Lumang Bata

                                 Sa wakas nakagawa din ng post....medyo seryoso to.pang nagmemerida.hahaha!

                                 Ang tawag ko sa mga kapwa ko lumaki sa henerasyong medyo hindi pa uso ang cellphone at computer....Lumang bata!Ganda!


                      Minsang nagmumunimuni at walang magawa...Nakapagreminisce ako ng di oras ng mga bagay na namimiss ko mula sa aking kabataan. Talagang ganyan pag tumatanda...tsk tsk! 


                      Noong panahon (alamat ba to?) hindi pa uso ang mga play station o xbox o wii.Pero may family computer naman na. Libangan namin noon ang Nintendo family computer. Sikat ka na non pag meron kayo non. Kahit ang laro lang naman e puro pacman, popeye at syempre mario bros. na nakalagay pa sa balang sing laki ata ng bareta ng sabon. Medyo lumevel up ng konti nakatikim naman ng sega...Pusta tayo don mo din nakilala sila Chun-li, M. Bison, Ken at kung sino sino pang myembro ng Street Fighter. Don ko din unang ipinagpalit ang paliligo para sa maghapong paglalaro ng super sonic at jurassic park!whahahahaha....At ang sikat na gadget non kalabel ng PSP ay ang.....BRICK GAME!hahaha..so challenging.


                     Nakakamiss din ang kabataang dugyot...Naliligo sa ulan. Tatapat pa sa alulod para malakas ang tubig kahit di namin alam kung me ebak ng pusa don.yak! Naglalaro sa putikan...Gagawa ng palayok gamit e putik para kunyari lutuan. Andyang maghapong habulan. Palagkitan ng pawis pabahuan ng kili kili walang liguan... Walang aayaw hangga't hindi nahahataw ng sinturon. Nakakamiss ang magkasugat mula sa pagkakadapa sa laro...Nakakamiss ang mapa ng Pilipinas sa binti parang tattoo..paramihan!


                    Masyadong atheltic ang mga bata noon kesa sa ngayon.... Mga parang nakalaklak ng isang toneladang Enervon at talaga namang more energy mas happy all day everyday. Nakakamiss ang mga larong taguan, taguang chinelas (hanggang sa magkatamaran nang hanapin kawawa ang di makakita ng tsinepin),habulan taya,patintero(o harang taga),piko o chinese garter at ang paborito ko...LANGIT LUPA!Langit lupa impyerno.im im impyerno!saksak puso tulo ang dugo patay buhay umalis ka na sa pwesto mo!oha!kabisado pa talaga.Ito yung larong basta mataas ka lang ng bahagya sa lupa hindi ka pwede tayain kahit ang tinutuntungan mo lang e batong maliit pa sayo.Langit parin yon! Nakakamiss din ang pagbanggit ng taympers!Pag napagod na,naiihi o nagkainitan o nagkadayaan na.Taympers!!!Sinabi mo din yan minsan sa buhay mo!Mangiyak ngiyak ka pa.hahahaha!Nakakamiss ang lumaki sa lansangan, so close to nature....Nakapagpalobo ka na ba ng gumamela? Dahil uso non ang oplan patak against polio,naranasan mo bang gumawa ng sariling version ng patak center mo at gamit ang nectar ng santan?sarap diba?hahaha! 


                     Nakakamiss din ang hairdo na hairdo ng buong bayan! Hindi pa man pinapanganak ang negrang lakwatserang si Dora uso na ang hairdo niya.Lahat ng batang babae dumaan sa chin length haircut na may BANGS!Uso pa non puro bulaklaking bestida sa mga babae na kala mo laging sasagala at ang jumper sa mga lalaki. Naalala mo pa ba nung mga panahong nagsuot ka ng knee high socks?tapos ang shoes mo yung umiilaw pag itinatapak sa lupa?Lumang bata ka...hahaha!Sa sobrang tuwa ko sa sapatos na yon tinira ko ng tinira para umilaw hanggang sa mapundi.sheesh!no fun,pundi kabod!


                     Kilala mo ba si Nelo at Patras?mga tagalako ng gatas..hahaha!Si Sarah?Si Cedi?Mga characters yan sa mga lumang cartoons...Minsang din kaming nahumaling sa Julio at Julia ang kambal ng tadhana(ang kambal na intsik yung isa yung isa naman kana este kano yung isa!weird),peborit ko din ang doraemon,tsaka Mojacko(highschool na ata ko non a..hahahaha!)...Pinagkaadikan ko din ang orig na Mask Rider,Power Rangers,Voltes V at kung ano anong palabas na pambata na gawang hapon na ang storya laging nagiging halimaw ang maliliit na bagay tulag ng mga laruan.baduy!Lumang bata ka din pag sinusubaybayan mo ang Sine Skwela, Hirayamanawari, Atpb....etc!Dahil sosyal akong bata,sesame street ang kinalakhan ko talaga!whahahahaha...


                    Ano usong trip sa school non?Sa amin pag wala kang de rolyong bag hindi ka IN...Laos ka kung ang pencil case mo e walang pinipindot na mga buttons para lumbas ang eraser,bumukas ang takip o lumabas ang ruler o ano pa man ang pwede lumabas! Usong collection non ang mga naggagandahang stationery hindi tulad ngayon havaianas ang kinokolekta...Nakakamiss ang mapabilang sa listang ng mga "NOISY"...Kahit ilagay mo pa ko sa listahan ng 100ng beses hindi mo ko mababawal...hahaha!
    
                    Naranasan mo bang gumamit ng Betamax?Unang video player na pinagsawaan kong panooran ng mga nakakairitang recorded videos ng aking pagkababy...Kahihiyan!Hanggang sa magevolve sa VHS na lumaking betamax hanggang sa maging VCD at maging DVD na....


                    Ilan pang small stuffs and treats i miss..

  • lipps candy(ginagawang lipstick para kissable..weh)
  • pogs and texts (ung bilog yung pogs,yung text cards na maliliit na pinaglalabanan..basta yon!)
  • pritos rings (may lamang treats sa loob tulad ng singsing.hahaha)
  • bazooka bubble gum(laging may kalakip na joke)
  • jolens (marbles)
  • tatoos (chichiryang may lamang free tattoo na pagbinasa kakapit na sa balat...charan!joaquin burdado ka na)
  • rubber bands (paramihan,ginagamit din sa karera)
  • plastic ballon(palakihan pa kayo ng pabula...sarap na sarap ka pang dila dilaan.LOL)





                       Sa panandaliang pagtunganga yan ang ilan sa mga namiss ko....and many more! hay...Ang sarap maging bata...Masasabi ko lang ang childhood ng batang luma ay "KICK ASS" kesa sa Gen x o y o kahit z pa yan!


                       Ikaw anong namimiss mo mula sa kabataan mo?




               exhibit #1: ang cute na ungaz nung kanyang kabataan...ganda!LOL

    16 comments:

    Anonymous said...

    pic mo yan sa Galleria rides kung saan nag bday party madalas ang mga kids sa Jeddah at every thursday dinadala kita dyan para mag ubos ng sangdamukal na tokens and ride to death ka.

    2ngawzki said...

    @anonymous: mother i know ikaw yn..hahaha!mahlig tlga ko sa rides e...hahaha!(bwal bastoz)

    Tong-tong said...

    ang na miss ko,

    pokemon, ghost fighter, dragon ball, street fighter teks

    family computer

    ice candy

    texas bubble gum

    Sali sali together, Mr Kupido, Ang TV, chikiting patrol, batibot, ATBP, superbook

    basta madami pa baka tuluyan na me umiyak sa pagreminisce. lol

    Ako si Yow said...

    Nabasa ko na to kanina pa. Magcocomment na ko nawalan ng net kabod. Haha. Ako pa naman sana bebase. O well, tumatakbo ang oras at hindi mo mapipigil na tumanda ka. Bakit mo tinaggal comment ni Greta? Medyo namimiss ko na nga ang kabataan kahit sariwa pa naman ako unlike you, minsan punta ako sa inyo at maglaro tayo ng patintero. Trip lang. Blog post na yung ginawa ko? Pak!

    YOW.

    glentot said...

    Naku kaya naman pala miss na miss mo ang kabataan mo, ang cute cute mo noon eh! hehehehe jk!

    Hindi mo nabanggit ang national sports na sipa at futball!

    2ngawzki said...

    @tong: anime!hahaha...fushigi yuugi tzk recca.

    @yow: ako un.ngmit ko ky greta!ngexplain?hahaha!ge tarang mgpatintero sa hagdan.buwis buhay!

    @glen: cute tlga ko!noon.hahaha!mdmi nga kong hnd n naisama..pero nkpglaro dn ako ng sipa.hehe!

    Jag said...

    namiss ko lahat ng mga nabanggit mo haha...

    Hangkyut ng bata sa pic...ngayon kaya? LOL.

    2ngawzki said...

    @jag: aminado nung bata lang ako cute...whahaha!

    Greta said...

    ako walang namimiss, kasi bata pa din naman ako ngayon..in denial ako payn!

    Unni-gl4ze^_^ said...

    homaygawd namiss ko lahat yan~~teka ka age lng tau?jokes,,,,
    namiss ko yung bazooka hahaha at lipppsss kendi ahihi~ si susy at geno na miss mo ba?haha~~~
    viva~ang saya ng poste mo naalala ko tuloy ang aking childhood eklavosh hahah,,,
    naks hang kyut ng pic ah pwede pa grab ehe~~

    2ngawzki said...

    @greta: kaya pla gang ngayon dumododo ka pa sa bote!nyahahaha

    @unni: grab?ppkulam mo b ko?hahaha!oo nkkmizz zi suzy at geno.ang magutol na jubis.hahaha

    Super Balentong said...

    ikaw ba talaga yun? hmmm
    di ako makarelate, promise! hindeeeeeeeeeee..

    2ngawzki said...

    @balentong:ako nga!angal?hahaha!di ka mkrelate?ah...1960's ka siguro.hahaha!joke

    kikilabotz said...

    hahaha. cute m pala tungawski..bkit ka biglang nagmadre sa fb? ahaha

    2ngawzki said...

    @kiki: evolution....from cute to horrible!!!hahahaha

    p0kw4ng said...

    medyo bagong generation ka pa kumpara sa akin..ahahaha! kakamiss ang mga ganyang laro mas may bonding sa mga kaibigan o kapitbahay..di tulad ng mga bata ngayon iba ang bonding moments nila...ahahaha!

    salamat sa pagbati sa junakis ko!

    Post a Comment