Sit!Stay!

                  Libangan ko na ang pagtambay tambay sa mall pag bagot na ko sa buhay ko o pag trip ko lang magpalamig ng kili kili...Kahit ako lang mag-isa nakakaraos akong magmall. Kahit maghapon lang akong palakad lakad at pag napagod e maniginain.Tapos manlalait ng mga tao sa mall(so lavett)! Ganon lang masaya na ko...


                  Dahil hindi naman ako gaano mahilig sa pagshoshopping (gawat kasi lagi...LOL) naging peyborit ko ang pagwiwindow shopping. Trip ko din ang pagpasok sa mga clothing stores at guguluhin ang mga display nila ng mga damit para naman may gawin ang mga sales lady na napapanis na laway sa pagtunganga. Kabuwisit kong customer no?Wala nang binili nanggulo pa..Pero hindi ko type pag nabaling na sakin ang pansin ng sales lady.OH NO!!!! Kahit saang store mapasosyal man yan o tiangge, automatic bigla kang lalapitan ng mga sales lady....Parang kang isang piraso ng karne na itinapon sa kulungan ng mga leon! "Ma'am ano po yon?" ...Panay ang alok !"Ma'am may bago po kaming stocks" o kaya "ma'am pwede pong magtry,may ibang kulay pa po"  "ma'am anong size po?"... Panay ang pang-uuto, "ma'am bagay po sa inyo yan", "ma'am nakasale ngayon yan tsaka uso"....susme mga ateng....Hanep makasales talk (sila ang bagay magbenta ng mga herbal shits!) ...Daig pa tuko kung makatutok. Bawat hakbang kasunod mo. Bawat kibot kumocomment(facebook ba?).Maiilang ka na talaga....Paano ka pa makakapamili ng matiwasay.Hindi ba pwedeng mamili in peace?!SIT!!!STAY!!Pwede namang tawagin nalang pag kinailangan mo na ang serbisyo nila.


                   Isang araw na medyo masama timpla ko...Nasa undies section ako at nagtititingin at hindi ko malaman kung bakit lalaki ang mag-aasiste sakin.Bumuntot buntot si kuya sa kabila ng bilis ko sa paglalakad, and as usual nagsales talk.Musta naman nasales talk ng undies si kuyang! Medyo nailang na ko pero deadma si kuyang.Para tantanan na niya ko(baka sakali mahiya), dumampot ako ng isang chipanggang panty. Panty na pag nakita mo, mapapa "nagpanty ka pa!".Saka ko itinanong sa kanya kung may ibang stock siya non. Pero petot ako!"meron mam.Anong size and color po gusto nyo?"NYAK!!!!Matibay si kuyang...Hindi man lang nagblush(pero dahil makutim siya baka hindi lang halata nagblush)at buong tapang niya akong inihanap ng panty na mukang sotanghon lang.Nakakaiyak!!!!!  
    
                   Nakakairita man, hindi ko sila masisi...Oo nga pala. Trabaho nila yon...Malamang kahit minsan nahihiya o naiilang din sila sa ginagawa nila,no choice sila dahil parte ng trabaho nila yon...Kaya hindi sila dapat pagsungitan. Kahirap nga naman kikita ng pera.Kaya naman,umiwas nalang sa tindahang kokonti o ikaw lang ang customer. At bilang ganti sa kanilang kasipagan, guluhin natin ang kanilang mga display....hahahahaha!


                             Thank you for coming..Balik po sila!!!!

13 comments:

YanaH said...

napadaan poh...

hahaha hindi kaya si kuyang eh hiyang sa ganung section dahil gumagamit siya nun? opinyon lang naman..

apir! apir ! apir! sa panlalait ng mga tao sa mall... hobby ko rin yan eh hahaha

pero trulagen, although kasama sa job description nila ang bumuntot-buntot... nakakaimbei much nga ang nigagawa nila

Ako si Yow said...

Awwwe. May moral lesson ang post na to. Haha.
E di pagkasi nilapitan e di kausapin mo at ientertain. Haha. Ang dami namumuryot sa mga sales lady na yan eh pwede mo naman sakyan. Itira mo yung lumang banat..

Anu po hanap nila?

Kapayapaan, Kaibigan! Sang gawi dito yun?

Panalo di ba? Oo blog ko to. Kaya madami ako nasabi. Hahaha.

glentot said...

Hahaha hayup ka talaga Ungaz!!! Maagdasal ka na lang na hindi blogger si Kuya kundi starring ka sa blog nya, ang babaeng mapili sa panty!

2ngawzki said...

@yanah: laitera ka din pala....gud job!hahaha

@yow:ano natutunan mo?hahaha!BF nga minsan hnhnap ko sa tiangge wala dn daw ung mga tndera.taragis!

@glentot: bugok siya e...inaalok pa nga ako ng mga bra na sing tigas ng bato ung foam.INSULTO!!!!!

Oliver said...

ang tanong e binili mo ba ung underwear? haha. pinahirapan mo si kuya na maghanap tapos di ka naman pala bibili. =p
may phobia din ako dyan e, ung mga lumalapit na salespeople.
ang hirap lang, pag hindi ka bibili, e lagi kang sinusundan at super assist sayo.
pag hindi ka naman bibili, saka naman walang umaassist.

Tong-tong said...

ay... hayaw ko din ng mga asungot na sumusunod.. kung makatingin para kasing mag nenenok me, at sa ibang dept naman parang pakiramdam nila makakabasag me.. nilalayuan ko sila.

mahirap na. hihi

Poldo said...

hahaha auf! kung ako naman ang salesboy na yun "sabihan mo ko ng sit and stay".... ok payn! sabay shoooo! shoooo!! tanda ko na mukha mo di ka bibili! shoooo! hahahaha joke lang ungaz..

Kung sakaling i-assist kita sa undies section meron akong freebies para sayo ako titingin kung bagay ba o hindi yung binili mo putang ina pervert ni poldo hahahaha amf!

eto talaga ang comment ko...
Kamusta ang lay-out! pang wasakan!

2ngawzki said...

@oliver: susme!dko bblin panty na un at wala nang ntakpan.hahaha

@tong: praning?hahaha!

@poldo: adik ka!hindi ako papaassist!hahaha....new look kuno.

kikilabotz said...

binili mo ba yung panty? patkin kong kasya sayo. tingin ng pics..

nakita ko nga pala yung blog n kuyang mo... andun ka..hala..ahahaha

2ngawzki said...

@kikilabotz:alangya ka!Feeling mo nman mgsusuot ako ng ganon.hahaha!pasend ng link ni kuyang.hahaha

Jepoy said...

panty na mukang sotanghon ALABEEEEEET!!!! yung picture greeting ko luto na ba? pwede mo isuut ung parang sotanghon tapos padala mo sakin bwahihihi

2ngawzki said...

@jepoy: ayan na ayan na...pinaghahandaan na!hahaha

Greta said...

nagpapanty ka pala? nakangtuch naman..bat hindi ko alam yun?!!!

Post a Comment