Isang Linggong Kabaitan

        Watch your mouth young lady! Anu nanaman tooo???!!!!


        O eto kasi yon... Dahil feeling close kayo sakin, alam na alam niyo namang wala sa karakter ko ang pagiging mahinhin o mabait man lang ata.Sadyang alaskador ako (mana ke mommy V), mapanlait (oh yes! Kristine Hermosa ko.) paminsan minsan bully, at barador. Oo na, ako na muna lalait sa sarili ko. Aminado naman ako...bwhahahahaha!!!

            Usong uso naman kasi ang biruan, barubalan, bullihan sa workplace namin(kahit saan naman ata). Sumasabay lang ako sa agos. Kahit ako minsan napagtitripan. Buti nalang hindi ako pikon na tao. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako nasasaktan paminsan minsan. Kumbakit pag ako na bumirada e mga napipikon na.  Ampeyr! Kausap parin naman ng kausap sakin.jusme! gusto din e.hahahahaha!!! Minsan ang dating ata sa iba bastos na kahit pare pareho lang kami ng ginagawa. Ayoko din naman na nakakasakit ng kapwa kahit ganito ko. Sensitive nga lang ba talaga mga nasa paligid ko o ako na talaga may diprensya?


        Kaya naman i decided....MAGBAGONG BUHAY NA!!!! Diz is it!!!! I am so ready magpakatino at ipakitang kaya kong magbago. Help me Lord!


        Sinimulan ng Martes (oo dumemonyo muna ng Monday saglit)... Professional ang arrive ko. Lahat ng tao sa unit e tinatawag kong SIR ko o MA'AM instead sa na tawagin sa mga makapanyurak na pagkataong bansag na ako din ang me pasimuno, which isn't normal para sakin kaya don palang nagtaka na ang mga hitad na workmeytz. Kesyo anong problema ko?Hindi naman daw ako ganon.Bawal magbagong buhay?Kayo lang puwede?Maygad! Pero dahil mabait nga ako kinimkim ko ang kumentong barubalness.Yaan mo nang magkasala ako sa isip wala nalang akong napikon.bwahahahaha!!!! Mahihiya ang mga bata sakin kung maka PO at OPO ako. oha! Mas nakakabuset pa nung kunyari akong tumino e. hahahaha!!!


       Buong araw behave ako to the point na para lang akong computer na ma-lag sa bagal ng response. Iniisip pa muna kasi ang mga salitang bibitawan. Impernez ang hirap pala talaga pag hindi ka sanay. Lilitaw at lilitaw ang tunay na kulay. Nadudulas din paminsan minsan.hahahaha!siyet. Pigil na pigil talaga ko manakit ng katawan at damdamin.hahahaha!!! Pwedeng awardan ng MOST BEHAVE

       Araw araw nagpapakatino ako. Hirap na hirap man pero kinakaya ko. Kahit anong buyo ng mga taong bumalik na ko sa dati e hindi ako nagpatinag. Kakayanin ko to! Todo pigil ako sa pagkumento pag nagbibiruan sila. Malamang kasi pag ako na kumibo makakalast touch nanaman ako at baka umuwi akong lumpo after.nyak! Hindi ako makapagbitaw ng green jokes (imagine gano kahirap yon), o gay jokes, negative comments, waley din bad words...Parusa much!potashet lang na kaartehan ko. bwhahahahahaha!!! Pag ako na napagbalingan ng apihan kebs lang. Di ako lumalaban...Pagkakataon na nilang gumanti. Sige lang! Ngiti lang ang kaya kong isagot sa kanila.ayun o! 


      Pero pagdating sa bahay lahat ng naipon kong kasutilan e kay mommy V, Greta at mga kapamilya ko naibubuhos...Naloko na. Wala din!pfft!!


      Matapos ang isang linggo.... SUMUKO DIN AKO! (insert makagunaw mundong EVIL LAUGH here). May expiration date ang lahat. Hindi ko pala talaga kaya. Pasensya naman.... Eto na yon e. Ipaubaya niyo nalang ke Lord ang pagpaparusa sakin. May karma din ako don't worry. Sa ngayon pagtiisan niyo muna ko. hahahaha!!! Pwede ding suntukan nalang!


       Pinagmunimunian ko na to. Eto nalang, I promise to try my best na bawasan ng konti ang pagiging buset ko... mwah! Labya all...


      




*BALIK HIATUS MODE NA ULIT....


       

5 comments:

KULAPITOT said...

hahaha..... masaya kya mging buwiset paminsan minsan

YOW said...

Hahaha. Mahirap na kasing itago ang sungay kapag nakalabas na ng tuluyan. LOL. Okay lang yan, mamimiss ka din naman nila pag hindi ka na ganun. Alam ko namimiss niyo na din ako kahit super contrast tayo ng character. You know me, I'm so behave.

glentot said...

kakamiss ka naman ungaz

Jag said...

Ok lang yan kaya mambuwiset ka pa LOL...

Ungaz said...

@kulapitot- amen brader!!!

@Yow- oo naman a!Miss na miss ka na namin...ang balahura mo kaya!LOL

@Glentot- o e di namiss din kita idol.oha!LOL

@Jag- ay susundin ko yang payo mo na yan...hahahaha!!alavett!:)

Post a Comment