Since wala akong magawa at medyo may katagalan narin nung last ako nanlait nambully nagpakilala sa inyo ng mga tao sa paligid ko eto muna....
Introducing Macky aka buret, aka kuya, aka makipot, aka jomari at marami pa siyang aka na di ko na babanggitin at di tayo matatapos. Trust me sa dami niyan isa lang diyan banggitin mo lilingon yon.
Tong si Buret (fave alias.hihihihi) ay isa sa pinakamabait naming katrabaho at kaibigan. Kung anong kakulangan ng buhok niya, siya namang ikinalago ng kabaitan niya. At kung anong ikinaiksi ng biyas niya, siya namang ikinahaba ng pasensya niya. Di masyadong pikon. Kahit napapagtripan na dedma lang. Di ko lam kung sadyang mahaba pasensya niya o kami na pinagtitripan niya. badtrip din e no! Pero trust me, gustong gusto niyang binabastos siya. Insert flashback here "Sige nga mam,bastusin mo ko!"... Gusto rin e. Pagbigyan!
Dahil sa kanyang pasensya at taglay na kainosetehan (kunyari) peyborit siyang pagtripan ng karamihan. Isang araw..... (insert fairy tale voice over here). Habang abala ang mga tao sa kanilang pagtatrabaho nang biglang......tttooooooooootttttt!!!Nagkandamatayan ang makina!Biglang dumilim ang paningin paligid ng beri beri light!Relax! Hindi to horror.Nawalan lang ng kuryente. Saglit lang naman ang kadiliman, maya maya pa bumalik na ang liwanag.
Kausap ni Buret ang isa sa mga clients, "oo mommy nagbrown out kasi e!"..... Biglang sabi ng isa, "sir mac!Hindi brown out!Brand out!". Boom! Sa hindi malamang kadahilanan walang warning, walang pasabi nagkaisa ang buong bayan, nurse at pasyente na paglaruan saglit si buret. "oo nga sir!anukaba!brand out hindi brown out!Nakakahiya ka!". To namang si buret "oh?!nakakahiya!!!hindi ko alam.huuuuyyy!!!"
O diba?Maniniwala kabang ganon siya kadali at kabilis linlangin?! Ilang oras din ang nagtagal. Nalugmok na sa hiya si buret kakakutya namin na mali ang brown out niya. Hindi parin niya ramdam na napapagtripan na siya. Ere pa matindi ,"all my layp akala ko talaga brown out!Nakakahiya!tapos pag gabi black out" at akala pa pala niya ang brown out e pang umaga hanggang hapon at pag sa gabi nawalan ng kuryente black out! Huwaw! May schedule pa pa pala vocabulary niya. Imba! Ahahahahaha! Nakakatuyot ng matres talaga...
Hindi din nakatiis si Buret. Bago pa siya makapagdesisyong magpakamatay dahil sa khihiyan sinearch pa talaga niya sa ever reliable na WIKIPEDIA ang brown out. At don natapos ang agam agam niya. Tama naman pala ang term niyang brown out. Ang mali lang talaga niya e nagtiwala siya samen. Hahahahahaha!!!Gayun pa man hindi masyadong nagalit si Buret. Ganon kabait yon kaya naman mapalad kami sa kanya.
Marami pang bloopers at tricks yang si Buret. Hindi mauubusan! Pero kahit madalas naming ginagawang pet toy yon e lab na lab namin siya. Yak!Sorry di ko mapigil..hahahaha! Salamat nalang at andiyan si Buret na napapasaya kami ng walang kaeffort effort. O awat na puri at malamang pag nabasa niya to e umemowt ng todo yon at magyabang ng bongga.
Hanggang sa susunod... Labya!!!
eto na talaga...medyo marangal.hahahaha!!!Mabuhay ka Buret!