Me & Greta Against Nature


                           


           Anything slimy and grimy sa paningin e talaga namang nakakapagdulot sa akin at sa kapatid kong si Greta ng matinding hilakbot!(Wag mong masabing maarte kami at sasamain ka!) Walang sinabi si Sadako sa takot na kayang idulot ng mga hinayupak na creatures kahit hamak ang laki namin sa kanila(lalo na si Gretang barako). Kung nabubuwisit ka na samin madali lang kami patayin sa takot... Iharap mo kami sa mga sumusunod:


        • UOD (pag utod ng dami, at kumibot na silang parang si Gary V, kikilabutan nalang ako ng todo!)
        • BULATE (actually eto yung mga galing sa tiyan,o sa pwet...ganon na itsura sagwa pa ng pinanggalingan!)
        • BUTIKI (hutana!!!!!!!!CREEPY!!)
        • PALAKA (WWWWWWWWWAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!
                    Kahapon pa ako sinusubukan ng kalikasan. Pagbukas ko ng pinto para lumabas sa mundo something medyo cold fell on my forehead. Pero mabilis na nahulog sa floor. At nang sundan ng mata ko....SSHHHHHHHEEEEEEETTTTTTT!!!!!!!!isang malusog at mamasa masang butiki pala!potaness naman talaga!Dugyot!

                   Pero kanina ang ultimate test sa akin at kay Greta...Mamalantsa na sana ko ng mga uniform ko. Sa kwarto ko na sana gagawin at medyo malamig don. Isasaksak ko na sana ang plantsa nang may something small and brown sa sahig. Sa unang tingin naisip ko...Dahon?Pano makakapasok sa room yon?Napagdesisyunan kong sipain na sana palabas ng pinto. Paglapit ko sa inaakalang tuyong dahon, bigla itong nagtransform sa paningin ko.May mata ang dahon!Hindi!isa siyang bulilit na PALAKA!wwwwwwwaaaaaahhhhhh.....Panic mode! Siyempre dinamay ko nanaman si Greta sa aking suliranin.hahaha!

                   ROUND 1... Nang tumambad sa harap ng kapreng Greta ang buset na frog, nanlaki ang mata ng Greta at kung anong laki niya ay siyang laking duwakang(nagsalita ang matapang!)...Habang steady ang impaktong palaka pinaplano na namin ni Greta ang pagdispatcha sa kanya. Plan A: Hiluhin ang palaka sa pamamagitan ng pagpalo ng walis(harsh?kaw kaya yon!). Nang aktong pakpakan na naleche na ang mundo! Turuan pa kung sino ang titira. Dinaan ko na sa sumbatan 
               
                Greta: Ate naman e!Bakit pag nakakadiring gawain laging ako?!(teary eyed sya)

                Ako: Aba! Nang harangin ka ng malaking palaka sa paliligo mo AKO ang lumigpit para sayo!!!!!

                 Kaya naman ang kawawang Greta ang unang sumubok...PAK! potashet!!!!!!ang hayop na palaka tumalon talon patungo sa direksyon sana ng nanginginig na Greta. Sa tili namin kabog ang apat na bakels na naghuhumiyaw para kay Venus Raj(http://www.youtube.com/watch?v=-HePTmrV-og ayan ang link kung di mo pa napanood)...Second attempt! Ang plano,takpan ng basahn ang palaka at saka bibirahin ng walis ni Greta. Mayari ang 100ng pagrorosaryo nakasagap din ng lakas ng loob,natapkan ko din ang hinayupak sabay tira ng Greta, at mabilis na winalis palabas ng terrace ang hilong palaka.RELIEF!Back to normal na. Naplantsa ko din ang mga damohong uniporme at bumalik na si Greta sa busy life niyang pag-eFB... Maya maya inantok na ang Greta. Papaakyat na ng sa kalahati ng hagdan,tumatakbo pabalik ang impakta at naghuhumiyaw....Ang impaktang palaka ay buhay pa pala!Parang nananadya.Nag ala "i'm back bitches!" siya.Hindi successful ang unang attempted murder(natrick nya kami sa kwarto)!shet! 

                ROUND 2 Balik sa dati..Plano plano plano!Inabot din kami ng ilang oras sa pagpapaalis sa kanya sa hagdan(30minutes kada 2 steps!).Hanggang sa maisipang isprayan ng baygon.Oo!Desperado na kami na kahit pamatay insekto ginamit sa palaka.Walang epekto!Deym! Hawak kamay pa kami ng Greta sa pagtuligsa sa palaka...At buong tapang na sumugod sa giyera dala ang walis at dustpan(awww.sweet!nice sister bonding experience). Hanggang sa marating namin ang kusina at nacorner ang kalaban.Kung pano sya humantong sa pagtihaya sa gilid ng ref e hindi ko alam(nagpapakamatay ata) "It's the end of the line for you paksyet!" Pero gayon pa man natagalan kami sa pagmurder sa kanya...Kahit paano'y hinaplos kami ng bahagya ng aming konsenya. Last resort...Tinakpan ni Greta ng karton ang nakatihayang palaka para naman hindi masyadong kita ang pagpisak...boom!boom!pak!pak!toogsh!No sign of life...It's dead!Shet!Natuluyan na siya. Ang planong paghilo nauwi sa kamatayan.Nyak! Unti unti, dinakot ang bangkay at saka itinapon sa kanyang pinanggalingan.sa nature...Relief(totoo na to)! Matapos ang krimen balik na sa normal.May little froggy rest in peace. Di namin sinasadya..Kaw kasi e!Mali ka ng bahay na pinasok!

               Sabi sa inyo gubat na tong bahay na to e...Oras na para maglinis!

11 comments:

Ako si Yow said...

I love it. Dapat maging movie to. Haha. Aksyon ang walang hiya. Kakabugin ang salt. Sinung magsasabing maarte yan? Wala kaya ako nakitang arte. Haha

Tong-tong said...

grabe makapanindig hininga namang stunt ang ginawa nyo ungaz. sana inisprayan nyo sya ng pabango. ang effect? less kadiri na. joke

teka nga pala. marami ako ditong nakikitang "singsingpari". you like?

Greta said...

hindi ko malilimutan ang gabing pumatay ako ng palaka..im a frog murderer..and i'm proud of it!!

papatayin ko silang lahat..kung hindi nila ako maunahang patayin sa takot at nervous breakdown!

kikilabotz said...

tama dapat naglilinis kasi. yan tuloy

Jag said...

Naawa naman ako sa palaka...I have arachnophobia. Hindi ko sila pinapatay but instead pinapalayo lang. Alam ko kasing malaki ang tulong ng mga creatues na yan sa ecosystem natin...lalo pa ngayon at maraming lamok...dapat makonsensiya ka...like now na hahaha...JOke lang hahaha...

Malay mo siya na pala yung prince charming tas minurder nyo lang...tsk tsk tsk...

2ngawzki said...

@yow: pang blockbuster?hahaha! eeewww tlga yow...promiz

@tong: wa epek ang singsingpari...cute sila impernez

@greta: una unahan lang!we'll get through this together...drama?bwhahahaha!

@kikilabotz: patulong naman o...hahaha!

@jag: konsensya?uhm!wla ako mafeel..wahahahaha!kht wag nang mgkprince

Tong-tong said...

dili sila cute!!! everytime naglalakad me sa pavements, para kong naka tip-toe sa sapatos ko. Dyahe sa mga tao.

glentot said...

Ahahahaha mga nursing kayo diba? Paano kayo nag dissect ng frog? Humihiyaw rin kayong parang yung mga bakels sa youtube ahaha

2ngawzki said...

@tong: hnd un creepy kumpra z plaka!waaaahhh

@glentot: prang may gyera lng..mramng ambulansya ang dating!hahaha...lhat na!wg lng plka!

Oliver said...

hala, kawawang palaka.
teka, san galing ung palaka? may swamp ba or something na malapit senyo?

2ngawzki said...

@oliver: hndi ko rin alm san zya galing...at ayoko n almn.hahaha!

Post a Comment