Wala akong sariling sasakyan kaya naman sanay akong mamasaheros. Araw araw halos isang oras ko binabyahe mula gubat hanggang lungsod (promdi e).
Masaya naman magcommute.Aarte pa ba ko e wala din naman ako choice. Iba't ibang uri ng tao ang makakasalamuha mo. Pero hindi lahat nakakatuwang makasama sa biyahe.
Pasaherong tigasin. Hindi kikilos yan para may maupuan ka.Tuloy kahit buo bayad mo kalahati lng ng tumbong mo nakaupo!nyeta! Tapos kasama na diyan yung mga babaeng ke aarte umupo.Sino may sabing umupo ka ng pasideview?may picture taking?May extra ata byad para sa extra space.Kasam din dito yung mga lalaking wagas makabukaka.Kala mo namamaga itlog ng potek at hindi maipit.Tiis tiis ka nalang!!!bukawakananginang yan!!!
Pasaherong breath taker.Hirap katabi neto!Medyo masakit sa dibdib.Hindi ka makahinga dahil tagos hanggang kaluluwa baho ng hininga.Kaya bumuhay ng patay sa lakas ng dating!Gaddemet.Nakakapraning pag baba ng sasakyan feeling mo kumapit sayo amoy.Matinde!!
Pasaherong walking PTB (tuberkulosis para mas madali). Maka ubo mga yan parang puro kalaghara buong pagkatao (think malapot na gravy pero green.ang serep).May balak maghasik ng lagim at di man lang maabalang magtakip ng bibig (tapos sabay paabot bayad.awesome!).Tapos dudura pa yan sa bintana.Ang swerte mo kung di mahangin kundi maghihilamos ka ng plema.owrayt!!!
Pasaherong chismosa. Mga kumareng pabibo. Bitbit nila sa biyahe ang mga umaatikabong tender juicy tsismis. Lahat nalalaman daig pa wikipedia. Mula kabit ng may kabit hanggang kaninong singit maitim ibibida. Bat nga di mo maririnig e kala mo nakalunok ng mic kung magbida (always bring your trusty earphones pangontra). Infernez nakakabitin minsan pag hindi nya natapos ang kwento bago siya bumaba.hahahaha!
Pasaherong CCTV. Kamag anak ng tsismosa.Di ko malaman bakit kailangan pang tumitig bago ka sumakay hanggang makaupo ka (kung makakaupo ka).Ihehead to foot ka pa.Medyo nakakapraning.Sarap dukutin ng mata.
Pasaherong wet look. Ay eto mga ateng ke hahaba ng buhok at basang basa hindi na ata nakuhang tuwalyahin sa paamadali. Magbubukas ng bintana yan para magpatuyo.Ang kaso papagaspas sa mukha mo ngayon yung buhok.Aga aga pakakainin ka nya ng basang buhok! clap clap.putulin ko yan e.
Pasaherong impakto. Ayaw mag aabot ng pasahe.Ay! Diyan ako gigil na gigil. Yung mga walang pakisama na ayaw maki abot ng bayad mo kahit lawit mani ka sumigaw "paki abot po bayad". Bingi bingihan ampota. Pero demanding yan pag nag paabot ng bayad. Tipong kung kelan nagbabaan yung mga naka upo malapit sa drayber saka makiki abot bayad kahit dalawang dipa layo mo sa drayber. Tapang hiya. Kagagallleeennnngggg!!!
Madami pa yan naku nakakaaliw na nakakabwisit.Tutal wala kang sariling wheels e mag tiis ka #dukhaproblems. Try mo nalang ienjoy biyahe.Gaano man kahaba yan pasasaan ba't makakarating ka din.Goodbye! Labya!!!
Buhay commuter
Ungaz | 6:36 AM | | 1 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)