Araw ng HINDI NA UULIT!

                Hala sige sa tagal kong nawala parang feeling ko bago lang tong blog na to. Sige iupdate ko naman kunyare (as if may nangyaring kaiga igaya at kashare share). Para medyo maexercise naman tong utak ko at sa sobrang tagal di naexercise para siyang tiyan na nawalan ng abs.pfft!

                O ere na muna. So recently as in yesterday kasama ang aking mga butihing kasamahan sa simbahan (nagmadre na ko...weeeehhh!!!), tinungo ng mga promdi ang maynila para umattend ng isang seyminar on family planning.choz! Tutal libre naman kaya sumabit na ko. 5 am ang napag kasunduang call time (artizta?!call time?!) at may kalayuan ang Menela. Maaga kong gumising at gumayak bago pumutok ang araw! At dahil ilang bundok,ilog,bukid at sapa ang layo ko sa meeting place e nalate parin ako.... tsk tsk!

                Pagdating sa meeting place may van na nakapark sa gitna ng ospital. Hindi ako sure kung yun nga yung sasakyan namin pero sige nilapitan ko keri na kung strangers ang laman ng nasabing sasakyan. May tendency talagang makidnap ako e no. Tama naman pala ang nilapitan kong sasakyan. Pagbukas ng pinto...BOOM! "hi sexy!" Si itago nalang natin sa pangalang mother superior ay literal na laseng. 5 am....Lasing! At sa tabi nalang niya ang natitirang pwesto. siyeeeeeettt!! Oh well natulog lang naman kaming lahat sa biyahe.

               Pagmulat ng mga mata ko punas punas ng laway tanggal tanggal konti ng muta ayon nasa venue na kami. Nakarating kami ng ligtas at on time. May tama parin si mother superior at susuray suray lumakad. Para lang kami may alagang pre schooler...

               Paikliin na naten.. CR.Seminar.hikab.hikab.ginaw.nakita ko si pinsang boga.hikab hikab.nagbabawal ng lasing.evaluate seminar.nayari seminar.kuha certificate.nagbawal ng lasing.CR.picture picture.nagpaalam ke pinsang boga.etc etc. yown! HINDI NA KAMI UULIT umattend!

               Matapos ang seminar. Eto talaga palagay ko pakay ng lahat. Ang lumibot! Sugod ang mga sabik na promdi sa peyborit mall ng bayan. MOA!!!! yipee...Excited ang lahat dahil tirik na mata namin parepareho sa gutom.(insert tunog ng kumakalam na sikmura here).

               Siyempre paminsan minsan lang ang luwas (luwas talaga. kaaliw!) kaya napagkasunduan na magkamatayan na hindi kami kakain sa mga sumusunod na kainan JOLLIBEE, MC DONALD'S, KFC, GREENWICH, CHOWKING! Impernez hindi nga kami don kumain... Food court ang kinabagsakan namin!PAMBIHIRAAAAAAAAAAAA!!!!!! Utod kasi ng dami ng tao kaya lahat ng bet namin kainan e puno na. Kesa magpicnic kami under sa tirik na tirik na araw sa tabi ng malansang dagat at maghintay maheat stroke e pinagtyagaan na namin ang food court.pfft!

               Ilang ikot at kendeng pa nagkahiwa hiwalay na kami... Ang mga ina (Leanne at Lani) nagpunta sa kid's section ,ako at ang head namin na si ibana kerengkeng sa kerengkengan napunta at ang mga boys na sina mother superior, buret at arminda ay pumalaot para mag ice cream sa DAIRY CREME (bright child pinaghalo ang DAIRY QUEEN AT KRISPY KREME). Parang butter lang....

               Matapos magshopping ni ibana kerengkeng at nang magtagpo na kami ng tag team na mothers e napagtripan naming pumila sa J.Co donuts and coffee. Tutal minsan lang kami mapunta don why not maki uso. As you all know tong J.Co donuts na to e pinipilahan talaga... Kung baket e hindi ko alam. Kesyo mas mura at mas masarap sa krispy kreme. Tinapay lang din naman yown na may butas sa gitna. O anyway para di masyadong mapagiwanan at para balang araw may maikwento kong kahihiyan sa anak ko (huwaw umaasa!) at para masabi lang na nakatikim din ako e nakipila pila din kami don. Curious din ako kung may ginto ba nakapaloob at masyadong pinagkakaguluhan.

              E fyutang na! Mag iisang oras na ni hindi ko pa malapitan yung pinto....Overnight kaya mangyayari?! Kada sampu siguro nagpapasok yung guard. Pero sa dami ng pumapasok parang kokonti ang lumalabas.Magic?! Malapit na sumuko si ibana kerengkeng. Kaya pala e puputok na pantog niya. Kesa mawala siya sa pila mas pinili niyang masira bato niya. husay!(babala!wag tularan si ibana). Konti nalang ayan na...Tagktak na pawis ko sa lahat ng sulok. Manhid na binti ko sa sakit. Isang kintod nalang nasa loob na ko. Nagpapasok na yung guard. Awa ng Diyos naputol saken.leche!Hintay pa ulit ilang minuto. 

              Matapos ang matagal na paghihintay at mukang tangang pagpila, nakabili din kami... Sa wakas! Mayabang kaming lumabas ng store bitbit ang kahon na nagisisimbulo sa tagumpay namin. Ang pakiramdam? HINDI KO NA UULITIN TO KAYA DAPAT MASARAP TONG DONUT NA TO!!!!

              Nang magkita kita kami nila Buret sa van para kaming mga sundalong nakaahon sa madugong labanan. Nyeta! At para makumpleto ang gala it's picsyur picsyur teym... 

             Lakad lakad lang kami sa seaside parang nasa luneta lang habang panay kuha ng picture namin si mother superior na mukang nalipasan na ng tama ng alak (Salamat Lord! Muntik ko na siya itulak sa dagat).

             Konting lakad pa, tong dalawang kasama namin nakakita ng ride/rides (anuman tama). MAGIC DANCE! Pangalan palang kabado na ko. At mas kabado ko nung makita ko yung putres na clown na nakatore sa gitna. Senyales na hindi dapat ako tumuloy. Wala akong tiwala sa clown! Nakahinto ang nasabing ride kaya walang may alam samin pano mechanics non. Pikit matang bumili ng ticket sa halagang 75 at sumunod sa karamihan. Nag-aalala ko na baka mala alog itlog ang tactic ng sasakyang to dahil kasalukuyan akong lunod sa tubig ng mga oras na yon. May tendency na masuka ko. ahahay!Bahala ni si Lord.

             Nagsimula na ang putres na ride. Ayos ah! Masaya siya. Taas,baba,ikot. keri pa!sigaw sigaw konti para mukang natithrill. Sabi ko pa "ayoz naman di masyadong katakot!weeeee". Teka parang bumibiliz. E taena!Bumilis,umakyat,bumaba,umikot,umalog,nagkapalit palit ng anggulo habang umaalingawngaw sa ere si T pain o si busta rhymes. Sa hilo ko hindi ko na alam! Sa gitna ng kaguluhan may parang kumabyos na bakal.HUTANA WE'RE GONNA DIE!!!!! Nararamdaman ko na rin na parang gusto nang pumunta ng langit ng kaluluwa ko hindi ako kasama.Sinubukan kong ipokus ang tingin sa clown para mawala ang hilo pero napalala pa! istap eyt na! Maya maya pa huminto na.We survived... Medyo hilo pa kami pag baba. Parang lasing lang na di makalakad ng diretso. Kanya kanyang kanyang reklamo at payabangan "nasusuka ko" "nahihilo pa ko" "nanginginig pa ko" "naninigas na si buret kanina" "hundi naman nakakatakot" blah blah blah!

            Pagbalik ng van......Pauwi na. Tahimik ang lahat. Non palang namen naramdaman ang epekto ng sinumpang ride. Siyet! Nagtutunugan na ang mga supot. Mga nakaready to blow! Parang lahat ng kinain ko since birth gusto lumabas at bawat kaldag ng van ibang torture ang dulot. At natuklasan kong ang tanging epektib na posisyon para sa bumabaligtad kong sikmura ay ang fetal position. Muntanga lang! At napagkasunduan naming lahat na HINDI NA KAMI UULIT.

            Sa sobrang pagod wala na kaming ibang nagawa kundi matulog buong biyahe...ZZzzzzzZZ!!!! 

            So yan nalang muna for now...til' next time. Labya! 

P.S.

     i strongly recommend you try that ride! bwhahahahahaha!!!! Di talaga dapat nagtitiwala sa clown!