Banal na Gabi

                         Nakita mo lang yung "banal" pusta ko, nagdalawang isip ka nang basahin tong post na to....panalo!!!!


                Nung isang araw beeday beerday birthday ni mudra (same as mama narin yon.maiba lang.) Mary.Nasabi ko lang....Kinakaray ako ni Greta na manuod ng isang libreng consierto sa simbahan(simbahan?amp!not my fave place to go.hahaha). Medyo nagdadalawang isip ako kasi kulang pa ko sa tulog mula sa nagdaang gabi ng kalbaryo kaya medyo bangenge (i'll tell you about that some other time...)  Bandang huli pumyag na din ako(kaladkarin talaga). Isa kasi sa kaibigan ni utol kasali sa choir na kakanta. Kaya kesa magtampo si kaibigang Ef e gumora ang magkapatid na hitad....


                 6:30 daw ang naturang concert.Sakto naman sa oras dating namin pero may misa pa. Narinig ko palang yung boses ng pari ayoko na pumasok.hahaha!Kaya inaya ko muna lumisaw sa paligid si Greta(umiiwas talaga sa simbahan baka masunog?hahaha.)   Matapos ang misa pumasok na kami at humanap ng magandang pwesto (meaning kita mo ang lahat pero hindi pansinin pag sumibat ng wala sa oras). Nang makakita salpak kabod kami ni Greta. Sineset pa ng bahagya yung lugar, mga lights and sound system (creepy ang simbahan pag patay lahat ng ilaw at puro kandila lang ang nakasindi...!). Nang sa wakas mukang maayos na ang lahat pinresenta na ang CIC chorale. Sila ang pinakamagaling na chorale dito. Ilang beses ko na silang napanood magtanghal at talaga namang sulit ang oras mo (saka kasama si Greta dati don kaya obligado manood.gggrrrr). 


                 Pumorma na ang grupo saka sinimulan ang pag-awit ng mga naggagandahang awitin. Sa ganda ng pagkakakanta narerelax ako kahit wala akong naintindahan kahit isa sa lyrics nila. E latin ba naman! Minsan puro dasal pa kanta.damoho!Sa tuwing matatapos kakanta nagpapalakpakan ang mga tao.... Bravo! Hanggang sa natapos na ang unang set (parang gig lang sa bar a.hahaha!)


                 Bilang pang-aliw habang break may mga nag silent acting ekek na parang miming pero hindi ko masasabing mime at hindi puti ang muka nila. Funny naman ang presentation nila, kahit ang kwento ay tungkol lang sa chewing gum na pinagpasapasahan nang kung sino sino at kung saan saan dinidikit at kung saan saan nilalabas masok (ano iniisip mo?).Natuwa na ko sa ganon.kababaw ko no? Sumunod naman, may nagethnic dance. Alangyang ethnic dance na yon!Sabog! Hindi praktisado. May nauuna,may nahuhuli, merong habang nakalagay sa ulo yung palayok yung iba nakadikit sa bewang.Magkaiba siguro sila ng choreographer...Ako na nahiya para sa kanila. 


                  Sa wakas nayari din yung mahabang commercial....Balik na ulit sa harap yung choir...Kanta kanta kanta....Pag may solo ang mga babae na nagtataasan ang boses na kala mo naipit ang mani talagang hahanga ka. Ibang klaseng talento (sila na anak ng Diyos.amp!). Pero di gaanong benta sa publiko ang tirada nila ateng(kahit makaputol litid ang bira). Sakto lang ang lakas ng palakpak. Maya maya may sumolo ulit. Tumirada ng pagkataas na nota! Dinaig ang wangwang ng ambulansya at ang tili ni Regine V. Imba talaga si ateng. Talaga namang nagpalakpakan lahat kahit di pa tapos.Don ko napatunayang mahilig ang pinoy sa birit. Yung birit na buwis buhay....Yung birit na nagkukulay blue ka na sa pagtira dahil lahat ng hangin sa katawan mo nailabas mo na. Amazeballs! Nakakailang kanta na ang choir pero wala pang party song. Yung tipong mapapaindak ako sa kinauupuan ko. Pero naalala ko pang bday pala ni inang Maria yon at tsaka nasa simbahan kaya wholesome at medyo parang dasal yung mga kanta.KJ! Sabagay sagwa namang bibirada ng poker face sa simbahan. Matapos ang kanta humarap sa audience yung kunduktor (musical conductor.pinagtawanan ako ni greta sa sinabi kong kunduktor.parang pangbus daw).Nasambit nalang namin ni Greta, "SIR JEPOY IKAW BA YAN?!" (basta yon.no explanation.hehehe!).Di rin namin natapos ang concert at late na. Tsaka antok na din kami ni Greta (at utod na sakit ng pwet ko sa pagkakaupo.hindi comfy ang upuan sa simbahan)....


                   Paguwi plakda na sa kama....at ako'y...natulog na!All in all i had a wonderful night....Naapreciate ko naman ang talent ng pinoy at aking mga kababayan(promding promdi dating a).Worth it ang pagtiis ko ng antok at pagsakit ng tumbong ko sa ngawit. abunaz! 

5 comments:

Ako si Yow said...

Ginusto ko pumunta sa concert na yan kaya lang may exam eh. Kailangan ko manood ng tv. Haha. Buo ka pa ba sa ngayon? Oh unti unti nabawasan ang parte ng katawan mo sa pagpasok mo sa simbahan? Nyahahaha.

glentot said...

Hahaha hayupppp nagpunta sa simbahan at nilait ang choir! Magkakasundo tayo. Dapat sabay tayo magsimba!

Anonymous said...

Umiwas talaga sa misa? Lols



An_indecent_mind

Greta said...

sayang sana may video para epektib diba!tsk

2ngawzki said...

@yow: bat kz umuwi kp.mgkkzm n nga tau non...tsk tsk.pnagpalit mo kmi sa tv!hahaha

@glentot: gudluck kung mauto mo ko magsimba!hahahaha

@anindecentmind: di ako plasimbang tao e

@Greta: musta naman mgvideo don ke dilim.eeksena celfone kong prang my png spotlight

Post a Comment