Sa pagpasok natin o pag-aapply sa isang trabaho may mga requirements tayong dapat punan (punan?!)...Mapalocal man o mapa abroad. Obligado nating kumpletuhin ang mga ito para makapagtrabaho. At isa na don ang pagsailalim sa medical examination...
Medical check up..Yes. Sino ba naman ang di dumaan dito... I'm sure memorable ito sa bawat tao lalo na sa mga umaabroad. Kahit ako hindi nakaligtas diyan...bitter sweet memory!!!Mas lamang ang bitter kesa sweet.siyet!
Minsan kasi sa buhay ko e muntik na ko lumayas ng bansa kundi lang minalas at umarangkada ang pagkaUNGAZ! Anyway dahil nga paabroad ang drama ni ate e sabi sakin ng kumpanya dadaan daw ako sa isang medical check up. First time kong magpapamedical check up. Wala akong idea kung ano gagawin don. Basta alam ko lang papatingin sa doctor para tignan kung healthy ba mga body parts ko at pwedeng kumana ng trabaho sa ibang bansa.
The day before at sa mismong araw ng check up wala akong preparasyong ginawa. Tanging dasal lang ang ginawa ko na sana lumabas na normal lahat ng results ko at maging maganda ang experience kong ito.
Sinong magaakalang mawawalan ako ng dangal sa pagpapamedical!!!!!!!!!
Dali dali akong pumunta sa clinic na referred ng company with a smile. Ang aga ko sa clinic pero ang dami ng tao. 1st step urinalysis at fecalysis. Nawala ang ngiti ko!Putragiz!!! Ihi madaling ibigay kahit maya't maya mo ko hingan pero tae dumi ko?!!excuse me! Hindi prepared ang pwet ko for this!!! Lalo akong naconstipate sa kaiisip. Buti nalang madaling kausap ang medtech at pumayag na bumalik nalang kinabukasan with my fresh hot poops!yuck!!! Natuwa naman ako. Saka ko naisip pakshet na effort dalin tae ko sa byahe. bahala na... Tapos kinuhanan na ko ng dugo at pinapunta sa susunod na station.
Next stop....Xray! A eto mabilis lang ang pangyayari. pinagsuot lang ako ng gown at pinaghubad ng bra (sa kapal ng padding baka di makita baga ko) at tshirt tapos...click!tapos na...
Sunod naman ang dental check up... Sa pagkakaalam ko e maganda naman ang kalagayan ng mga ngipin ko. Pag upo ko sa cozy chair, sinira ng dentista ang tingin ko sa mga ngipin ko. 6 ngipin ko daw ang nangangailangan ng bagong pasta. I was like pota ka ate! Di mo pa pastahan lahat. Napakadami. Ano ko di nagtotooth brush?! Wala na ko nagawa. Pinastahan niya lahat dahil obligado at lumabas akong luhaan. 300 isang ngipin sinong di ngangakngak!leche!!!
Pagod na ko pero may isa pang test. Una pinaupo ako ng mga nurse at saka ininterview.
Nurse: Kelan huling mens?
Ako: di ko pi matandaan irreg po kasi ko
Nurse: Tuwing kelan ka dinadatnan
Ako: irreg nga po kaya di ko matantya (nurse ka ba talaga?!)
Nurse: Kelan huling nakipagtalik
Ako: HINDI PA PO KAHIT KELAN!!!! (nandidilat kong sagot! masyadong defensive?!LOL)
Nakakapanginig ng laman si ate...FYI pwede pa kong ialay pag gumunaw na mundo para iligtas ang pathetic life ni ate. Lecheng yon! Hay.Kala ko don na matatapos ang kahihiyan ko...But wait!There's more...
Nurse: Ma'am dito na po tayo para sa pregnancy test...
Sunod naman ako... I'm so compedenz kasi kahit araw araw ako magpregnancy test e negative yon!bwhahahahaha..easy. Pero hindi. Pagpunta ko sa mini CR nila hinihila ko ang kurtina para magkaroon naman ako ng privacy. Potang curtain ayaw mahila! Ay teka nakafix...Panic ako, tinawag ko ang nurse na nakaupo sa harap ng CR para humingi ng tulong. At ang sabi lang niya ay....
Nurse: ma'am talagang iniiwang bukas yan. kailangan po kasing bantayan yung patient baka dayain ang result.
Pakshet!For real?!!iihi ako sa harap ni ate!o come on!!! This can't be real!!! Nang makita kong seryoso si ate wala na ko nagawa. So degrading kahit di binabantayan lang niya ko sa peripheral vision niya. Habang umiihi naisip ko nalang na "Lord para sa pera to!!!"...Awa ng Diyos nakaihi ako ng matiwasay at tulalang lumabas ng lobby.
Medyo in shock pa ako at di makapaniwalang nagawa ko yon... Nang medyo nakmove on na ko lumipat na ko sa last stop. Ang physical exam!!! Go na ko ng matapos na at nang makaiyak na paguwi...
Pagdating sa room sinalubong ako ng isang friendly doktora. Nangingiti ngiti na ko kahit di ko pa alam ang sasapitin ko sa mga kamay niya. Pinapasok niya ko sa isang private cubicle at....
Doktora: Sige hubarin mo na yung damit mo.
Ako: (come again?) Ano po?!
Doktora: Tanggalin mo na damit and underwear mo para macheck na kita.
Ako: (seryoso ba tong babaeng to?) Pati underwear po?!
Oo parang tanga lang paulit ulit kong tanong dahil hindi ko maarok ang mga sinasabi ni doktora! Parang gusto ko sumigaw ng HELP!!! Hindi po ko nagaapply na pokpok!!!wwwwwwwwwaaaaaaahhhhh...ayoko maghubad. Hindi na ko sinagot ng doktora mukang nairita na sa akin. At dahil conservative ako (conservative pero nakaihi sa harap ng ibang tao!pathetic) hirap ang kalooban kong sundin si doktora. Pero naisip ko nalang walang malisya to at doktor siya. SA NGALAN NG SALAPI!!!!Unti unti na kong nagtanggal ng dapat tanggalin (parang xerex naman.yak!) tapos kapa dito kapa don... Impernez wala siyang nakapa!bwhahahahaha... Tapos sunod pati panty daw. HUWAT?!!!! Ibig ibig ko na bumack out! Leche... No choice, sumunod nanaman ako. Kapa hir and der, chek hir and der and then pinatuwad para tignan kung may almoranas ako! WALA NA TALAGA KONG DANGAL!!!! Mabilis ang mga pangyayari hindi ko na nasundan. Namalayan ko nalang mabilis akong nagbibihis at tumakbo palabas.i feel so dirtey!!!hahahahahahaha!!!Tapos nadinig ko naguusap mga nauna sakin ganon din pala ginawa sa kanila. Lahat naman pala dumaan don maarte lang ako...OA!!!
Wala akong idea kung ano ginagawa sa physical check up ng lalaki. Wala naman silang susong puwedeng tubuan ng bukol so ano ang kakapain sa kanila. Hanggang sa makausap ko si Lando*(hindi tunay na pangalan)isang kasamahan sa trabaho... Ganon din nung nag-aapply siya sa abroad. Same procedure. Pinaghuhubad tapos pinatututuwad. Sa kanya, dinakma, ay teka hinawakan? ginrab? di ko malaman pano basta ginanon betlogz niya at siya'y nasaktan at saka daw siya pinaubo. Sinipat sipat din ata ang batuta ni kuyang. Impernez tulad ko hindi din niya type ireminisce ang physical check up niya...Naisip ko, may nangyari pa kayang iba bukod sa hawak betlog nya na di nya sinasabi?!hahahahaha...
So anyway, matapos ang ilang linggong paghihintay, awa ng Diyos lumabas na normal lahat ng tests ko... At awa ng Diyos hindi rin ako nakaalis ng bansa. All that for nothing!!!wapak!
So ayan... Lahat gagawin at titiisin kapalit ng salapi... Mawala na dangal at lahat. Patapangan nalang ng hiya.hahahaha!!
P.S.
Kinikilabutan parin ako tuwing maaalala ko ang physical exam ko...hahahaha!!!Labya
Sige Hubad Ka Na
Ungaz | 5:31 AM | | 11 comments
Epic Fail to the Nth Power
Ungaz | 9:14 AM | | 5 comments
Kamakailan lang, sa kalagitnaan ng paghihintay ko sa mabagal na usad ng internet sa pagsstream ng favorite kong master chef sa youtube, bigla akong tinawag ng Greta para ipakita sakin ang isang youtube video na bubulabog sa blood pressure ko!
Isang video post na gawa ni rayjendiane03. Isang simple't ordinaryong dalagita na walang magawa. Pambihirang babae to..Ito ang pinoy version ni Rebecca Black na mas pinalala.... Kung si Rebecca Black pretty pero nakakbuwisit ang boses, sa kanya ang nakakairita lang naman ay...ANG BUONG SIYA! Siya mismo! Lahat sa kanya. Suya na nga na corny pinoy banats na sinasabi niya na talagang wish mo na siyang banatan sinamahan pa niya ng mas nakakahigh blood na make faces. Kala ata nasa showtime at pumepeyz dance... Kumulo lang ang diabetic blood ko sa panonood.
Kasi naman ginagaya niya pala tong si kim chuchu eklavu basta yon! Isang lalaking tumirada naman ng "Hi Ms. Pinoy Banats"(kayo na magsearch)... E susme, cute si kuya at effortless ang pagiging cute? Hindi siya nakakinis bumanat...ahihihihi!!! E si ate, epic fail sa lahat ng aspeto! Hahahahaha...
Hindi ko masyadong inurirat ang comments sa video niya. Para kasi siyang bangungot na gusto ko nalang talagang kalimutan. Eto palang Greta talagang effort na binasa mga comments. Jozmeyo! Nakakaawa si ateng.. Inulan ng panyuyurak ang video niya... Super harsh na kahit akong nagbabasa lang e nahiya (feeling ko ako yon?!) para sa kanya. ex. kabayo ka ba? ay kabayo ka na pala...Di ko na pinatuunan gaano ng pansin.
Kumbakit naman kasi naiintriga much ako sa putres na itey. Hinanap kong muli ang video niya sa youtube pero bigo ako...Burado na siya. Hala sige kalkal parin ako. Parang di makapaniwalang it's really gone. Mega search pa ko sa google!Effort. Haggang sa matagpuan ko rin ang nawawala niyang bangkay page/ youtube account niya. Ay burado nga talaga ang video niya. In fact, laaaaahhhhaaaaatttt ng video na nagawa niya ever! hahahahaha... Binasa ko comments sa kanya ulit. Watdapak!!!!!!!!! Ako man yon buburahin ko video ko. Better yet yung buong account ko o kaya binura ko na pati sarili ko sa mundo. Maygad na mga tao yon! Hahahahaha..Kung makapanlait sila na ang perfect at anak ng Diyos. Imba makapanyurak ng pagkatao... Yung iba parang halos death threat na dating.wwwwaaaaaahhh!! Siya na may award ng most haters! Bandang huli nakakaawa din siya...Siya kasi e!
Eto account niya...Read the comments! Nakakapanliit...wapak! http://www.youtube.com/user/rayjendiane03
So ayon, sa sobrang kahihyan nalang din siguro e binura na nga niya video niya... Pero buti nalang at may isang nakapagsalba pa. Kaya isheshare ko siya sa inyo. ENJOYYYYYYYYY!!!!!!!!!
http://www.youtube.com/watch?v=jChEsi7qoU
Hahahahahahaha! Ok lang yan ate kahit isang epic fail ang pagsikat mo sumikat ka parin..... kebs na sa haters mo (kasama na kami don!). Bilib ako sa'yo na hindi ka pa napapatiwakal sa kabila ng mga batikos na tinanggap mo. Dinaig mo pa si PNoy sa batikos! Good Job! Till next time...Labya!
chef wannabe!
Ungaz | 7:49 AM | | 9 comments
Pagkain....My 2nd favorite thing in the world kasunod ng pagtulog. Buhay na naman ng tamad!!!! Lahat ng tao hilig ang pagkain. Sino ba namang hindi? Pero ang pagluluto na ng pagkain? BOO!!!I hate cooking!!!
Oo. Hilig ko kumain pero ayoko sa lahat ng gawaing bahay (lahat ng gawaing bahay ayoko actually.LOL!) ay ang pagluluto.. Maeffort, mainit, hiwa here hiwa there (pati daliri mo mahihiwa).... Sablay pa ko tatantiya ng dami ng sangkap (maalat?napadami ata asin.hahahaha!). Minsan pa kundi hilaw overcooked (payn!sunog!)....Kaya naman mas hiyang ako sa buhay instant...Instat noodles, delata etc...so easy!!!
Kaya naman idinadaan ko nalang ang frustrations ko sa pagluluto sa panonood ng mga cooking shows!!!FUN! Tulad ng:
MASTERCHEF- Naaliw at natutuwa lang ako kung gaano kagaling magluto ang mga ordinaryong peepz ng mga kakaiba at masasarap na dishes. Para kong naiinspire. Kung kaya nila kaya ko rin?!(duda?LOL)...Pero mas trip ko panoorin yung version ng Australia. Mababait kasi yung mga aussy, kahit di ko naiintindihan mga sinasabi nila (parang laging patanong?!)...
contestant: i jest hev te puwt my igs in the pan...?(bat kami tinatanong mo!)
ako: igs?anong sangkap yown?unique..sowzi (tapoz makikita ko siya magbabati ng ITLOG!!!EGGS!!!hayup na iggs yan!)
Di tulad sa masterchef america na garapalan. pag ayaw niluto mo lilipad sa basurahan ang fruit of labor mo at harap harapang iluluwa pag di type, masisigawan ka pa. O diba?!Bastusan itey?!Lamunin ka nalang sana ng lupa sa kahihiyan...
JUNIOR MASTERCHEF- Ito naman yung version ng mga bata.Junior nga o!!! Eto ang imba...Pambihirang mga bata yon.Ke liliit ke babata kung magluto dinaig pa matanda. Imba! Nang ganong mga edad mga dahon lang ang kaya kong lutuin sa bahay bahayan. Kainin mo at malalason ka! Pero sila kalabel ang mga professional chef. Hindi talaga ko makamove on sa mga yon...Nakakahiya naman ikumpara skills ko sa kanila.hahahaha!!!
HELL'S KITCHEN- ere literal na impyerno...Saan ka naman kasi nakakita ng kusinang ang mga chef e hobby lang ang pagmura sa kapwa at pagsigaw sigaw. Kala mo laging may delubyo. Sa dalas magmura ng mga tao feeling ko nasa tabi ko ng isang cardiac monitor (igoogle!!!) sa dalas ng ttttoooooooottt!!!Parang anytime e magsasaksakan nalang yung mga yon. Di mo gaano masusubaybayan paapaano mabubuo ang isang dish di tulad sa masterchef. Mas tinitutukan kasi dito kung gaano kagaling ang isang chef sa time management at pagwowork under pressure. Pero kung kasali ko don malamang sa atakihin nalang ako sa puso o magseizure sa isang tabi sa stress!!!!!!!Kung mahina kang tulad ko, di ka uubra don.Pustahan tayo iiyak ka sa sobrang kahihiyan.Nakakapanliit talaga.Bwahahahahaha!!!
Mahirap talaga magluto...Nakakainggit ang mga taong magaling sa pagluluto. Kaya naman nainspire ako kakapanood ng mga yan. Nainspire kumain at mangarap lang...yon!!!Sa instant parin ako.wala na ko magagawa...bwhahahahahaah!!!!Balang araw magiging magaling din akong cook.Malay niyo.Cook sa karinderya.maske!kumontra lalasunin ko.LOL...Labya!:)
Sweet Mommy
Ungaz | 6:31 AM | | 8 comments
Sa aming pamilya, hindi uso ang sweetness....Nakakilabot sa tumbong kung itatry namin. Hindi pwede ipagpilitan... Hindi uso ang pagiging affectionate.hahahaha!!Hugs?Mabilisan lang.Maninigas lang ako pag nagtagal...Kiss?Torture!beso lang ang kaya minsan suya pa. etc. etc...Ang lambingan sa amin ay, usapang barahan at pagilasang mamintas, pitikan at hampasan ng walang dahilan (mostly kami lang yon ni Greta), at magtawagan ng mga pangalang makayurak dangal. Carino brutal ika nga... Normal na yon...Pag medyo parang umiba don malamang nagmemerida na ang isa samin...Pero nagmamahalan naman kami pramiz. Hindi nga lang halata.hahahahahaha!!!
Kailan lang ay nadiscover kong may sticy notes ekek pala kami dito sa comfyuter(ako na huli sa uso!) na to....At dahil bago sa akin ang hinayupak e di tinry ko....Nagpost ako ng isang walang kakwenta kwentang mensahe na sure akong mababasa ng kahit sinong chismosa..."ANG BUMASA NITO PANGET..LOL"...Sabi sa inyo e,walang kakwenta kwenta pero epektib. Anyway, pansamantala muna naming iniwan ni Greta ang barrio at lumibot libot sa kabayanan (yek!sooo promdi.LOL).
Pag uwi namin, amputres na stick note e andon parin nakapaskil sa desktop. But wait!!!! Parang may nabago...Look a little closer...AYUN...!!!!
May nadagdag impernez!!!! Edited version na ang tumabad sa aking harapan...At hulaan niyo sino rumetoke niyan....si MOMMY V!!!!sino pa nga ba! Siya na sweet na ina. Siya na walang sing sweet bumara!!!Natouch ako ng bonggang bongga hanggang kasingit singitan ng aking singit.hahahahaha!!!Sabi sa inyo sweet kami e...Now you know saan kami nagmana ng pagkabarubal...
Hanggang sa muli...Labya!!!:)
P.S. Title sana ng post na to "ANG BUMASA NITO PANGET!"...Malamang sa di niyo basahin kya binago ko nalang.hahahahahaha!!!!Ang cucute niyo kaya....barf!LOL
oi..kailangan ko kayo!
Ungaz | 12:37 AM | | 6 comments
Pansamantala kong pinuputol ang paghahiatus ko para sa isang bigating blog post!!!!!!!
jjjjjjjjjooooooookkkkkkkeeee!!!!kelan naman ako gumawa ng post na may sense?Hahahahaha!!! Sa tagal kong nawala dito, naninibago ko sa sarili kong blog.hahahaha!!!
At para kay Greta at Yow at sa inyong mga bests, wag kayong kabahan...Hindi kinatatakutan yan at papel lang yan....Relax, focus at samahan ng dasal. Ano man kahinatnan (pasado yan!sure ako.top notchers yan!wlang pressure pramiz!) proud ako sa inyo...hahahaha!!!GOOD LUCK kids.... At good luck sa lahat ng magtetake ng board exam.mwah!!:)
It's complicated
Ungaz | 6:06 AM | | 13 comments
Ang mga beki (pechay tapos biglang beki.nobayan!), pangarap syempre bukod sa makahanap ng lalaking magmamahal sa kanila ng habambuhay e ang maging real
Whatta Ride
Ungaz | 4:33 AM | | 11 comments
Mabait akong tao...Gandang panimula! Kahit tong keyboard umaalma, patalon talon letra sinabi ko lang na MABAIT AKO!!!! Bukod sa mabait ako, matiyaga akong kausap. Di ako mag-angat ng sariling bangko dito...Bago pa kayo masuya....LET ME EXPLAIN.hahahaha!!!
Di ako supladang tao. KIDLAT!KULOG!LINDOL!!! Oo na..Pero pag kinausap naman ako ng stranger at maayos ang approach e sasagutin ko naman siya ng maayos. Depende din sa mood ko... Matiyaga akong makinig sa kwento ng nangangailan ng kausap. Lalo na kung ikagagaan nila ng loob yon. Ke paulit ulit na problema sa lablayp ("nag-away kami ng syota ko...for the nth time"), o wala lang...("imbey talaga yon, may bago nanamang ginawang kabubuset"). Ako na mahilig maging human diary!
Kanina, matapos ang duty ko for the day (lagi nalang matapos ang duty pangyayari...hahahaha!Ako na walang buhay.), just like everyday, diretso kagad si Ungaz sa terminal at sumakay sa mga nakaparadang jeep na babiyahe patungo sa piling ni mommy V...Pagsampa ko sa jeep wala pang gaanong sakay. Iisang ale lang na walang bitbit (supot hir supot der bag ober da sayd bag pa on da lap...see!walang bitbit)...Pag-upo ko kinalabit ako ng isang paslit. "ate ate pengeng piso..." tinitigan ko lang ang paslit ng matagal. Lumayas din. Kala ata adik ako...hahahahaha!!! Iniisip ko kasi kamuka ni Greta yung bata. hahahaha! Sabay birada ni ateng kasakay ko "di mo dapat bigyan kasi bigyan mo isa madami na lalapit.." i know right...kuyog. E muka naman mabait ang ate e di nginitian ko na sabay "oo nga po". Kala ko yon na katapusan ng interaction namin. Hindi pala.....
After ng friendly advice ni ate, sumigada pa...itinuloy pa ang litanya. Deep inside "ate! you're a stranger!Don't talk to me!"joke...Nasabi ko nalang sa sarili ko "uy!close!sige tell me more" Nagpakanurse nanaman ako. At dahil hindi naman ako bastos pinakinggan ko lang siya. Hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang biyahe. Akala ko pag bumiyahe na kami titikom na kipay bibig ni inang. Ayun nanaman ako sa akala ko! Sige parin si ate...Ginawa nang seminar ang pagsasalita. Para kong nasa convention na sapilitang inattendan!
Eto ang ILAN sa mga naisiwalat ni ateng sakin :
- Ang mga anak niya (isang nurse at isang doktor..asteeg)
- Nakapaglibot na sila sa asia (weh no ngayon?san san naman?!)
- Sa sipag at tiyaga (Manny Villar?Kaw ba yan?)nairaos nila ang pagaaral ng mga anak
- Isa palang butihing guro si ate...(hindi niyo po ko studyante wag niyo na po ko lecturan)
- Si Mayor tralala, e kamag-anak ni mang huever dat is at si manang na castillo e patay na (a ok po...sino po yon at how can you make the world a better place?)
In fairness kay ate nice naman siya at friendly siya sa strangers...Magilas ding guro at magulang at tao si ate. At pwede mo idolohin...hahahaha!Pramis. After non...Close na kami....Feeling ko next ime ililibre na talaga niya ko pamasahe.Hahahahaha!!!!


