gotcha!

                 Kakapost ko palang ng tungkol ke kamatayan e humahabol naman ang aming tiyuhin sa last trip(asawa ng isa sa destiny's child.it's complicated.LOL)....Kanina nga napress release ng tita kong hindi nakakuha kahit kelan ng most behave award na inatake ulit ang kanyang sweetie for the nth time (pangapat palang actually).Matibay si tito at talaga namang himala na nakaligtas ng tatlong beses sa halinhing ni kalawit....


                 Diba nga kagabi pumanaw ang nanay ng isa naming kabarkada. Dahil takot ako magpagabi sa lugar nila(deadly and dangerous talaga) sukdulang tanghaling tapat sumugod ako don at dumamay sa kanilang kalungkutan. Kalungkutan na bahagyang napawi sa aking pagdating. Bakit?Ako ang clown ng aming barkada. Kahit sa ganong sitwasyon hindi ko naiwasang maitago ang aking sense of humor pagkabugok na kumbakit tuwang tuwa naman sila. Maya maya tinawagan ako ng pinsan ko. Nasa panic mode na daw ang tita ko at puntahan ko sa hospital. Kagabi pa daw kasi hindi magising si tito. At ako pa talaga ang dapat pumunta kagad. Ako ba si Agua?Magigising kaya si tito pag pinatakan ko ng laway luha ko? Wala na kong nagawa. Kaagad kong iniwan ang lamay na kasalukuyang ineenjoy at bumalik na sa siyudad.Hindi ako nagpapagod impernez!Pagdating sa hospital tumambad sakin ang hindi kagandahang senaryo. Nakatalikod si tita sakin...Crying lady sa tabi ni tito. Tinapik ko...Humarap.Nakangiti kahit halo na uhog at luha sa muka.Di ko na napigil tumawa.hahahaha! 
                   Tita: Kahapon pa hindi nagigising si G...(hikbi)
                   Ako: Ikiss mo! Only true love's kiss can break the spell and wake him...
                   Tita: (boogsh!!!! nadagukan pa ko...Nagsusuggest lang naman ako.Malay mo...)GAGA!!!!


                   Sa government hospital dinala si tito. At dahil puno and ICU sa ward lang siya. Dahil charity e nakatiwawang ang lahat sa madlang people. Sa third bed may isang pasyente na walang bantay. Dahil ayoko tignan si tito sa kanya nabaling ang pansin ko. Si kuya,nurse ng sarili niya...Siya na ang nagpapakain sa sarili at siya na ang nagreregulate ng swero niya (parang alam niya) kulang nalang maguniform ng puti. At dahil minsan na ko nagtraining don,at ang nakaduty na nurse e sing buset ng abu sayaf,hindi ko sinita o nireport ang gawain ni kuya.Bahala kayo!(bitch!)Makaganti man lang sa lahat ng pahirap niyo sakin.bitter?hahaha...Maya maya itong si kuya nagchange outfit from sando to tshirt.Ang laki ng pagbabago grabe!Lumakad si kuya. Aba teka!Walang swero si bugok. WTF!Ang hinayupak na pasyente buong tapang na hinugot mag-isa ang swero, kumawala na at tumakas. kaya pala nagchange outfit. Dahil medyo walanghiya ako nag-isip pa ko bago nagsalita (hanggang sa tingin ko nakalayo na ang takas).


                 Ako: (with a sinister smile talking to a nursing student) Ma'am yung pasyente niyo nakatakas na....hehehe


                 Students: (panic) po?sir sir blah blah blah...(sarap nila panooring mataranta.LOL)
   
                 At dahil mabagal tumakas si kuya e hule ka balbon! Naibalik ang damohong pugante sa kanyang kama. Kala niya makakaisa siya... Agad siyang sinwero ulit ng buset na nurse at tsaka sinermunan ng todo!Pero alam kong sa malamang na alam ng pasyente ako ang nagsumbong sa kanya tumalikod na ko at umiiwas sa kanya...


                 Ako: RR..Nahule ang taragis.
                 RR: oo nga boy...Sama nga ng tingin sayo o.hahahaha!
                 Ako: ows?tay tau diyan...umepal pa kasi ko....


                Kaya naman nang pauwi na kami umexit akong parang talangka na patagilid lumakad wag lang maharap sa shitty face ng nahuling pugante pasyente....


                Moral lesson...Walang ligtas sa batang sumbungera!bwhahahaha

p.s. alam ko hindi akma ang picture..iba nanaman tuloy naisip mo sa post na to.disappointed?i don't care...whahahaha!

9 comments:

Ako si Yow said...

Pilit kong pinagkokonek ang gotcha sa lamay at comic act mo sa lamay pero di ko magawa. Haha. Tungkol pala kay ungas na kuya na mas tinalo pagkaungaz mo. Haha.

kikilabotz said...

sumbungera kang nurse ka! lagot ka! hahhahaha

Greta said...

fiona and shrek pala drama dapat nila?pahiran na lang ng laway baka mas epektib!madaming nabubuhayan sa laway eh!hahaha

Oliver said...

Natuwa ako sa post mo, hehe.
bibwisita uli ako ito, =p
talagang sinabi mo sa tita mo ung linyang "only true love's kiss can break the spell..."?

2ngawzki said...

@yow: hindi mo ba nagustuhan?hahaha!ang duty non si polgoso...kaya nagisip pa ko bgo umepal

@kikilabotz: kabagal niya e...hnyaan ko n ngang mkalayo nahuli parin.hahaha

@greta: walang mabubuhay sa laway ko...it's so toxic na mapapadali ang buhay nya.ahahaha!

@oliver: salamat po balik po sila(jollibee?)...oo sinabi ko yon.natawa din naman tita ko kahit dinagukan ako.hehe

Super Balentong said...

pahiram ng posas na 'yan, may pag gagamitan ako

glentot said...

Puta hinihintay ko kung saan banda tatama ang picture wala pala! Ahahahaha

2ngawzki said...

@balentong: iyo na..use it for ur kinky games.nye!hahaha

@glentot: wholesome ako boy...hahaha!

Tong-tong said...

nadagukan ka tuloy! ikaw na lang kc dapat ang nagkiss baka maging prince pa. joke lang.

pero ayon. kung komikera ka talaga. ikaw yan eh ganyan ka.

teka baket hanglande ng handcuffs pak!

Post a Comment