Malapit na eh!!!!

                             Kung green minded ka talaga(at malamang ganon ka nga) iba na iisipin mo sa title...tsk tsk!!!Mali...Hindi yon naudlot na pagbiyahe sa langit.Ang kwento ko ngayon ay suspense...Buwis buhay na pag-uwi sa tahanan...


                   Pagkatapos ng nakakapanlambot na duty bilang hawt nurse (weh!!!), dumiretso ako sa mansyon ng aking mga pinsan para sana sunduin ang nakikitambay din don na sina Greta and lola mommy (yan ang tawag namin sa lola naming ermats ni erpats)....Matapos ang ilang oras na pag-upo at pagpapasarap saka ko lang nalaman na ang lola mommy e don pala matutulog at makikipajama party sa aming TL (tita Lorna) at maglalaro sila ng tong-its. Kaya ako lang at ang harot na Greta ang umuwi. Since isang dipa lang naman ang layo ng aming motel apartment sa kanila nilakad nalang namin ni Greta...Kahit may kadiliman buong tapang naming sinuong ang daan. 
   
                    Sa kalagitnaan ng paglalakad, natanaw ko ang isang hindi kaiga igayang pangyayari dalwang bahay ang layo mula sa apartment. Nakita kong hinabol ng isang baribot na aso ang inosenteng mama na nagjojoyride lang..Napadaan na nga lang hinabol pa ng aso. Syempre nagpanic na ko at don din kami dadaan.No choice!Malamang sa habulin din kami ng damohong aso.Naman o!Malapit na makauwi e...Ayun na o!Natatanaw ko na gate namin. Sinabi ko kay Greta...Nagpanic din ang Greta. Umisip na kami ng strategy paano  makakauwi ng hindi mararabis!Pero hangga't maaari iwasang sumakay pa kami ng limotrike para iwas gastos (dalawang bahay nalang o!!!).Kanya kanya na kami ng labas ng payong para panangga. Andyang naisip din naming paunahing lumakad ang mga bebot na mga nakapekpek shorts na kasunod namin sa paglalakad. Baka sakali type sugpangin ng aso ang pata nila. At habang nilalapa sila, saka kami kakaripas pauwi...Pero shet!Lumiko ang mga pepekshort girls...Nang medyo mukang distracted ang putragis na aso sa basura sa labas ng bahay nila, dahan dahan kaming lumalakad na kala mo magnanakaw na nakatiptoe pa! Pero naamoy ata ng aso ang kinaing sisig ni Greta, napalingon ang hinayupak!!!!Nasa amin na ang buong atensyon niya at masama ang tingin niya.Lord!I think this is the end...Tumahol ng tumahol ang lecheng aso at lalo na kaming kinabahan. Nahinto na kami sa paglalakad. Pati paghinga nahinto narin ata...No choice na!Maghanap ng trike na sasagip sa aming buhay!!!!


                      Ilang hakbang nalang at kami na ang gagawing chew toy nung aso....Pag mamalasin ka talaga,walang trike na dumadaan(pag kailangan mo wala!Pag hindi,nagkalat!!!)...Sa wakas!Sunod sunod ang mga dumadaang sasakyan at medyo hindi makatawid ang hinayupak na aso papunta samin. Nang may dumaan nang trike pinara na namin at agad kaming sumakay...Pero nakakabuwisit talaga!Saktong pagsakay namin ng trike nakita kong bumukas ang gate ng bahay ng amo ng pesteng aso at saka pinapasok ang demonyong hayop na buwisit na ason na yon!!!!Ibig ibig ko na sanang sugurin yung among iresponsable sa pagpapakawala ng aso niya...Kaso baka ipalapa ako sa alaga niya.Banas!!!


                      Tulad ng sinabi ko, dalawang bahay lang ang pagitan kaya naman natawa pa yung driver ng kaaandar palang namin e huminto na din kabod....Alam naman ni kuya na binubully kami nung aso. Naawa ata,tsaka malapit lang din naman e siningil nalang niya kami ng tig limang piso. Wala na kong pakialam kahit 100 pa siningil niya. Ang mahalaga nakauwi kami ng ligtas ni Greta at buong buo ang mga pata!!!!HHHAaaaaayyyy!!!!


                      Kung kayo ay mga nagmamay-ari ng aso..Askal man yan o may breed, maging responsableng owner.....Parang bata lang yan!Wag niyong hinahayaang walang bantay at baka makapanakit (wala akong pakialam kahit sabihin mong harmless alaga mo!hahahaha).OO!!!Bantayan si bantay!!!Lapain ko kayo e!!!Badtrip!!!

12 comments:

Poldo said...

Yan ang gusto ko! pag may aso sa paligid tapos nanghahabol ng mga walang malay na madlang pips... mas kabado mas exciting hahahaha...

teka pwede naman sigurong pansalag yung mala-pader na hita ni greta diba?? Am jaz sayin' peace Gretaliciousss hihihi...

2ngawzki said...

@Poldo: patay ka kay Greta...ibabaon ka ng buhay non!whahahaha....

Greta said...

talagang ako ang harot!payn!effin dogs..mamatay na kasama ng langgam at palaka!

@poldo!o cge na ako na ang may malaking hita!wag mong harutin pag binanatan ka baka hindi mo kayanin mala-pader na hitang ito!!hahahah..peace be with you too!nagsimba?

an_indecent_mind said...

hek hek! natawa naman ako sa "naamoy ata ng aso ang kinaing sisig ni Greta" LOL

Ako si Yow said...

Ooohh. Nanglalapa ng amo si Ungaz. Grabe. Haha. Nangangagat. Rawr!
Kinagat niyo ba yung dila niyo habang naglalakad para di kayo mapansin at mag-ala invisible sa mata ng aso? Epektib kaya yun. Tsk tsk.

2ngawzki said...

@Greta: harot k nmn tlga...nyahahaha!

@anindecentmind: may posibilidad...phamak si greta.hahaha

@Yow: epektib,bkt gnon gwain mo?hahaha!tado lang tlga un aso..

kikilabotz said...

bwahahahaha. baka iba ang naamoy ng aso sa inyo. lam m n? ahahaha. joke joke joke. be thakful at walang ngyaring masama ^_^

AdroidEnteng said...

parang nakarelate ako dito..hehe.ako man habulin ng mga aso (sana mga chicks na lang..lolx)...pero sabi nga nila wag mo daw titingnan kapag may aso ka na dadaanan..yung tipong deretcho lang..para kasi atang alam nila pag takot ka kaya lalo sila naghahabol...

pero at least oks kau nakauwi at wala nangyari masama sa inyo...ingats ingats na lang sa susunod..^_^

Oliver said...

sayang limangpiso! haha.
pero talagang siningil pa kayo? sana thankyou na lang, 2 bahay lang pala ung tinahak nyo, hehe.

2ngawzki said...

@kikilabotz: naghugas naman kya hnd un ang naamoy(bahala ka na ano man ung snzbi ko.LOL)

@androidenteng: salamat...hehehe!pero nkktkot tlga haup na asong un

@oliver: mukang pera si kuya e...la n kmi ngawa khit isang utot lang ang lapit ng bhay nmin.tsk tsk

glentot said...

Ang sabi sa akin ni Khikhi, na may experience na ma-gangbang ng mga doggies, ay kagatin mo ang dila mo habang nagdadasal kay Poong Nazareno. Kasi sya ang Patron Saint ng mga Dogs. Ayun, try mo magsalita habang kagat ang dila mo...

Ang weird thing is, it works.

2ngawzki said...

@glentot: zge dahil si khikhi ang may sabi susundin nmin...pero mlmang za nerbyos ko mpuputol dila ko sa pgkagat.hahaha!

Post a Comment