Pebrero taong 2000…Buwan ng mga
kulang kulang (wag na umalma…in denial pa a!). Isinilang ang kauna unahang
pamangkin ko………sa pinsan (walang matres si Greta para mabuntis!). Anak ng pinakagurang pinaka ancient pinakamatanda (wala nang ibang term talaga para diyan!) naming pinsang si BOGA*.
PIA* ang pangalan ng napakagandang sanggol na mana sa ninang na Ungaz (ehem!) na bunga ng maagang pagtugon ni BOGA sa matinding tawag ng........calling ni Lord. Immaculate conception! PAYN!
Si pia ay ipinanganak na maputi resulta ng diet na sprite at siopao ni Boga nung naglilihi. Naniniwala akong epektib ang diet kung gusto mong pumuti ang ipinagbubuntis mo at walang kukuhanan ng puti kay Boga no!(wag na kumontra boga). Cute naman ang naturang sanggol kahit tatatlo hibla ng buhok at parang laging sumasagap ng signal ang tengang harang.Anyway, isa ako sa mga napiling ninang. Isang pagkakamaling nagawa ni Boga.
Teenager pa ko non..Preysh na preysh at super virgin sa pagiging tita at sa pagiging ninang. Kaya naman excited ako at ako e napili. Plus natutuwa naman ako at may dagdag na maganda sa pamilya bukod sakin. Nakakapagod ding ako lang maganda sa pamilya sa tinagal tagal.Kidding aside, masaya lang talaga ko truly madly deeply...blah blah blah!
Sa sobrang saya, taranta, bugso ng damdaming malibog kangkarot teenager (hindi nagiisip), bumugso din ang kaUNGAZan ng bibig kong walang kasing saluyot sa dulas. Nasambit ko ang mga katagang "PAG 30 NA KO AT WALA PA KONG ASAWA AKO ANG SAGOT SA DEBUT NI PIA*!"...O e di napotashet na buhay ko! !Fotaness! Parang tinaningan ko buhay ko sa ginawa ko. Para na kong FRESH MILK na may expiration date...
Sa kasalukuyan e 20 21 25 years old na ko....Nalalapit na ang takdang panahon wala pa kong makakaladkad sa altar. Kung sa pagsapit ng aking 30th birthday wala pa kong lalaking nauuto, nauupahan, nagagahasa o nabibili non,gagastos ako ng halagang katumbas ng isang bonggang kasalan para sa debut ng pamangking hudas! Dagdag stress sa nanunuyot kong matres!Pak diz! Maswerte lang talaga ko sa lablayp e no. Pahamak na buhay to!Meron ba kong mauuto diyan bago pa mahuli lahat?Hahahahahaha!!!Wag na uy!Maske!!!!
Joke lang naman kasi sinabi ko e sineryoso masyado ng hitad na Boga. Hindi kaya niya naiisip na PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN?Uto uto din e no?Bwhahahahahahaha!!!!
Wala naman akong balak tuparin ang sinabi ko...Bakit?!Wala ba kayong nasabi na dala lamang ng damdamin?! kam on!Tao lang din ako...
MORAL LESSON: THINK BEFORE SAYING SOMETHING....