Raket kuno

                                 Kahapong nanahimik ang mundo ko kinamusta ako ng isang kaibigan....Si pusa(sa kabila ng pagbabanta sinabit ko parin siya dito) may inaalok. Tinanong ako kung gusto ko daw ba ng raket(shabu kaya yon o marijuana?). Naging alerto bigla ang inaantok kong diwa.Game kako!bast legal kako.Aba!pera yon no! Sige lang dinetalye niya sakin ang nasabing raket kuno na ang tanging gagawin ko lang daw ay magrecruit ng tao at kikita na ko ng malaki...Aba teka kako!Parang malabo pa sa mata ko yung ganon. Dahil naramdaman niya atang mahina ang pangunawa ko pinapanood niya sakin sa youtube ang nasabing scam raket. 


                     Anak ng tinapa!Isa nanaman palang networking scam business ang raket kung saan anik anik na herbal medicine ang ibebenta.Taragis na yan...Umayaw na kabod ako.NO DEAL!!!!


                     Hindi yon ang unang pagkakataong nasubukan akong utuin para sumali sa ganoong negosyo (kuno)...Marami nang nauna. At pare pareho lang naman ang mga sinasabi.Pare parehong produkto lumamang lang ng bahagya yung isa (5in1 coffee,ung kabila 6in1 may dagdag pampalibog na rin)....Pareho ng strategy. Sa una tatanugin ka pa ng nagdedemo "Gusto mo bang yumaman?"...HELL YEAH!Sino ba namang ayaw. Uumpisahan ka na nilang imotivate. Sa umpisa makukumbinsi ka na. Makita mo palang ang posibleng kikitain mo (kung mauuto ka) mabubulagan ka nang talaga...Maguumpisa ka nang mag day dream ng mga posibleng kapuntahan ng pera mo.hahaha!Gahaman.


                    Speaker: Hindi mahirap maging milyonaryo..Think positive!
                    Ako: (AMEN!)
                    Speaker: Eto na ang kasagutan sa pangarap mo..Sa tulong ng (insert company name here or herbal thingy)...eto ang ating mga products..
                    Ako: (confused) huh!mga damo damo nanaman?!


                    Saka niya isa isang ieexplain ang bawat produkto at benepisyo pag bumili ka at nagtake ng gamot nila. Andyang may pampababa ng cholesterol, blood sugar at kung ano anong pinabababa. Andyang may isang pampaputi na doble benipisyo na mainam sa health (pananaw ko lumaklak ka man ng isang drum non kung makutim ka talaga bigo ka.LOL).May mga sabong pampaganda na lahat ng nirereklamo mo sa balat mo tanggal puputi ka pa(ayan may pampaputi nanaman).Andyan din ang mga tableta o kape na all in 1.Lahat ng hanap mong benepisyo para sa kalusugan nasa kape nila may dagdag pampalibog pa at pampatayo (pag lempyot na si manoy at can't stand alone).Mga produktong mula sa ugat ng kung ano anong inuugatan. Mula sa katas ng kung ano anong may katas na mukang nakakatulong sa kalusugan. Susme! Tapos saka ka bibiglain ng speaker sa presyo ng kanilang mga produkto na WTF! Utod ng mahal.Tubong lugaw ika nga...Kaya ka pala yayaman!Linsyak! Sa dulo ng buong presentation niya, saka niya ipepresenta sayo ang kit mo para sa negosyo mo. ilang botelya ng gamot at ilang sabon etc sa tumataginting na halaga na 15k!!!WTF! 


                    Actually, bumagsak na ang langit ko nang banggitin niya ang pagbebenta....Hindi uubra sakin ang ganoong negosyo. Hindi kasi ako mabokang tao. Wala akong skills sa sales....Wala akong tiyaga manguto ng tao para bumili ng gamot na utod ng mahal na walang kasiguraduhan ang epekto. Ang tanging kaya ko ay manguto ng pasyente sa ospital uminom ng gamot na talaga namang kailangan, na minsan may kasamang pagbabanta (ex. "mamamatay ka pag di mo ininom yan kaya tirahin mo na!").Hindi din ako makulit o mapilit.Kung ayaw mo!Wag mo!hahaha..Kaya hindi ako yayaman sa ganyang raket....Suntok sa buwan talaga ang ganyang mga negosyo. Sa dami ng kakumpetensya mahirap bumenta. Haaaayyy!!Kahirap kumita ng pera (kahit di ko pa naranasan..)


                   Mabuti pang makapagbenta nalang ng laman...Mabilis pa kong kikita....Garantisado! (don't worry hindi ako ang produkto....hahahaha!)

11 comments:

kikilabotz said...

pwede po bang bumili ng laman? isang kilo...

may secret ako..kasali ako sa isang networking..haha

Oliver said...

hay, langyang mga networking networking blahblah na yan.
naalala ko dati dumaan ako sa may ortigas papuntang megamall, nasigawan ko pa ung babae ng No Thanks nung tinangka nya akong harangin =p

glentot said...

Hahahaha hayuuup napatawa mo na naman ako Miss Ungaz. Natry ko nang um-attend ng seminar nyan dahil sa friend kong gusto kong gawing fubu! Pinagtyagaan ko yung lecture pero hindi talaga ako pumayag sumali, kaya siguro hindi ko nafubu yung friend ko bwahahahah joke.

Pyramid ng laman, hmmm I think maraming maraming sasali!

2ngawzki said...

@kiki: anong networking nman yun?bka human trafficing(tma b spelling?!) yn a..netwrkng ng lman.hahaha!

@oliver: pinakyu mo sana!hahaha.bastos pala e...kwawa nmn ung bbaeng binoljak mo

@glentot: aun may iba plng hngarin...di k mn lng b pnatikim ni ateng ng produkto nya?hahaha!luge...

Jag said...

Akala ko ikaw ang produkto. Sayang! LOL.

Minsan din akong umattend sa mga ganyan ganyan, wala din akong time maglako este magbenta...kya para lang sa mga masisipag ang networking LOL.

Poldo said...

Parang na curious naman ako dun sa Laman na ibinebenta mo... magkano per kilo?? LOL...

perstaym hir.. May naginterview rin dati ng ganyan.. di ko pinatulan alam ko namang scam.. hihi..

have a nice day.

2ngawzki said...

@jag: kung ako produkto mauuto ba kitang bumili?hahaha!naloko na

@poldo: salamat sa pagdalaw...mhal ang produkto ko.never been used e!Hahahahaha...

Tong-tong said...

tama, say no to networking and pyramiding. yong laman mo na lang abangan namin sa avon brochures hihi

o kaya start ka sa mga fishballs :p

Greta said...

may kakilala ako ung scam sa porn site ung raket..ayun hindi naman sya yumaman, lumibog lang!


at tandaan:hindi lahat ng katas ay masustansya!

RICO said...

hahaha naku sama ako sa pagbebenta ng laman haha..tawa ako ng tawa sa entry na to..hehehe aus ! first time dito..nakakawala ng stress

2ngawzki said...

@tong: alangya..laman ko?ewness!hahahaha

@greta: at bat ka npunta sa porn site?hahaha!huli ka

@rico: salamat sa pgpunta.sige lang basa lang.hehehe!

Post a Comment