko..ahaha.. sayang nakalimutan mong magpapicture

2ngawzki said...

@bebe:morbid ka a.hahaha

@yow:wow nmn...wg gnon!mgpapatiwkal n ata ko pg gnon

@kikilabotz: tama lng na walng ebidensya.masydong nkkhiya.hahaha!

Tong-tong said...

ehhhhh sumisiret ang dugo! pasakan ng busal ng mais!!! Di ko kaya yan. matapang ka ungaz. saludo me sayo!

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Post a Comment