Ishesheyr ko sa inyo ang isang
memory na hanggang ngayon e ikinatatae ikinakikilabot parin ng pagkatao ko…ulk!!!
Nakatira pa kami non sa Menela (oh
ya dats rayt!Menela girl pa kami ni Greta non!)… Isang summer nagbakasyon ang mga pinsan naming
mula sa gubat (ngayon pare pareho kaming nasa gubat) sa Menela…At dahil nataon
naman na nagbabaksyon din si Mommy V galling sa pagiging dancer sa Japan
(maaaring hindi ito totoo), napagtripan nila kaming ilibot. At ang napiling
destinasyon ay………….FORT SANTIAGO! How…how…how…educational?
Kebs na sa lugar. Bata palang naman
kami non! Basta libot okay na.... Kahit sa kanto lang ang punta basta
masakay lang ng kotse, bus, van, taxi, tricycle, kalesa, bisikleta o gulong
masaya na.
O e di naglibot nga kami sa Fort
Santiago… Papicnic picnic. Walang kamatayang picturan. Takbo, lakad, takbo,
lakad…E ala naman ibang magagawa don! Hanggang matambad ang mata ko sa isang
bagay. TAE! (o diba bulgaran lang!)Yey! Alam mo yung tae na binebenta sa Blue
Magic? Yon na nga…Yung pinatigas na papel na kinulayan ng mukang timang na
yellow..o brown..o yellow brown.A basta yung mukang tae. O anyway may tindang
ganon don sa Fort. At dahil likas na buset lang talaga ko non, gusto ko
magpabili kay mommy V non. Naisip ko pag meron ako non ilalapag ko sa damuhan
malapit sa mga TURISTANG PORENJER! E tignan ko lang kung di pa non nauso ang “IT’S
MORE TAE SHITTY FUN IN THE PHILIPPINES”… Panay ang kulit ko ke mommy V. Buong araw ata
akong nagpawis, nagpaasim at naglupasay at nagmuryot para bilan ng pekeng tae.
Ala! Bigo ako as usual….
Dumaan ang buong araw na masama ang
loob ko… Nasa sanib mode nanaman ako non! Hanggang sa uuwi nalang kami iniisip
isip ko pa ang potek na tae na yon.
Palabas na sana kami ng gate ng Fort. Lakad lang ako ng lakad habang
nag-iisip… Tae tae tae..di ka napasa akin.. insert bubble head here..."Bababa kaya presyo ng gasoline?..si
marvin ba talaga at jolina?...bakit kaya mukang siopao si Mara muka namang
sandok si Clara. Pero yung TAE talaga e. Sayaaaaaang!!!!!! " Habang tumatakbo yang mga yan sa isip ko, sa
dulo ng napakahabang daan patungo sa gate panay ang hiyaw at kaway ng mga
kalesa drivers. Kala mo nakakita ng artista! (nagfefeeling na ko dito).. Di ko naman naiintindihan!Panay pa turo sakin. Punyeta!Hindi po
kami sasakay anu be! Hindi din po ako si Kristine Hermosa, kahawig ko lang! Sige parin sila sa paghiyaw. Jusko naman di ko sila maintindihan. Kebs lang! Anu kaya problema mga yon?! Diretso pa ko sa paglakad (nauuna ko kila mommy V). Hanggang sa kalabitin ako ni erpats sabay turo sa paa ko…
charan!!!!NAKALUBOG ANG PAA KO SA ISANG TUMPOK NG MAINIT INIT AT SARIWANG TAE NG
KABAYO!!!!!!!!!!!!!! (oo nafeel ko ang init) Itsura ng paa ko? Parang taeng tinubuan ng sapatos. Jusko
di ko malimot! Spell shit.. ako na yon! Ampupu!!!
O e di potashet lang! Nakakahiya at
nakakabwisit! Bago pa naman yung sapatos ko non. Napakaluwang ng daan sa
dadaanan ko pa natapat yung tae na yon. At kaiisip sa lecheng laruang tae hindi
ko napansin ang tunay na tae ahead. Ampupu!!!Kaya pala nagwawala yung mga
kalesa drivers e winawarningan ako. E di ako na timang! Ako na sikat…. At
habang lugmok ako sa tae enjoy na enjoy lang na tumatawa ang buong pamilya ko. Ang
sweet lang!!!!
Umuwi akong amoy tae ng kabayo…Yun
na! All in all masaya parin ang libot ko. At least paguwi ng mga pinsan ko sa
gubat may ikukuwento silang katangahan ng pinsan nilang menela girl sa mga kamag-anakan
at paulit ulit itong aalalalahanin habambuhay…Ang saya!
Lesson Learned: “ Life is literally
full of shit”…LOL!
Hanggang sa
muli…Labya!
eto yung pinagkakamatayan ko non...!@#^&*(&^#!@~!!!!!