Protocol sa pag e-xray ng babae ang pagtanggal ng mga bakal bakal sa katawan para di apektado ang resulta.ano paba meron sa mga kababaihan na may bakal?e di bra!
So bago pa ko i-xray ng tech (it's a boy)
Me: wala po
Tech: ah sige patanggal nlng ng hook
Me: wala pong hook
Tech: (comfused ang muka)
Me: sports bra po kasi
Tech: panong......pa...??!!
Hala lalo na siya nagulumihanan.potashet! Di ko malaman panong paliwanag gagawin ko sa kanya.medyo diniscribe ko. Nung mukang maiistroke na si kuya sa paliwanag ko sumuko nalang siya.owkwerd!!!
Sa mga lalaki kasi pagdating sa bra ang tanging interes lang nila magtanggal non at masilayan ang nasa likod ng mga tela (aminin)...
Let me educate you sa ilang klase ng bra (exit if not interested)
1. Beginners/training bra
-kauna unahang bra na isusuot ng mga dalagitang pinamumuklan palamang (stage kung saan nastuck ata ako) kya nga beginners. Kumbakit training ang tawag e di ko alam at wala nman dapat itrain sa suso!maygad di naman naiiba direksyon ng tubo at lalong hindi siguro natetrain lumaki. This i know..
2. Non-wire bra (pambahay)
- i col it my pambahay bra kasi light support lang to.pacomfy ba wen ur at home (usually braless talaga pag nasa bahay lang!freeeee).pero sa ibang mga kababaihan na gifted,eto ang bessy nila. Chill lang ang boobelyaz
3. Underwire bra
- oooohhhh!!!when gravity pulls it down,ang bra na may wire ang magdadala sa boobs pabalik sa dapat niyang kalagyan.pwede ding dagdag lift lang para may konting pacleavage naman. Minsan may kasakitan to isuot a... Kaya di nyo alam hirap ng babae makapanlandi lang. nudaw?hahahaha!
4.front closure bra
- kailangan paba iexplain?pag di mo makapa ang hook sa likod e malamang nasa harap.tapos!
5. Padded push up
- ay panginoon ito lalo na sa mga sawing tulad ko. May palaman na may panulak pa. Eto ang bra na nakakadaya. Akala mo meron pero wala!wala!wala!
6. T-shirt
- usual bra na maganda ang cups.walang tahi sa gitna ang mga cup sa may nipple area.para kung naka fitted shirt ka magandang tignan.kung ordinary bra lang kasi magmumukang operada susey dahil kita ang mga guhit ng tahi.may hati lang ang utong ganon?!ampanget.
7.Strapless/convertible bra
-Naaadjust ang straps depende sa
8.sports bra
- eto na! Jusko ka kuya. Sports bra! Bra na ginagamit kadalasan sa mga sports activities. Mapagym pa yan o simpleng exercise o pantumbling tumbling.Light support lang kasi to at comfy. Adult version ng beginners bra.
Marami pang klase ng bra. Merong reversible, nursing (hindi bra ng nurses!styupid!),razor back,silicone bra,balcony,stick on?,nipple tape (may bilang paba yon?) hanggang sa padded-push up-underwire-cleavage forming-tshirt (sooooo perfect bra).Anu pamang klase ng bra yan, anu pamang kulay,tatak o presyo depende sa pangangailangan ng bawat kababaihan. Ang importante ay nakukuha ang suportang kailangan at natatakpan ang dapat nakatago.
So there ya go..i hope kahit pano may natutunan kayo. Pero malamang mas naaliw pa kayo sa mga pictures kesa sa pinagsasasabi ko...sooowwwwsss!!! Labya!!