Japanese Humor


                    Mosh mosh!tama ba bati ko?yon yung hello sa japan e...mali?yaan mo na!

                    Bilib ako sa mga hapon...Ibang klase ang takbo ng mga utak. Pagdating sa gadgets,electronics magigilas.Ibang klase ang talino.Hi-tech kung hi-tech! Kung ano ikinagilas sa kutingtingan ng gadgets siya ring husay sa kabugukan...hands down ako sa kanila!(tama ba grammar ko?nyemas babagsak ako sa ielts)Saludo ko sa mga sakang na to gumawa ng mga weirdong gameshow at walang kwentang makapagpakabag na pranks na kahit hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi(may subtitle naman.pero hindi ko parin maintindihan at hapon din!) e talaga namang mapapatumbling ka sa kakatawa.Pusta mo pa lahi mo...funny talaga!

                   Ilan sa mga paborito kong videos na nagalugad ko sa youtube ay ang isang grupo ng mga lalaki na nakacostume ng pambabaeng nurse uniforms.Kung bakit kailangan pambabae pa suot kahit walang kinalaman sa prank e hindi ko alam. Isa isang papasok sa isang examination room ang mga kalalakihan at isa isang isasalang sa isang CT scan machine. Lingid sa kaalaman ng mga uto-utong sakang, sa dulo ng makina e makakatikim sila ng matinding nakakasulaksok na lips to lips sa isang babaeng twin sister ni mahal.yak!!!!Tapos lalabas silang kala mo narape at hindi isisiwalat sa mga kasama ang nangyari sa loob ng room.

                   Isa pang prank ay ang CR prank...Ang setting parang sa park lang.May mga portable CR. Sa loob ng bawat cubicle ay may hidden camera. Pagpasok mo para ilabas ang sama ng loob mo,aktong nakatuwad ka na at iire e bigla nalang aangat ang sahig at CHARAN!!!nakatore ka na at kitang kita ng sambayanan ang iyong tootoot!Sa bilis ng mga pangyayari hindi ka na makakapagtaas ng salawal mo at kahihiyan lang talaga ang mapapala mo. Salamat sa video na to,nakakapraning na magCR!damoho!

                   Napakarami pang funny videos tong mga hapon...weird kung weird! Pero kagabi...wapak!!!!Ibang klaseng high ang naramdaman ko sa panonood ng damohong video. Kumombo na lahat ng damdamin!!!kombong suya,humor,dugyot! Talaga namang dulot ay bangungot...Para naman hindi lang ako ang nasiyahan at nasuya(mas lamang yung nasuya) idadamay ko na kayo...

9 comments:

Unni-gl4ze^_^ said...

weird ang japanese bwahhah,,pero hanga ako sa mga gadgets nila,,,
napanood ko n yung prank dun sa CT scan machine shaks ewwwness bwahaha...
moshi moshi aahihi

Ako si Yow said...

Shet! Di ko kinaya. Di na ko natatawa. Nangingiwi na ako. Hay. Parang nasira ang gabi ko. Haha. Kadiri. Naghalikan na lang. eew. Kadiri pa. Kung anu anu sinusubo. Bute pwede sa kanila ipalabas ganto. Dahil jan, napareminisce tuloy ako ng kantang hapon na paborito ng aking kapayuking neighbor... Anatagahoshi. Hindi taga dito, taga hoshi.

2ngawzki said...

@unni:i love how weird they are..hhehehe

@yow:tama..hindi sila funny!pinawisan ako sa pnonood nyan.ewness!!!

Oliver said...

di ko nagets kung ano ung unang pinakain sa kanila, litol crab ba un?
at how the hell naging itlog ung nilabas nya? hahaha
hindi ko pa napapanood ung ct scan. palagay naman ung link! hahaha =p

2ngawzki said...

@oliver:ooppsss..my bad!MRI scan pla.here's the link...http://www.youtube.com/watch?v=ArqWqnJme1g&p=43135BA59E8AB66F&playnext=1&index=16
eto pa isa...http://www.youtube.com/watch?v=AeJwl3UG8eY&has_verified=1

glentot said...

Hahaha sana kanin at dinuguan na lang ang ipapasa tapos ngunguyain muna...

Greta said...

hayop ka ngdamay ka pa talaga!ung pakiramdam habang pinapanuod ko to e parang nung napanuod ko din ung video ng mga lalakeng naghahalikan!masakit sa tyan at nakakangiwi lang!

Tong-tong said...

hahahaha napanood ko din yung lips to lips with grannies. grabe maka kiss parang mga kuhol lang sa batis.

kakatawa video haahha

2ngawzki said...

@glentot: eewww...try mo nga o!Hahaha

@greta: zympre iddmay kta....bwhahaha!

@tong: kahit ilang milyong sipilyo hindi kyang burahin ang trauma sa kanilang mga nguso.hahaha!

Post a Comment