nasubukan sa P500

              Tukso...soooowwwwzzzz!!!!kahirap iwasan. Mamatay na ang kahit kelan hindi bumigay sa tawag ng tukso.Hepz!hindi "yon" sinasabi ko pero pwede na din. Malilibog! Anyway, sabi ko nga ang tukso mahirap iwasan. Minsan masusubukan talaga tatag ng kosensya mo (kung meron ka!) lalo pa't PERA ang usapan....

              Masaklap mawalan ng pera. Alam ko ang pakiramdam. Naalala niyo ba yung happy memory ko non sa jeep?Nung dukutin ang aking.....wallet.Ang sayang balikan ng ala-ala na yon.Nakakapanginig ng appendics!

              Anyway eto talaga kwento...Araw ng mga puso....Wala kong pakialam! Naglalakad lakad kami sa mall ng aking dear prends from work. Si mapanirang puring head nurse (yung pahamak sa mall non remember?)na si Ena (hindi yan naputol na mura) at isa pang itago natin sa pangalan Joey boy.anonymous na anonymous. Paikot ikot at bibili sana ko ng cake para kay mommy V at si Ena naman para sa boyfriend nyang si boy badtrip... Nang mapadpad kami sa tapat ng Dunkin Donuts. Hindi kami bumili ng donuts. Hanggang sa....

            JOEY BOY: P500?! 
               (sabay kuha ng nakalamukos na papel sa sahig...)

            Ako at ena: (nakatingin, nakaabang...pera nga ba?500 nga ba?come on joey boy iladlad mo na!)

                Unti unting binulatlat ni joey boy sa ere (kailangan talaga nakataas! Walang latay ng pagkadescrete tong pagkatao ni joey boy!)....

           Ako at Ena : Wow! 500 nga....HALIKA NA LUMAYO NA TAYO DITO!!! (mejo mahina para sana di marinig nung tindero sa dunkin)

           O diba.... Ganon lang kabilis samin ni ena magdesisyon. Desidido kami ni head nurse na magpakalayo layo na at ienjoy ang P500... Nangibabaw ang matinding pangangailangan kesa sa kunsensya. Mommy V tot me well!bwhahahahaha!!!

         
          Ena kay Joey boy: Yan na kapalit ng nawala mong 1000...Lika na

          Joey boy: eeeee...(nakalantad parin ang 500 at ayaw pa umalis sa pwesto. Dadagukan ko na sana e!)

          Sabay hila at tulak ke Joey boy na halatang nag-iisip pa kung laban o bawi ang gagawin nya.
          Masaya na sana ang valentine's day naming tatlo. Mga isang dipa na layo namin nang....

          Dunkin donut boy: sir sandali!!!!

          Paglingon namin.... potakelyas!andon yung may-ari ng 500! pakshet! Di ko ganong nasilayan itsura ni kuya at mabilis akong tumalikod habang buong pusong isinosoli ni Joey boy yung 500 don sa may-ari...Hindi namin kaya ni enang harapin si kuya.bwhahahahaha!!!Pakshet na buhay to o! Pera na naging bato pa!!!!! Valentine's day sucks! Naghiwahiwalay na rin kami after umiko ikot pa ng isang taon sa mall....Si joey boy kasi inannounce pa kasi yung 500!

          Ilang araw makalipas ang insidente naikwento ni Joey boy ang mga sumunod na mga pangyayari nung mag-isa nalang siya sa mall....

          Nakasalubong daw niya somewhere sa mall si kuyang may-ari ng 500 na bumibili ng flowers....Nagkangitian pa daw sila impernes. Close?!!! At ang mga tingin daw ni kuya parang nagsasabing "kung di mo sinoli 500 ko di ako makakabili flowers para sa syota ko".... O baka natypan lang din niya si joey boy. wa pakelz!

           Ibibili lang pala ng walang kwentang flowers ni kuya para masabi lang na sweet siya sa valentine's day! Malalanta rin yon! Itinakbo ko nalang sana yung 500 na yon nabusog pa kaming tatlo.bwhahahahahahaha!!!! buset! bitter....

            Araw araw talaga susubukin tayo ni Bro... Kaya magpakatatag tayo. Amen!Labya...



     

              

5 comments:

Anonymous said...

bago nyo sinuli ang 500 sana nacheck nyo kung ang fingerprint nya nasa pera para sigurado...

YOW said...

Hahaha. Naimagine ko yung pagtalikod niyo a pag muni-muni na parang walang nangyari. LOL. Dapat nga tinakbo niyo na lang. Kahina!

~Hijabs~ said...

Na-imagine ko din yung itsura nyo nung tumalikod kayo.. parang pa inosente effect. hahaha

glentot said...

hahaha the five hundred peso challenge....

Ungaz said...

@anonymous- Tatanungin nga namin sana sa kanya serial number e

@Yow- Kung kayo ni Greta kasama ko malamang naipangkain na natin yon...hahahahaha!Nakakahiya Yow. Mga nakauniform pa naman kami.LOL

@Hijabs- Painusentehan na po talaga pag nahuli.nakakhiya e..hehehe!

@Glentot- Kung kaw yown ano gagawin mo?! Sige nga..Bawal magmalinis.hahahaha!!!

Post a Comment