BERboy

                       Umpisa na ng Ber months......Sa wakas makakatikim na ulit tayo ng medyo malamig lamig na klima(dadami nanaman magbubuntisan). Sa mga ganitong panahon sabik na ang mga tao sa nalalapit na kapaskuhan. Malamang yung ilan nagtayo na ng mga christmas tree sa bahay at nagkabit na ng mga dekorasyon. Feel na feel na christmas spirit(Hoy!May undas pa)...Excited masyado. Yung iba sa inyo nagsstart na siguro mamili ng mga regalo at nagiisip ng paraan paano tataguan ang sandamukal na inaanak na umiilaw ang peso sign sa mata pag pasko!!!!!Mga tiyanak!!!!hahahaha...


                Pero ang talagang kaabang abang para sakin pag kapaskuhan ay ang CHIBOG!!!!woohhhooo!!!!Pag ganyan tiba tiba sa mga handaan.Kabi-kabila ang kainan....Ke sasarap!Pag kasi holiday season lang naghahanda ang mga tao ng masasarap na puds(kaya nga special occassion ang twag e).Para tuloy tayong nasasabik. Nakakaoverwhelm pa sa dami at pag makulay lalo nang kaabang abang!YES!!!!!! Wala nang diet diet! Bahala nang mahighblood o madiabetes! Once a year lang ang ganon. Kunyari titikim lang pero maya't maya ang balik sa mesa. Hanggang sa ang tikim ay maging lamon...At dahil hindi naman nauubos kabod ang mga handa, araw araw tinitibag mo mga left overs. Sarap! Hindi pa man nagigiling ng bituka mo yung kinain mo ng pasko may handaan nanaman sa bagong taon....Lapang nanaman (sama mo na tomaan)hangga't di ka nakocoma sa sobrang dami ng cholesterol at matatamis na inimbak mo sa katawan mo. 




               Hindi naman ako figure sonscious, tutal tanggap ko na at masaya na ko sa mala otap kong figure. Pero gaya niyo problema ko din yon. Pagtapos ng mga celebration at balik na sa normal ang lahat (yung mga mabait ng pasko,diablo nanaman ulit).Matapos ang pagpipyesta mo sa pagkain saka mo marerealize.....ANG TABA KO NA!!!!!(Pasintabi sa mga normal nang hebigat...)Yon na...Damoho!Charan!Isa kanang BERboy(baboy?hahaha..mailusot lang yung salita) .At ang #1 "new year's resolution" na ng lahat ay.....DIET!!!!Problema ng sambayanan matapos ang kapaskuhan at bagong taon ay ang pagbigat....Paano nga ba ibabalik sa normal ang katawan?nyak!Talaga namang sasama ang loob mo pagtumungtong ka na ng timbangan. At kahit anong pigil mo ng hinga, kahit tapos na ang putukan e damit naman ang pumuputok sa sikip at hindi na talaga maisara ang mga butones at zipper(kulay blue ka na sa pagpigil ng hinga).Pag-upo mo may nakalaylay na salbabida at hindi maiiwasang magbukas ng butones para maibsan ang hirap sa paghinga. Bale wala na lahat ng dinyeta mo ng isang buong taon para lang sa ilang araw ng paghataw sa pagkain....Langya!Sasabay pa ang malamig(nakakatamad kumilos at hindi ka papawisan gano) na panahon lalo nang hirap pumayat.


               At dahil sa dami ng macholesterol at nakakadiabets na pagkain na tinibag mo, sabay sabay nang nagtataasan ang BP at blood sugar level....Kaya sa ganitong mga panahon din kumikita ang mga ospital at punerarya sa dami ng mga inaatake sa puso sa katakawan....tsk tsk!


               Kaya naman sa darating na kapaskuhan at bagong taon, hinay hinay lang sa pagkain...Pakonti konti lang (may bukas pa uy!). Para naman yon sa ikabubuti ng ating kalusugan. Samahan mo na din ng ehersisyo para naman hindi ka maging suki sa ospital at maaga maka eyeball si san Pedro...


              Pero on second thought....Wala akong pakialam!Ang sarap kaya kumain...Kung oras mo, oras mo na.whahahahaha!!!Patabaan na...

9 comments:

Ako si Yow said...

Nakanaman. Napakaagang paalala sa pasko. Haha. O sige na. Di pa man pasko nananaba na ako. Anu pa nga kapag pasko na? Pambihira!

glentot said...

Ungaz ano ba talaga ang mensahe mo magdiet o lumapa? Nalito me! Pero syempre susundin ko pa rin ang nasa puso ko which is magdiet, kumain at magsisi...

kikilabotz said...

eh mas okay nang mamatay ng busog kesa mabuhay ng gutom db? ahahaha

2ngawzki said...

@Yow:nananaba ka ba?hnd hlata.hahaha!kain lng ng kain

@Glentot: hnd ko nga rin alm e...gusto ko mgdiet pero mas gusto ko kumain.hahahah!

@kikilabotz: korek..panget mmty ng dilat.kht ptungan dw ng piso talukap hnd sasara.hahaha!

Poldo said...

huwaw! isang paalala mula kay UNGAS... naks!

tama lahat ng yan at no worries ako pagdating ng pasko dahil isang makapagbagdamdaming tulog lang ang gagawin ko! oo se-celebrate ko ang pasko sa panaginip.. kaawa much..

pero ok lang... di lang naman isang beses darating sa buhay yan.. marami pa unless madeds na hihi...

ang haba pwede nang isang entry sa blog.. tsk..

2ngawzki said...

@Poldo: Malamig ang pasko mo pala..hahahaha!kawawa ka naman...di hlatang bitter ka,tutulugan mo pa.hahaha

Greta said...

hindi na ko affected...all year round naman akong mataba!tsssss

Niq said...

christmas is coming to town =)
Eto ang time na susubukin ang paninindigan ko na magdiet..hehe hmmm talo talo muna kaya...sarap ang mga food nyan e.hehe

2ngawzki said...

@Greta: hnd nmn...voluptuous ka lang...niwala nmn!Hahaha...

@Niq: wla nang diet diet....kain lng!hahaha

Post a Comment