Nakakamatay ang Stress!

               Nagpost na si sir Jepoy ng tungkol sa stress na yan tsaka kung bakit nakamamatay...Di ko na uulitin.Ano ko gaya gaya? Di masyado...Pero potaness nasestress ako!!!!


               Anong mga sensyales? Hindi, o hirap makatulog dinaig ko pa ang inlove at broken hearted....Naconstipate.Ay hindi din  pala....hahaha! Hindi makakain. Ay mali...Kain ng kain. Ilang kilo na ang na gain ko.Madalas sumakit ang ulo.Kakaintindi. At kaninang umaga nga hinimatay pa ko ng ilang beses(literal na nagblack out) na nagresulta sa sugat sa aking luscious labi at gasgas sa talukap ng mata sa sobrang hilo...Pag mulat ng mata mula sa kitchen floor(diko lam pano ko napunta don mula banyo), panic ang Ungaz at agad pinauwi ang kasalukuyang bumabasketbol (yung laro yon kumag!) na Greta....I'm alone in the effin apartment at panay ang tembwang ko. Kailangan ko lang ng witness sa aking pagkamatay (if ever). Madami tuloy naudlot na lakad at gawain. Pero maya maya ayos na ulit ako at naipost pa to....


             Ano ba kasi ang ikinakastress ko? Tulad lang din ng sa inyo...Ang mga putragis na PICTURE GREETING na yan...(hindi kaya ng isang drum na stresstabs to)Imbyerna....Sa sobrang pagmamahal ko sa inyo(wweeeehhhh) natutuyot na ko kakaisip ng konsepto (siyempre dapat iba iba para mukang nag-eport!) ng larawang gigimbal sa inyo. Kumbakit kasi nagsunod sunod pa tong sina sir Jepoy, Greta, at Kikilabotz...Trend ba to? Nakakahiya naman kasi kung magpapass ako ng mala ID picture na may nakalagay lang na Happy Birthday at Happy Annivarsary! Cheap?hahaha!!! Eepal na nga lang ako e di ibigay todo ko na.....Maghahanap pa ko ng costumes and props. Kaya kung sakaling pumanaw ako ng di oras malamang dahil yon sa stress at yon ay dahil sa inyong tatlo (nangonsensya?hahaha)...Damoho!


            Kaya naman sa March 17 (napakalayo pa...makakapagprepare ng husto) hihingi din ako ng favor. Dahil birthday ko non, hihingi nalang ako ng.....PERA!bwhahahahahaha...Mas madali diba?Hindi na kailangang pag-isipan pa.Wag magdadamot at kayo'y mababaog.labet!!!Mag-ipon na....

13 comments:

Tong-tong said...

uy ungaz ingat ka buwan ngayon ng maraming namamatay. malapit na kasi november 1. Ingats palagi there!

2ngawzki said...

@tong: aawww...sweet!d ako humhabol sa undas...hehehe!thnk u.:)

Ako si Yow said...

Hindi tuloy nakalaro ang star player at center na si Greta. Haha. Sayangness. Yan na nga ba sinasabi ko. Tigilan na ang chongke. Pagpalain ka nawa ng Panginoon. Magbalik loob ka na sa kanya. Haha.

Poldo said...

Woooosssaaaahhhh lang katapat nyan... o di kaya naman baka buntis ka!!! humaygawd!!! LOLs

Ingat ingat!

2ngawzki said...

@Yow: i just luv ruining Greta's day.hahahaha!Balik loob?mapag-iisipan.hehehe

@Poldo: Buntis?Ano un immaculate conception?hahaha...salamat

glentot said...

Hahaha ako rin na-stress me dapat magpipictorial na ako kanina sa bahay tamang-tama kasi hubot hubad na ako kaso nakatulog ako bigla paggising ko madilim na. Mga lecheng yan sabay sabay pa nanghingi. Ang masama pa eh magkakakilala sila hindi pwedeng pare pareho.

2ngawzki said...

@Glentot: hahaha...kahirap nga.Sakto na sana yung hubo't hubad mo para kay Greta(napakasimple diba).Wagi ka!

Jepoy said...

ay ang tagal...hihihi

Greta said...

you ruined our victory!nangsisi?

kung buntis ka kase umamin ka na!sinabi ko naman hindi ako manghuhusga..mamahalin ko pa ang pamangkin ko!o kaya maglubay ka na sa drugs..tignan mo napapala mo!

Oliver said...

ako din parang pera na lang hihingin ko, haha. panahon ata ng picture greeting ngaun e.

2ngawzki said...

@Jepoy: Kahapon nga sana at off ko...Kaso nga panay tembwang ko kaya rescheduled ang photoshoot.hahaha!!!stressful

@Greta: Kahit andon ka talo kau...iniiwas lng kta sa khhyan.hahaha!

hnd ako ngddrugs.pnalalaglag nga zguro ko ni mommy non.jhahahaha!joke!(bka maglit un)

@Oliver: tama..pera nlng.mgagamit pa.hahaha!piso mula sa puso bbgy ko sau.hehe

kikilabotz said...

bwahahahahaha.. nakikiuso lang namn ako eh. ahaha.. salamat ungaz ang bait mo talga . hehe ^_^

2ngawzki said...

@Kiki: Nakakalbo na ko sa lahat ng parte kkaisp ng ibbgay sa inyong lrawan...hahaha!

Post a Comment