unahan lang

                         Ano ba namang araw to...Dalawang nagbabaitang tao ang pumanaw ngayong araw na to. Inuuna na talaga ang mababait (i'm not worried)...


                 Una, kaninang umaga mukang natuluyan ding jumoin ang aking latest favorite patient(dugo niya ang pinanligo ko nung lunes) kay kalawit. Naman o!Pinilit naming buhayin sasama din pala kay kamatayan....Effort! Hindi ako nakapagpaalam ng matino sa kanya kanina. Kaya naman buong puso nalang siyang nagparamdam sa unit kanina.Pinagsasaran niya kami ng pinto....Dahil brave ako dineadma ko siya tulad ng dugo niyang nanunutsot....psst psst! Iniwanan naman niya ako ng madugong magandang ala-ala.


                Ngayong gabi naman ibinalita samin na pumanaw ang nanay ng kabarkda namin...Isa pang mabait na sumakay na sa biyaheng langit (literal at matino...hindi tulad ng alam kong iniisip niyo). Malungkot na araw talaga to...


                Bakit nga ba inuuna ni Bro yung mababait? Nagkakaubusan na tuloy...Yon ba ang paraan niya ng pagbalanse ng mundo? Malapit nang ma-out of stock ang mababait. At puro masasamang damo na natira..No wonder mahaba ang buhay ng angkan namin.hahaha! Sabi nga ng pinsan kong si boga "bad grass tayo e"... Alangya!Matira matibay pala labanan ng lahi namin.... Kami kami lang rin pala talaga sa magtutuos sa huli....Kaya ngayon parelax relax lang kami. Malakas ang radar ko na malayo pa ang biyahe ng sundo ko (sa sama ng ugali ko na to!Baka ako pa sumundo sa sundo ko sa inip ko) papunta sakin....


                Hay buhay....Napakaiksi.One minute you're laughing,the next you're goneHindi mo alam hanggang saan lang ang biyahe mo. Ang driver(bro) lang ang makapagdedesisyon.Kaya hangga't may oras lubusin mo na...Iparamdam na pagmamahal sa lahat (hindi ko sinabing mambae ka o manlalaki)Ienjoy lang ang biyahe. Para sa paghinto ng biyahe masaya kang bababa sa bagong destinasyon mo ng walang pinagsisisihan.


      (Nahinto ako sandali....Ang seryoso.Ngmemerida na ba ko?!Di pa ko handa!hahaha....)


                My condolences sa mga mga naulilang pamilya ng mga yumao ngayong araw na to....


                Sa mga yumao, See you someday (not SOON) in heaven (kung don ako mapunta.kung sakali)....May you rest in peace. Unahan lang naman. Hindi ako nagmamadali...





                

5 comments:

Ako si Yow said...

Nagcocomment ako sa post mo nakakapublish lang after 4 minutes. Haha. Bakit ba nagpepress release ka ng ganyna? Tss. Mahal ka namin Ungaz. Don't go! Haha. Walang hiya dapat? Oyes. Matagal din ako.

Nalungkot ako sa mga unang part in fairness. Ayoko ng usapang patay eh. Tss. Madami dapat nasabi? Haha.

kikilabotz said...

kala ko nauna ako sa pagcocomment. hahaha. nwei kaya nga ayaw kong maging mabait eh. haha

glentot said...

Magpakabait ka na kasi! hihihihi

2ngawzki said...

@yow: mabliz n bta.hahaha!kwawa psynte na un...naaalala ko pa ilang beses ko knukumtan at ilng beses kz nagbobold.whatta a memory!

@kikilabotz: bwal ang mabait...hahaha

@glentot: hu!la pa ko blak pumatag sa kabaong....maalinsangan (as if mkkrmdam p ko)

Greta said...

ang importante bago pumanaw makatikim ng luto ng langit!malay mo hindi ka naman dun mapupunta (sa malamang) kaya tumikim ka na lang!

Post a Comment