Tiktik

                               Hindi ako mahilig sa balita....mapaTV man yan o dyaryo(unless icheck ko kung panalo ako sa lotto). Ayoko ng mga panget at paulit ulit na balita (at nakakasawa na si Mariel at Robin)..


                    Minsan, may nagdala ng isang tabloid sa unit....TIKTIK.Dahil sexy ang picture ni Valerie Concepcion don na-inganyo na-engganyo nacurious magbasa ang aming birheng head nurse (Buti hindi nagbabasa si sir ng blog ko.LOL)...Ngumingisi sa isang sulok si kuyang. Dahil may pagkausisera ang Ungaz, nacurious...


                    Ako: Sir, ano ba ngini-ngisi ngisi mo dyan? 
                    Sir: Ala naman (ang ngiti umabot na sa mata!)
                    Ako: Pwede ba yon?Muka namang tanga ngumisi sa wala!ttssss(ganyan ako kagalang sa head nurse namin..hahaha)


                    Hindi na ko nakatiis kaya inagaw ko na ang lintik na tabloid sa kamay ng aking painosenteng head nurse...Hanep ang laman. Puro laman! Impernez malaswa siya a...Eto ang ilan sa mga natuklasan ko (bukod sa walang kamatayang Robin at Mariel.Kahit saan nalang!!!!)



  1. Staff ng Petrang kabayo movie nakita ang NOTA ni Luis Manzano- Nota ay ang gay term sa penis. Ang eksena daw naliligo si Lucky (naked!lavet!!haha) nang aksidenteng kumaway ang kanyang alagang birdie. Syempre tuwa ang mga beki pwera si vice ganda na namiss ang opurtunidad. At take note malaki daw ang alaga...Nyetang article yan! Walang kakwenta kwenta.Nakakainit ng ulo..Wala man lang picture!Ay kamaniac ko.amp!
  2. Miss Boobsie...Salat ako sa yaman ng dibdib.Harap at likod pantay(ako na kukutya sa sarili ko para sa inyo). Minsan sumasagi sa isip ko na pagyaman e magpadagdag.hahaha! Pero hutana tong Brazilian girl na nasa tabloid. Hindi makuntento sa mala melon nyang suso at pinagawang gagapakwan!Putragis na yon!Ang orig cup size niya na biyaya ni Bro sa kanya ay nasa C na. Pinadagdagan pa niya.Di nakuntento,pinalobo pa lalo.Mula sa 36 GG (ewn ko ba kung dota yon) na cup size e naging 30 something KKK...Ginto ba at K?Karat ba?Oo,triple K ang cup size. Ni hindi ko alam na me ganon. May picture si ateng sa tabloid at talaga namang napa WTF ako. Ako nahihirapan sa itsura niya.Ako ang bigat na bigat sa dala niya. Di ko alam kung kambal ang anak niya at kasalukuyang ipinagbubuntis sa magkabilang suso sa laki. Ganon kalaki.IMBA!!!!!!O well pustahan tayo pag may sunog o lindol mauuna pa ko sa kanya sa exit sa bigat ng bagahe niya.bwhahahahahaha!
  3. Mariang Palad...Sa title palang akala ko xerex na tungkol sa pagsasarili.Mariang palad e. Yon pala isa siyang manghuhula na huhula sa kapalaran mo sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga guhit sa palad mo. Isang letter sender ang nagpadala ng xerox ng palad niya at sinagot naman ni "Maria" ang mga tanong niya. Nagbigay pa ng tips si Maria pano manghula gamit ang mga guhit sa palad. At ang resulta ng mga guhit sa palad ko ay: Makakatuluyan ko ang susunod na lalaking mabibiktima (mag-ingat na kayo), makakapag-abroad ako at madami mapupuntahan (you see mommy!), at.....HINDI AKO MAKAKAPAGPUNDAR NG BAHAY AT KOTSE KO!Kinulang pa kasi ng isang guhit!Pakshet!!!
  4. Dear Vanessa...Isang column to sa tiktik na kung saan sasagutin ni "Vanessa" ang mga problema mong malaswa! At ng araw na yon ang topic ay....DEAR VANESSA: AYAW TIGASAN!Astig na title yan. Talaga namang napagulong ako kakatawa. Di ko mabasa basa nilalaman kakatawa.Shet!O well curious ako sa problema ni kuyang kaya binasa ko. Ilang beses na daw binibigo ng kanyang manoy si kuya. Kabado siya at medyo ayaw magflag raising ng boyscout niya. Ano daw ba dapat gawin at ano tawag don.Maaayos pa daw ba yon. Tong si Vanessa umepal magpakadoktor kung makapagpayo. Paraphilia daw yon. At dahil epal na nurse si Ungaz, kumontra ako at nagmarunong. Impotence ang tawag sa hirap na pagtigas o pagtayo ng Penis at hindi paraphilia. Ang paraphilia e sexual arousal to objects,pangyayari,o tao.In short masyadong malibog.Eepal nalang kasi di pa muna nagresearch.tsk tsk...bagsak.   
                  At ang huli....Dahil kunyari inosente at conservative si head nurse, ako ang pinabasa niya ng isang article. Pagkatapos daw ikwento ko sa kanya (ano yon!bedtime story?!).At dahil uto uto si Ungaz e binasa pa rin..Eto yon....
   5. Ang alaga kong kalabaw....Shet!Tunay na diwa ng xerex...Bulgar ang pagkakasalaysay ng mga pangyayari. Nadungisan masyado ang mura kong isipan!!! Ganito kasi...Si Totoy na isang magsasaka na may alagang kalabaw pinasok ni Melanie (ang manilenyang virgin kuno) sa kubo at saka sila gumawa ng milagro.The end! Aba gusto niyo ba idetalye ko pa?Di na uy! Ang koneksyon lang pala ng kalabaw ay, kundi isinuga ni totoy nung araw na yon ang alagang kalabaw na si Elvis e hindi sila magkakatikiman ni Melanie. Lang kwenta!Kala ko pa naman e naloss ang virginity niya don sa alagang kalabaw..hahahahaha!!!! 
       Nang matapos ako sa pagbabasa, pinapakwento ni sir ang nabasa ko.At ang nasabi ko nalang..."Hindi yung kalabaw ang nakasex niya.."Tapos! Dismayado siya sa kwento ko. Hindi kaya ng sikmura kong idetalye sa kanya ang mga naimagine este nabasa ko....Hudas na yon!!! Bakit ba kasi ganon laman ng mga tabloid? Hindi ba pwedeng puro balita lang na walang kinalaman sa kamunduhan?hahahaha! Hindi na talaga ko hahawak ng tabloid...Ever ever ever!!!Babawasan ko na din ang pagkausisera ko at napapahamak lang ako.Nagkakasala lang ako.hahahaha! 

       Kaya naman ang masasabi ko lang....Awat na sa storyang Mariel at Robin. NARIRINDI NA KO!!!!!!!!!!

                                                             ??????

16 comments:

glentot said...

Haha puta ka Ungaz tawa ako nang tawa dito sa office. Ganyang-ganyan din ang reaction ko nung una akong nakahawak ng tabloid... nung Grade 3. Ang ikinaiba lang eh hindi na ako natigil sa pagsubaybay bwahaha.

Hindi mo man lang binigyan ng detalye yung story ni Totoy at Melanie! Ikwento mo dali, with more details, in 3D!

Poldo said...

di kaya TIKTIK the review tong post mo! wahahaha..

ayos detalyeng detalye.. namimiss kong magbasa at mangolekta ng mga ganyan! di lang tiktik pati TORO, BOSO etc.. jiji(jejemon kilig)

Ako si Yow said...

Haha. Panalo Teddy. Suso kung suso. May sariling kaluluwa yun. Haha. Pag lumindol, kakawala yun at ililigtas ang sarili niya. Haha.

Di na ako nagbasa ng Tabloid nung nawala ang xerex. Nawalan ng kulay ang Abante at Abante Tonite. Hahaha.

Oliver said...

diba naban na yang tiktik dati? bakit meron na uli?
naaalala ko dati may stars pa sa dibdib ung mga nagpopose sa tabloid hehe.
may mga matitino pa namang tabloid gaya ng Peoples Tonight saka.... uhmm... un, siya na lang ang lehitimong newspaper tabloid na may NEWS talaga. :p

Tong-tong said...

DIli pa ko nakakabasa ng tiktik.. grabe naman pala mga news there. at mga segments..

bibili ako later. para maprove ko lang na tama sinasabi mo here.. naninigurado lang. basta bibili ako..

titignan ko.

:)))))))

Greta said...

may sariling buhay o organs na ung boobs ng babae?

kunwari ka pa..i know u like xerex!baka maging follower ka na ng tiktik ngayon!

kikilabotz said...

anaknamputcha. inagaw mo ang kasiyahan ng head nrse mo. tignan mo nga at kabisado mo lahat ng detalye. hahhahahaha. .. wag k na magpalusot. iuwi mo yung dyaryo noh?

2ngawzki said...

@Glentot:kasi ganito yon...hindi ko talga kya ikwnto.hahahaha!!!!Tantanan mo na ang pagbabasa ng mga ganyan.tsk tsk

@Yow: May sariling brains ang suso?hahaha!Hndi tlaga nakakatuwa ang joga nya

@Oliver: Di ko lam na naban dati yon...hahaha!mas feel ko parin broadsheet kesa tabloid.hehehe

2ngawzki said...

@Tong: Ay teka...duda ka sakin?hahaha!Kunyari ka pa na chchekin..type mo lang din tlga mga ganon.hahaha

@Greta: Imba nga kasi sa laki.Malaki pa sa ulo niya.Sinakop na buong katawn nya.hahaha

Hindi ako mahilig sa xerex...Kaw yon diba?

@Kikilabotz: Oo...Inuwi ko!Tzaka ko sinunog.hahaha!Tinapon ko sa basurahan para hindi na makita pa ni sir.hahaha!

Traveliztera said...

Hahahhaa!!! Kaya masarap magbasa ng tabloid paminsan-minsan e !!! haha!

2ngawzki said...

@Traveliztera: Ayon o nagbabasa din siya ng ganon..hahahaha!Wala talagang nurse na wholesome.YEY!!!

Jag said...

Ungaz ka talaga hahaha! Adik!

@ #4: isa lang na patunay na walang kabuluhan ang laman ng mga tabloid hahaha... Even me knows the difference between paraphilia and impotence nyahahaha!

2ngawzki said...

@Jag: Nagmamarunong si ateng e....paraphilia dw un.Bat nga pla lam mo?hhmmmm...hahaha!

Anonymous said...

musta mga sabik?

Anonymous said...

masarap ang kalabaw pero sa tingin ko masmasarap talaga si melanie...

Anonymous said...

maganda yung boobs ni ateng, hindi ka malulunod pag siya ang kasama mu sa lumulubog na barko.gawing salbabida ang boobs ni ateng!

Post a Comment