Q&A Portion

                    Oo!Tungkol sa katatapos lang na miss Universe ang post na to...


                   Tungkol sana sa naganap na malagim na trahedya kagabi ang ipopost ko pero alam kong marami nang titirada non at naisip kong kahit gawin kong comedy yon, it's not something you can make fun of(oha!kaya ko magenglish)at hindi yon funny.Masyadong sad and tragic.


                   Pero kanina panandaliang natanggal ang samu't saring emosyong nagrerebolusyon dulot ng mga pangyayari kagabi. Salamat sa naggagandahang kandidata ng Miss Universe 2010. Buti nalang at may TV sa unit namin kaya kahit nakaduty nasaksihan ko ang tagisan ng kagandahan at talino ng mga kandidata. Malamang ngayong araw na to nakatutok ang lahat. Lahat ng babaeng nais maging beauty queen at mga babaeng bitter sa itsura. Lahat ng lalaking mahilig sa maganda(punasan ang mga laway).At syempre lahat ng sisteret na beki na pangarap magka pepet(alerto sila dyan.pustahan!)All eyes sa TV.Kumpol kaming lahat.Kanya kanyang opinyon sa mga kandidata. 


                   Nurse 1: Ano ba naman yan!Banlag pa ata..hahahahaha!


                   Nurse 2: Ay kacute.Teka!Kahawig ni Miley Cyrus!(oo si miss australia sinasabi niya)


                   Nurse 3: Grabe naman yan muka naman nang matanda!


                   Nurse 4: ay!Hiwalay yung dede(panalong comment!)
                  
                   Hindi talaga mawawala ang pintasan kahit alam naming mas magaganda samin yung mga yon.Perpekto kasi kami sa paningin namin.hahaha! Magaganda naman talaga sila. Beautiful and sexy (sige!sila lang anak ng Diyos!bitter?). Nang tawagin na ang top 15, laking tuwa namin ng makapasok ang pambato ng Pinas na si Venus Raj na talaga namang gandang Pilipina ang bitbit. Excited ang lahat.Pero mayamaya...


                  Nurse 1: Top 10 kasama si Venus hanggang Top 5...
                  kaming lahat: HUH?!ano yon hula?
                  Nurse 1: Ayan o!Puro ganon na usapan sa Facebook!
                  
                  Shet! Late pala ang napapanood namin sa ABS-CBN! Kumbakit kasi walang cable sa ospital na yon (nagreklamo pa.LOL)...SPOILER!Oh well panandaliang nawala ang excitement.Nakakabanas talaga! Nang oras na ng pagrampa ng mga kandidata na nakaswim suit, tumigil na ang mundo namin. Kanya kanya nang tutok.Kanya kanyang puna kaninong boobs ang hiwalay o bagsak, kaninong katawan ang walang korte man lang, sino ang naubos na ang pwet at sino ang talagang HIPON lang...Perpekto nga kasi kami. 


                 O de pumasok na nga sa top 5 si Venus...Panalo na si Venus sa paningin namin. Malakas ang kutob naming kahit gano kaganda si Ms. Mexico na bet ko, kahit gano kacute si Miley Cyrus (miss australia),at kahit gano kalaki ang nganga ni ms. Jamaica,mananalo si Venus sa kanila. Pero...


                 Nurse 1: Panalo si Ms. Mexico,pang-apat lang si Venus.1st runner up si Ms. Jamaca
                 Ako: Napakaspoiler mo! Itigil mo na nga yang facebook na yan!
                 
                 Suzmeng buhay to...Dahil alam na namin ang resulta hinintay nalang namin ang Q&A..Eto na!Gisahan na...May mga talino nga kaya?Sa inip ko naisip ko "sana may challenge pa sa Q&A.Yung fish bowl na bunutan ng questions may piranha.hahahaha!"ang saya siguro non. Anyway ayon nga nagkatanungan na...Sa mga nauna kay Pinas nagustuhan ko ang sagot ni Miley Cyrus. Wala nga namang say ang gobyerno sa gusto mong isuot at right mo yon. Bright child! Si miss Ukraine ata yon sumagot na ok lang sa kanya ang scanner sa airport na kita na kaluluwa niya. Susme ka te!Namamanyak ka na ok pa sayo..hahaha! Kabado ang lahat ng isalang na si Venus.Para sa mga hindi nakapanood....
                
                William Baldwin: What is the one big mistake you've made in your life and what did you do to make it right?
      
                Venus: blah blah blah... In my 22years of existence, i can say that i didn't have a MAJOR MAJOR problem,because i'm confident with my family and the love that they are giving to me so thank you so much that i'm here. Thank you so much.

                 Wapak!Lagapak!Bagsak! Ang layo ng sagot sa tanong.Sa dami ng thank you parang bumati lang si ateng sa showtime! Major Major?Major in Economics?OH my gas!!!Nawindang at natulilig ako sa ingay sa aming unit. Halo halong opinyon....Andyang sana daw gumamit nalang ng interpreter si venus. Andyang nagsusuggest ng isasagot kala mo kasali sa pangeant at talagang affected.hahaha!Andyang sa sagot daw ni Venus lumalabas perfect siya...whahahahaha! Sa huli pangapat nga ang ating pambato at nanalo nga ang bet ko. Yaan niyo na...Kinabahan lang siguro si Venus.Gayon pa man panalo parin. Winner!


                 Pero panalo si Ann Curtis sa Showtime kanina. Nagmala beauty queen at sumubok sumagot sa tanong kay Venus. Namangha ako sa ganda ng sagot ni Ann. Pero wag ka!Malayo din ang sagot maganda lang ang pinagsasasabi.Wapak! Ganda lang talaga ang meron siya.hahahaha!bitch...Beauty without brains is like a shell without a pearl(pang mis gay talaga ko).


                Ako nalang sana sumali don..Panalo na tayo sa Q&A.Eto lang ang problema.....Ang utak ko pang miss Universe, pwera ang katawan at lalo na ang itsura!!!whahahahahahaha...Congratulations Venus!!!!Salamat sayo,may bago nang paboritong expression o quote ang buong mundo.MAJOR MAJOR!


                 
                           

8 comments:

an_indecent_mind said...

at least pasok ang utak mo sa prequalifications!! nyahahaha! peace yo ungaz!

Ako si Yow said...

Sayang pero magandang mejo pagbangon na yun ng Pinas mula sa patayan da ba? Mejo nakaluhod na ngayon ang pinas at papatayo na. Akala ko mananalo na siya eh. Pero si Ms. Mexico. Makatulo laway nga ang Ate. Siya na ang Dyosa. Sige! Danda much. (Ekk)

glentot said...

Next year ikaw na lang ang sumali! Miss Universe, pero mga kalaban mo taga ibang planeta, OK lang?

kikilabotz said...

haha major major nga. late nga yung sa tv at dahil dun nanalo ako pustahan bente. hahahaha

2ngawzki said...

@anindecentmind: utak lang talaga meron ako e

@yow: panalo si mexico..nakakatibo!hahaha

@glentot: ano yon?ms. galaxy?napakasweet mo tlaga..suntukan nlng.hahaha!

@kikilabotz: mautak kang talaga....ang cheap!20!hahaha

Blogger said...

You need to remember that the best Bitcoin exchange service is CoinMama.

Blogger said...

Claim free bitcoins from Moon Bitcoin. 29 satoshis every 5 mins.

Blogger said...

Earn free satoshis over at CLAIM BTC. Up to 57 satoshis every 20 minutes.

Post a Comment