Pangarap na di Maabot

              Hindi ako reklamador na trainee...Kahit anong schedule mo ko isalpak okay lang. Kahit halos araw arawin ni egg nurse ang midshit (oo midSHIT talaga) duty ko, kebs lang....Ako na utod ng bait. At dahil sa utod ko ng bait, sa lahat ng kasamahan ko, ako nalang ang di pa nakakaranas ng mahaba habang pahinga.3 days off diretso...


              3 days off na diretso ang pangarap ng bawat isa samin. Kami na mababaw! Sa araw araw na magduduty ka ng halos hilahin ka na ni kamatayan sa pagod e papangarapin mo talaga yung sunod sunod na off...Konting sakripisyo nga lang. Straight 5 days kang duty. Susulitin muna katawan mo sa pagod bago ka palasapin ng saraaaaapppp...


              Anyway sabi ko nga ako nalang ang sa aming lahat ang di pa nakakatikim non (yung off hindi yung ano!). Sa tagal tagal ko sa charity work ko hindi pa ko napagbigyan ng 3 days off na dirediretso...Ngayong February sa wakas napagbigyan...Excited na kong tumengga at bakasyon mula sa shitty duty ko...3 days din yon. Pumlano pa ko ng bonding namin ni Mommy V after my laundry duty.Nang.....potanginang volunteer's meeting sumakto sa ika-3rd day ng off!nyeta.late ko na nalaman. Sa impaktong ospital pa naman na yon BIG DEAL masayado ang pag-attend ng meeting na yon. Kahit yon at yon lang din ang paguusapan.pfft!! No choice na.Di pwedeng di dumalo sa linsyak na pagtitipon. Inilipat ko ang off ko at jumuty nalang nung araw na yon. Sayang pamasahe ko kung pupunta ko ng citey para lang sa meeting na yon.hmp!


             Today is the said date. Masama ang loob kung pumasok at nakaset ng nga sa pechay ko na off ko ngayon...Nagumpisa ang meeting. Humarap na kaming lahat kay "Tiyang" (yan ang tawag namin sa aming chief nurse.sssshhhh!!!)...At inumpisahan niya ang meeting sa pamamagitan ng isang matinding.........BIBLE STUDY!!!Nakang! Di nya ko sunugin sa kinauupuan ko. Matapos niya kaming subukang hikayating magbalik loob sa Diyos at mukang alam niyang bigo siya tumungo na kami sa main event of the meeting. Madaming pang intro si tiyang. Ang iginising ko pala ng utod ng aga, ang ipinagpalit kong off, at ang pinakamahalagang bagay pala na dapat imeeting ay.......ang nyetang PROPER HANDWASHING! Langya!Peste!Potakels!Shetness to the nth power!!!Hayup to the highest level!Yon lang!!!! Yon lang!!! Kabisadong kabisado na namin yon na minsan ikinakabangungot na ng bawat nurse! Alam na ng lahat yon e..maryosep!!E kahit safeguard kinocommercial na yon. Nanood nalang sana ko ng TV. Parang nanadya pa talaga si tiyang sabay sabay niya kaming pinaghugas kunyari ng kamay habang nagbebelt out ng HAPPY BIRTHDAY! Omaygad!!Kill me now! Masakit sa tenga marinig ang at least 20 kataong kumakanta ng Happy Birthday na kala mo nasa lamay at wala pa sa tono. Billionaire nalang sana kinanta o kaya Just the way you are o dirty bit .kahit ano maiba lang!!!! Pathetic!!!!


               Yon lang ang ipinagaksya ko ng off...handwashing! At dumagdag pa sa siphayo ko sa pamiryenda sa meeting. 1 SMALL PIECE OF PANDECOCO BREAD...Di ka man lang matitinga, hindi pa pinamigay ang kape. ANO BAAAAA!!!!! Pano kung nabilaukan kami sa gagakulangot na tinapay na yon?che!!!


               Once again...Bigo matupad ang pangarap ko. Sayang ang sakripisyo at effort. Next month susubukan ko ulit makamit ang straight 3 days off. At kahit sampung meeting pa maganap para humadlang sa pangarap ko, HINDI NA KO AATTEND!!!

When it Rains...it Pours....

                 This is not a funny story...It's a shitty, worthless, boring story!


                 Kagabi....I had a shitty dream na muntik ko nang hindi ikagising kaninang umaga. May multo daw sa kwarto at muka namang harmless. Kaso multo parin siya kaya lintek scary. Sa takot ko, akalain mong marunong pa pala ko magdasal kahit sa panaginip para mapaalis ang nilalang na di ko makita pero alam mong andon.amazeballs! Wa epek ang prayers at mas umepekto ang pagtakbo at pagtatago sa ilalim ng daster ni mommy V!Yon ang bangungot talaga.next!


                 Kaninag umaga....Maaga kong nagising mula sa impaktong bangungot. Kaya naman maaga kong gumayak para sa duty. Sakto alis ko ng bahay. Tantyado kong maigi oras at sure ball na hindi ako malelate...no way....Kaso pag labas ng bahay....may strike ba mga jeep ngayon?Wala halos dumadaan. Potaness! Lakad naman ako ng mga 10 years lang tapos nasakay din sa wakas. Pero pag sinuswerte ka talaga...may kabuwisitan si manong driver! 15minutos ng buhay ko ang inaksaya niya kahihinto para makahanap ng sakay. Leche! Di naman ako nagreklamo at baka masama lang masabi ko ibaba ako ni kumag. Panay palatak at parinig ko kay manong. Deadma!Gang sa matanggap ko nang malelate talaga ko. Tangena mo kuya! Malapit na ko bumaba pero lalong bumagal takbo ni kuya. Ampota nagtetext."eow foeh!!lafet na meehh" potangna ka kuya anong petsa na! Papatayin na kita!!!Bumaba na ko at sumakay ng trike. Pinagmadali ko si kuya at mainit na panahon lalo na ulo ko. Pagdating ng hospital balak pa ni kuya magaklas sa bayad ko. Natakot lang sa muka kong muka ng papatay any moment....I THEREFORE CONCLUDE SI UNGAZ AT ANG MGA TRIKE AT JEEPNEY DRIVERS AY NEVER MAGKAKASUNDO!


                 Pagsalpak ko sa unit....Madilim ang muka ko. SADAKO look alike. Dagdag mo pa panlalagkit ko sa mainit at stressful na biyahe.watdapak talaga!!!! Maya maya nabembang ako ni egg nurse.  Yey!.Pambihira hindi muna ko pagpahingahin   At hindi dahil sa late ako.  Dahil sa isang pagkakamaling nagawa ko na muntik nang ikabawas ng sweldo niya...oopppsss!!!sorry naman. Hindi naman ako nahurt masyado sa sermon nya kasi ibang klase magsermon si sir. Pajoke at malambing ang tono.Nakasmile pa. Di mo mafefeel na sinasabon ka na kinoclorox ka pa.Di ko malaman kung nangungunsensya. At dahil paksyet ang araw na to damay damay na lahat sa isang maliit pagkakamali. Ang ending napaiyak ni sir ang tatlong dilag. Oo kabilang na ko don...Nakakasama talaga ng loob. Isang maliit na bagay pinalalaki at pinalalala pa ng mga taong walang utang na loob. Oo kayo yon mga taga Phil Health! Nagiinarte!CHE! Nakakita ka na ba ng mga nurse na nagduduty mugto mata mukang mga nakahigh?alabet!so great!!!


                   Hapon....Tapos na drama MMK style. Balik sa dati parang walang nangyari. Gaguhan mode ulit. Bati bati na mga hitad....


                  Kaya naman bago umuwi kabado ako...Ano nanamang kamalasan ang naghihintay sakin paguwi?! Malamang kako mamamatay na ko...Awa ng Diyos nakauwi ako ng buhay ata walang aberya. HIMALA!!!!!


                  Napakashitty na araw naman talaga nito para sakin....Bat nga di ako maiiyak! Binangungot na, nalate pa, nabembang pa...Why o why Lord?!!!!Pinaparusahan mo na talaga ko...Lahat ng kamalasang yan ay....INUMPISAHAN NG PAGPAPAKAMATAY NI ANGELO REYES!Maisingit lang. May masisi man lang.


                 Go! Start na kayong magcomment na puro shitty lang ang binoblog ko.....LOL!Sensya naman.

Masakit kuya?

              Hay...Pagod ang lintik na Ungaz.Pang-ilang duty ko na 11am-7pm...Reklamador!

              Hindi pabor sakin ang paguwi ng past 7pm...Alam niyo namang sa kagubatan pa ang uwi ko kaya ang biyahe patungo sa kuta ng mga mangkukulam e madalang na pag ganong oras (marunong din matakot ang mga drayber sa aswang!)...Kaya nitong mga nakaraang araw pahirapan ang paguwi ko. May galit ata sakin si egg nurse puro ganon duty ko.hmp! 

              Bawat biyahe patungo sa amin e precious! Wag mong palalagpasin ang isang jeep at tiyak na maglalakad ka pauwi. Kaya naman nang pauwi na ko hindi na ko naginarte pa at sumakay na sa unang jeep na nakita ko!!!!Grab! 

              Pag-upo ko sa jeep salpak kagad sa tenga ang earphones at relax relax muna sa makabasag tenga kong sounds. Kebs na sa mga pangyayari sa paligid...Maya maya, pansin ko parang ang tagal naming nakahinto. At ang mga pasahero panay ang tingin sa labas....May delubyo ba?! So ako naman tinanggal ang nakasalpak sa tenga and nag look to the left...CHARAN!!!!Ang potek na kundoktor ng jeep namin e kumakana ng boxing! Nakipagbasagan ng matagal nang basag na muka sa mga trike drivers. Di ko alam kung anong pinagsimulan ng away...Dahil ako si miss sungit, ako pa nairita. Naantala ang biyahe e trip na trip ko na humimlay...Naisip kong lumipat nalang kaya ng jeep. Sakto naman at yung kasunod na jeep e dadaan din sa aming lungga. Bababa na sana ko ng.....Potakels!!Walang drayber yung kasunod. Nainggit ata si kumag jumoin pala sa rambol.Pambihira!!!! Hintayin ko na nga lang sila mapagod magpatayan! Hayop kayo kuya!

                Maya maya naawat din ang mga impakto. Tuloy ang biyahe. Sumabit na si kuyang kundoktor na watdapak ang itsura! Duguan at mukang bangkay na nakatayo. Pinaupo na si kuya sa loob. Impernez magkatapat kami. Si kuya duguan...At dahil nakauniform pa ko ng puti, tinitignan ako ng mga pasahero parang inuubliga kong gamutin si kuya. Kaya ayoko ng may gulo pag nakauniform e.Nak ng!Deadma...Sound trip lang ulit sabay yuko. Maya maya inaabutan ng ateng sales lady si kuya ng isang boteng alcohol at sandamakmak na bulak. WOW!!!Gel scout.ready..dinaig pa ko. Kahiya naman ako pa man ang naturingang nurse at nakauniform pa.Nakonsenya ko ng bahagya kinalkal ko ang bag kong putok na putok baka sakali may something na pwede ipangtulong. At ang tanging nahagilap ko ay.....ISANG SMALL YELLOW CHECKERED BAND-AID!Pag tingin ko sa sugat ni kuya, wala pang kalahati matatakpan ng band-aid ko. AKO NA WALANG SILBING NURSE!! Ang laki ng bag walang kwenta laman!Amp! E tutal la na ko talaga maitutulong pinanindigan ko nang matulog sa biyahe. Paggising ko, nasa tapat na kami ng single ladies house...PARA PO!!!At bago ako bumababa, masama ang tingin ni kuya....

                 E sorry naman kuya! Di ako handa...Kaw naman kasi.whahahahahaha!!!!Bawi ako next time. Ipagdarasal ko nalang na gumaling na kagad mga sugat mo...Wag ka na ulit makikipag-away a...Ingat!!!!

                 Fact: Pag nakauniform ako ng puti, nagdarasal ako na wala sanang sakuna, gulo, o delubyo ang mangyari. Alam nyo na bakit...LOL