Makeover

                             KAHIT NAKAKAHIYA IPOPOST KO TO!!!!!YAHOOO!!!!!!!
                          
                   Kapopost ko palang non ng bagong blog at kasalukuyang nagbubutingting nalang ng Facebook account nang gambalain ng gwapitong kapre(naks!) ang tahimik kong mundo...


                   YOW: Teddy! (don't ask!)
                   Ako: YOW!
                   YOW: Sikat ka na! Kaya palitan mo na itsura ng blog mo.
                   Ako: (sikat?weh!ano pa kaya siya?)


                   Mahaba pa usapan at diskusyunan....Sa huli dahil may pagkautuin paminsan minsan e pumayag na ko. At dahil hindi kami close, ang aligagang yow na ang masigasig na humanap ng magandang layout na ipamamalit sa luma ko. Yung babagay daw sa kin. Yung ungaz talaga ang dating! Tutal siya ang sexpert expert at matiyaga, naghintay nalang ako ng ilang minuto(ganon kabilis si yow pag pursigido)...Mahigpit kong bilin na wag pipili ng girly masyado at di ko type mga ganon at lalong walang PINK!!!! Makalipas nga ang ilang minuto nagdatingan na ang top choices ni Yow.Isa isa ko nang kinilatis...Putragis!Sa kabila ng banta na kakapunin ko siya pumili parin ng mga design na PINK at may mga flower thingy.Nang-aasar talaga! Click ng click hanggang sa marating ang isang medyo maganda at mukang akmang template na pasado din sa panlasa ni Yow...Sa wakas nakapili din ng pamalit. Oras na para baguhin ang lumang disenyo.


                   Sinong mag-aakala na buwis buhay pala ang linsyak na pagpapalit ng impaktong template.  Dahil slow ang ungaz, isa isang binibigay ni Yow ang instructions sa FB para masundan ko (o diba shunga to the highest level). Nasusundan ko naman ng bahagya hanggang sa magkaaberya ang hinayupak. Ayaw magsave ng bagong template! Mali daw ang inupload ko...Panic! Balik ulit sa FB para kulitin at kultahin ang utak ng pasimunong si Yow(Kasalanan mo!Naghirap ako!).Dahil mas nakatatanda ako kay Yow kahit nakakainit na ng ulo pangungulit kosa kanya, hindi siya umangal at matiyagang nagtuturo(sabi ko kasi di na siya makakatungtong sa aming motel tahanan)...Hingang malalim, at matapos hanapin ang aking happy place napagtanto ko din ang kamalian ko at sa wakas nagawan ng paraan. Napalitan din ang template!Yahoo!!!


                   Pero hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko....Pag silip sa aking blog para makita ang "new look"....WAPAK!Laking gulat ng hindi ko makilala ang blog. Hindi dahil sa maganda ang kinalabasan, kundi dahil sa gulo ng itsura.Nakngpukz!Yung chatbox nasa ibabaw.Yung blog roll nasa kaliwa at kailangan pa ng x-ray vision para mabasa! Ang mga damohong post nasa dulo na kala mo yon pa ang paningit....OMG!!!Disaster ang itsura.At dahil online pa si Yow(Yey!Daming special mention?) muli kong binulabog...


                    Ako: Yow!Tignan mo na itsura.Naloko na!huhuhuhu
                    YOW: Ay oo nga! Edit mo sa layout
                    Ako: E pano nga?!Hindi ko magawa  wala naman
                    YOW: Hindi naba makita? Naloko na nga...hahaha!

                    Alangya si Yow! Bahagya akong nawalan ng pag-asa...Muntik na ko sumuko at nalungkot ng napa-isip na mukang magsasara ang pipitsugin kong blog dahil sa pahamak na template...At dahil sa matalino ko,nagawan ko din ng paraan. After 100 years naayos ko din ang aking mahal na blog... Hallelujah!Non ko lang naappreciate ang mga kursong IT(mailusot lang)hindi pala kadalian...hahaha!Kaya nga ako nagnursing ayoko kinukulta utak ko sa mga numero at papindot pindot ng kung ano ano....hahahaha!Dahil sa hirap ko matatagalan pa ang susunod na pagpapalit ng layout ko(like...never!).


                    Ngayon bago na ang itsura ng aking blog...New look, same old me...Ganon parin naman ang nilalaman. Puro kautuan at walang kapararakang bagay parin ang matatagpuan....Sa iilan kong mambabasa, patuloy lang sumubaybay. Matuwa, matawa, mabuwisit, mapikon, mabagot,kahit ano pa....Bahala ka na.


                    Para kay Yow, sabit ka nanaman dito as usual. May special participation ka nanaman. Maraming salamat sa iyong napakagandang idea! Pinagpawisan lang naman ako ng todo salamat saYOW! hahahaha....Kahit pinahirapan mo ko, pinagtyagaan mo naman pagkaslow ko.Beri gud ka!


                               How'd ya like me now?hahahahaha!

13 comments:

Oliver said...

hehe. thank you for appreciating our course and our work, naks! hahaha.
wala bang preset templates ang blogspot? sa wordpress kasi, pipindot ka lang, magbabagong anyo na sya e. dba sa blogspot drag and drop din lang naman sa layout?

YanaH said...

bale mga twelb tayms namention si YOW ditei sa post na itei unless naduling ako and there's more hahahaha..

kongratsumeleyshuns sa extreme make over mo.. :D

mas maganda nga siya ngaun kesa sa dati mong template..

kikilabotz said...

uhmmm mukhang may namumuong pagmamahalan kay yow at sayo ha? ipagkakalat ko yan. ahahahaha

Anonymous said...

scary ang lay out,nakakatulak suicide.I want happy,bright outlook.palitan ng red,orange at P-noy color.Yow ikaw ang pasimuno nito.

Greta said...

ano ngayon kung PINK ang color ng layout ha?! anung masama?! ano?! ano?! sabihin mo!

defensive ako...sabagay pakana din ni yow lahat ng kabadingan sa blog ko!

Ako si Yow said...

Mas maganda naman talaga ngayon. Bongga na di ba? Haha. Parang pinilas na notebook lang. Kakyut nga eh. Madali lang magupload ng template, sadyang pambihira lang ang Ungaz. Hahahaha.

@Greta: Nagustuhan mo din naman at naitago ang operasyong iyong pinagdaanan. Haha. Walang nakahalata.

2ngawzki said...

@oliver: Zge!Magilas na kayong mga IT!!!!!hahahaha

@Yanah: salamat at naappreciate mo....gnda daba?

@Kikilabotz: Malisyoso! nakakapanginig ka ng laman a...hahaha!

@Anonymous: mgnda nmn a...hahaha!slmt ky yow!

@Greta: hnd totoong pink is punk...auko tlga!Kulay kiki.hahaha

@Yow: slow ba ko?wag k mktungtong d2!hahaha...O de salmat nmn ng mrami.mwah!

Jepoy said...

naiingit naman ako dahil bago na ang carpet mo. Parang gusto ko narin mag palit ng carpet...

Poldo said...

hindi lang layout ang nagbago! pati ang picture kailangang isabay sa uso! napakawagas talaga! naiinlove tuloy ako!!!


sa layout! joke.. kamusta ang lipstick??

glentot said...

Mas gusto ko itong new layout mo i-wish mo na lang na wala kang makapareho. Mabuti at never mong binigay ang password mo at ikaw mag-isa ang nag-ayos... alam mo naman ang nangyayari sa mga taong nagpapamigay ng passwords. Kung di mo alam, ask me ahahahaha.

2ngawzki said...

@jepoy: go!palit na..pra new look dn.sa bday mo plitan na...hahaha

@poldo: nakangtooch!don't let ur eyes fool u..nyahahaha

@glentot: oo alm ko nangyyri...dhl UTOD ka ng sweet at bait e hinahack mo.kya dko bbgy sau pw ko.hahahaha!

Jag said...

Umaariba si 2ngaw sa profile pic weeee!

Ito nga pla pag may aso na susugod sayo next time umupo ka lng at titigil na ang aso kasi akalain nyang dadampot k ng bato at ibabato sa knya.

tama ka ok lng mapagastos basta buong pa ang pata...lol...dapat talaga maging responsable ang amo sa alaga niya...kung ilalabas man niya ang alaga niya dapat nandun din sa nakaantabay...

2ngawzki said...

@jag: ayee...ariba sa kbadingan itsura ko!hahaha.slmat sa payo.pero naisip kong brilin ung aso pra mapulutan.hahaha!buset pala e

Post a Comment