para sa yo to!!!!

                             Wala akong maipost na mahilab hilab ngayon...Kaya titirahin ko nalang kayo ng isang malupit na mensaheng naisip ko lang out of kabugukan...


                "Dinispatcha ko na bumabalik pa... Totoo pala na ang basurang tinapon mo babalik sayo..."bwahahahahahaha....bahala na kayo kung san nyo balak gamitin yan...


                       Tamaan na ang tamaan. Wala akong pakialam....!bwahahahahaha....




                                                                                                      Psychotically yours,
                                                                                                      Ungaz

Bad Idea

                                        Do you still remember my cousin Bondoy? Kung hindi, let me refresh your memory. Si Bondoy yung kinuwento ko sa inyo dati na pinsan kong dakilang guro na sumasideline na exotic dancer sa gabi... Ang sarap babuyin ng pagktao ni Bondoy tutal di nya to mababasa.whahahahaha!


                          Ako ang paboritong bwisitin ni insan. Kahit ano lang basta malait niya ang pagkatao ko liligaya na siya(nice to know may napapaligaya akong tao.buset!). Nung minsan nagpasama si kumag sa mall. Balak magtayo ng monkey business at sinama pa ko tumingin tingin ng mga pwedeng gamit. Sige pagbigyan....Habang palibot libot naisip ni insan tumaya sa lotto (nauuto siya sa mga ganon) nang matanaw na nasa 80+ million ang jackpot. Ayon nangarap na ng gising si insan...


                           Bondoy: Tara taya tayo lotto ang laki na ng jackpot
                                        (sinasambit habang sobra ngiti sa mukha)
                            
                           Ako: Hindi ka mananalo diyan. Uto uto ka... Sayang lang 
                                  ipangtataya mo pamasahe din yon(negatibo talaga ko.sarap mambasag ng trip ng iba.LOL)


                         Sa kabila ng matindi kong payo tumaya parin si insan. Lingid sa aking inosenteng kaalaman may binabalak pala siyang hindi kagandahan. Maya maya sinabi na niya sakin ang kanyang future plans kung sakaling mapasakamay ng gahaman kong pinsan ang jackpot


                          Bondoy: Pag nanalo ako magpoprocuce ako ng reality show
                
                          Ako: (tahimik.magandang plano kahit malabo..let's 
                                   hear more)

                          Bondoy: Ikaw ang gagawin kong bida...Ang title

                                                  "DATE MY COUSIN"


                               Wow! Anak ng tinapa! Dahil masyado akong nabigla nagdilim ang paningin ko at di ko namalayang binubugbog ko na sa gitna ng daan ang payatot kong pinsan. Umeeksena kami sa mall! Tawa parin si insan kahit anong bira ko..sira ulo talaga.. 


                           Kahit kelan talaga si Bondoy. Paboritong yurakan ang pagkatao ko. Gagawan pa talaga ng reality show! Naman.. E sure ball na may magiging jowa na ko kapalit ng tumataginting na salapi sa kabila ng aking rosalka features (exagg!maganda ko no!!!).... At dahil sa mapanlaglag na si greta at yow napatunayan niyo nang hindi kataka taka, naghuhumiyaw na SINGLE ang itsura.... Dahil ang pinoy ngayong mga panahong to kahit anong saklap ng aura basta sa ngalan ng salapi susungaban ang oppurtunity na umapgrade ang buhay. Kaya panalangin kong matindi WAG SANA MANALO SI BONDOY SA LOTTO!!!.Hindi dapat maisakatuparan ang kahindik hindik niyang plano....


                          I leave you this question.... Kung may reality show na ganon sasali ka ba?(hindi ako ang bida don't worry)... Salapi o pag-ibig?






                          Oh well!!!!!!ang sagot ko?Alam niyo na yon...LOL





getting to know you

                          Pagkatapos ng aking nakakapagod na duty bilang mapagkawang gawang (volunteer lagi) nurse dumiretso ako sa mall para magpalamig(walang aircon sa bahay.poor!).... Dahil alone lang ako, ang sad. Napagtripan kong humanap ng mga kakilalang naligaw sa mall. Paikot ikot,nahilo na ko parang nilasing na hipon walang preynd na makita. 


                    Maya maya something kikibot kibot na parang uod caught my attention.... Isang kapre na nagkatawang tao pumapartey sa gitna ng daan mag-isa. Aba teka! Family ang mukha ng gwapitong binatilyo (woohoo!galing mang-uto). Agad kong nilapitan. Eto ang pangyayari...

                  AKO: Yow ( blogger ng it's yow time) isdatchu?!
                  YOW: (pansumandaling huminto sa pagkibot) yes! hu fwoh u? (jejemon?hahaha!joke)
                  AKO: it's me! ungaz! 
                  YOW: sino ungaz?!ako?bka ikaw!
                  AKO: Ako nga!
                  YOW: (dinapuan ng liwanag ni BRO) ay ikaw pala yan!wow!shet! nameet din kita
                 
                  Ayon...nameet namin ang isa't isa. Habang nageexchange kami ng resume (personal facts) ni yow maya maya may umeeksenang pata (hitang ke lapad) na rumarampa sa gitna ng daan. I think i know her too...hhmmm! Sumigaw ako ng makaagaw eksenang makapigil utot na GGGGGGGRRRRRRREEEEEEEEETTTTTTTTTTTAAAAAAAAAA!!!!!!!! Huminto ang gretalicious na impernez curvaceous, voluptuous, at obviously malicious na aura. ahahahaha!
                 AKO: hi..!i'm ungaz
                 YOW: i'm Yow...
                 GRETA: uy kayo pala yan...nice meeting you!finally...san tayo? (Ay close kabod)

                 Wow! Ang galing...Sa wakas nameet ko din ang mga iniidolong kapwa "bloggers"...Sayang hindi ko kasama ang utol kong si "pogi" para mameet ang idolo at sinasambang rowl mowdel na si greta... At dahil hindi kami close na tatlo, bagamat shy ako inaya ko silang samahan ako magpagupit. Nakakahiya e!ahahahaha...Lubusin pa natin ang bonding para naman memorable kumain pa kami ng sabay sabay. Hanep! Overwhelming experience makasama sa chibugan ang mga idolo...Dahil hindi pa gaanong close, medyo nahiya pa ko ng ubusin ko ang fries ni Yow at di na siya nakatutol. At para mas masaya kailangan ng pruweba nagpikchuran din kami...

                   Actually hindi kami talaga magkakakilala at pers taym magkita kita personal kanina. Akalain mo! Overwhelming tong araw na to. Hindi nga kami friends sa FB e... Kahit friendster HINDI din kami friends. Si yow at greta? Non lang din nagmeet. Actually hindi nga sila magkaklase simula heyskul gang kasalukuyan. Kami ni greta?Total strangers! Hindi iisang matres ang pinanggalingan namin.... Kaming tatlo? Hindi kami pareparehong nakatira sa tricycle city. Di namin pare parehong alma mater ang paaralang "never heard". Astig! Ang magmeet ang tatlong estranghero ng di inaasahan sa hindi inaasahang lugar ay talaga namang so random and UNEXPECTED...Kami po'y nagmeet una sa blog sphere na pareparehong iisa ang mithiin. At yon ay magblog ng kung ano ano para paligayahin lamang ang kapwa(weh)!At syempre paligayahin ang sarili (ampanget ng dating)....

                   Eto ang ilan sa mga larawang nakunan kanina....
Exhibit #1: Yow, Greta and UNGAZ... Nang matapos ang gupitan!From manang to tomboy look!damoho...(salamat sa pagsama yow and greta)


Exhibit #2: Chibog muna....
Exhibit #3: Yow and Greta...Pamisteryoso ang Yow at syempre kailangan litaw ang palong palong pata ni greta


                            Bitin ang mga larawan diba? Parang yung feeling na hihintayin mo sa MMK ang itsura ng letter sender tapos blurred ang putres...hahahaha! Ganyan talaga gusto kong maramdaman niyo.

                            Hanggang sa muli.........






Now put your hands up!

                                 Kung si idol glentot may titang sasha fierce, kami naman  may tatlong tiyahin na miyembro ng destiny's child at ang buhay nila e yumuyugyog sa saliw ng SINGLE LADIES!!!!!

                           All the single ladies, Now put you hands up! Tita #1 ,#2, and #3 ay ang mga dakilang ate ni ermats na bumubuo sa destiny's child. Ang destiny nila? To be together forever, and be forever single!SAKLAP!!!!! Sa larangan ng pagibig medyo inaalat ang aking mga tita. Hindi ko malaman kung allergic sa lalaki ang mga yon o masyado lang choosy. Nadarama ko ang salarin ay ang mga lintik na pocketbook! Dahil mahilig magbasa ng romantic pocketbooks ang destiny's child nangarap ata ng mala perpektong love story. Dahil pareparehong single, kung si BM nakatira sa pink house ang destiny's child nakatira sa kanilang bachelorette's pad. The single ladies' house.  At doon may imaginary sign na BAWAL ANG MAY ETITS DITO! (ay bastos!)
Hindi naman sana man hater ang tatlong Maria pero mukang may nakatatak sa noo na no boys allowed na lalaki lang ang nakakakita. I think they've been naughty kaya hindi niregaluhan ni santa ng papa for christmas.hahahaha!  Paminsan minsan hesitant akong magtagal sa single ladie's house at malmang sa matulad sa kanila ang kapalaran ko.(viral ang pagkaspinster?) Sus ko po diyosmiyo! Buong lakas na ang binubuhos ko para iwasan ang daang tungo sa katigangan for life. Ay! being alone pala. ano ba yan! Ngayon palang kabado na ko.whahahahaha! To be together forever with the single ladies everyday may pagka nightmare from elm street. Nakakaloka! Hindi mo alam kung alin ang realidad at panaginip....Dahil sila sila lang ang laging magkakasama hindi maiiwasang sila sila lang din ang magkainitan. At pag nagsabay sabay nang bumirada ng armalite ang dakilang trio, dumapa ka na at magtago tago kung ayaw mong tamaan ka. Mga masusungit dahil bukod sa ugali na talaga nila yon ay nasa menopausal stage na sila(at walang sex life)...hahahaha!


                    
                              Pag uwi ni ermats,  dadagdag pa ang isa pang single na biyuda sa buhay sa tahanan ng singles at siyempre kung nasaan ang tae andon ang langaw kaya don din ang bagsak namin ni Pogi. Lord help us!!!! Nawa'y hindi kami mahawa sa destiny ng destiny's child.  


                              Gayon pa man ako'y hanga sa aking mga tita na pinatunayang hindi hadlang ang pagiging single sa buhay(kapansanan ba to?)... Kung ano kaya ng lalaki kaya rin ng babae. Hindi sa lahat ng oras nakadepende ka sa kalalakihan (let's sing. "all the women! independent !throw your hands up at me..."). Huling birit ng destniy's child for you... I'M A SURVIVOR!!!



                                                                                    Psychotically yours,
                                                                                    UNGAZ 

SECRET lang

                                     Abala akong lumilikha ng isang post nag biglang.... Chinat ako ng pinsan kong itatago natin sa pangalang "RR"...Walang kaclue clue.hahahaha!Una siyempre kamusatahan kunyari kami na kala mo isang dekada di nagkita at parang hindi isang utot lang ang layo ng aming mga tirahan.


                        Maya maya bumirada si pinsan ng may bad news. Tinanong ako kung alam ko na daw ba. Naku po! Kinabahan na ko. Parang mga moment na yung sasabihan kang wag kang mabibigla kahit sa statement palang na yon nabibigla ka na. Nagpanic na ko at nagiisip na kung sino nakalimot huminga (morbid?ang arte a!).... Hinihintay kong bitawan na niya ang balita at hayaang sumabog sa mukha ko. 


                       RR: May bading!
                       Ako: (punyeta!yon lang pala.nakahinga ng bahagya. Pero hindi  din pala.naisip ko, maglaladlad kaya si pinsan?siyet) Sino?ikaw?
                      RR: yung teacher ko...
                      Ako: (ay di pa pala siya tapos magtype.atat?) 
                      RR: Ginawa akong escort at sinasali ko sa pageant. Itetrain daw ako ng teacher kong bading....(rampa ng mga papa)


                      Ako: WHAHAHAHAHAHA! Mamanyakin ka lang non


                      Napahagalpak ako ng todo sa balita niya.  Isa itong gimbal moment for me. Hahahaha! Iniimagine ko palang si RR na rumarampa na nakasupa tight cyclings binibilang ko na ang ang mga posibleng sandamakmak na gels and gays na mawiwindang sa view na tatambad sa kanila pag nagkataon.hahahaha! Lavett!


                      Oh well sinira ni insan ang imahinasyon ko. Hesitant si kumag. Pareho pala kaming iba ang tingin sa tunay na motibo ng kanyang guro...Naaamoy namin ang maitim na balak ni "sir"(na pangarap maging ma'am). Molestya galore ito... hahahaha!judgemetal o!  Madumi talaga isip ko.Welcome to my world... Todo tanggi si insan sa offer ni sir na sumali sa damohong pageant.Bukod sa buwis dangal ang ganyang mga patimpalak e umiiwas lang si insan na mag ala isda sa palengke sa kamay ni sir na lalamugin para icheck ang pagkasariwa ng produkto bago kainin.hahahahaha!eeeeeeeewwwwwww..... Pero impernes mapilit daw si sir at desididong kumbinsihin ang tita ko na pasalihin si RR. Ang pursigidong bading nga naman..hahamakin ang lahat maHARASS ka lamang...whahahaha!


                      Dahil masyado hiya ni RR pinakiusapan akong ilihim ang balitang ito. At dahil walanghiya ako nilalaglag ko siya ngayon. Love you insan!hahahaha.....Good luck nalang sa pagsali mo sa pageant. Pangako ko andon ako sa araw ng kahihiyan mo para icheer ka kung sakasakali.whahahahaha!
           


                      Kung kilala mo si RR quiet ka lang...kung ayaw mong saktan kita. Nagbabanta talaga? 


                                                                   Psychotically yours,
                                                                   Ungaz

















comparing

Isang gabi pauwi na ako sa siyudad mula sa hidden world(liblib na lugar)... Sumakay ako ng jeep na isang dekada kong inabangan na bihira ata dumaan sa lugar na yon na sobrang liblib di na ata umaabot boy bawang don.


Makapangalahati na ng biyahe papalapit sa siyudad huminto ang aming jeep para magsakay ng dalawang bintaliyo. Nung una deadma lang at di ko ugali tumingin sa mga papasakay na pasahero tulad ng iba na kala mo rarampa sa runway yung sasakay kung makatingin.rude!hahaha.... Dahil katapat ko ang mga binatilyo napatingin ako ng parang makita kong malikot sila kuya. Ay mali!!! Nagsasign language pala. Nagkuwentuhan pala sila. Bingi at pipi pala yung dalawang yon. Dahil sila lang ang nakakaintindi sa usapan nila sila lang ang tumatawa habang naguusap na kala mo naglalaro lang ng jak en poy! Di ko namalayan napapabato bato pik ako sa pwesto ko.siyet! Maya maya pa natawa ulit ng silent tawa ang dalawa. Para kong nanonood ng silent movie. Napaisip ako...Ano kaya ang pinaguusapan nila?hhhmmmm! Buong biyahe tawanan sila ng tawanan. Ako kaya pinaguusapan nila? Praning?hahaha! Mafeeling...
Dahil wala lang, napaisip ako... Bata pa tayo turo na ng mga nakatatanda na ang paguusap ng ibang lengwahe sa harap ng ibang taong hindi nakakaintindi ng language mo ay medyo impolite o kabastusan. Ang tanong ko.... Ang mga pipi't bingi pag nagsign language sa harap mo hindi ba nakakabastos? Oo alam ko sasabihin niyo may kapansanan sila at sa puntong to mali ako.hahahaha! Ba't ba! just a thought lang naman. Hindi ako sa nangungutya pero.... Hindi ba kasi sila marunong mamintas? Kaw lang ba marunong mantrip? Magsasign language sila sa harap mo tapos tatawa nang bongga hindi ka ba mapapaisip kung ikaw ang pinaguusapan? Anong malay mo minumura ka na pala...hahahaha! Kaya lang dahil sa may kapansanan sila hindi mo pwede sitahin. Kahit saang angulo mali ka pag pinatulan mo sila... Pero makipaghuntahan ka sa kahit sino sa salitang alam mo sa harap ng banyaga. Patay ka! Mapagsasabihan kang bastos. Unfair! where is justice!hahahaha...

Kaya dapat matuto na din ako ng sign language para hindi ako mapraning!Hahahaha....
Walang samaan ng loob sa post na to... This post is not intended to insult any of our mute and deaf brothers and sisters. It's just a thought. By all means feel free to enlighten me or educate me further more with regards to the subject matter. salamat!

kAMAndaG!!!!


Kaninang umaga nagrerebulusyon sa gutom ang maselan kong tiyan kahit nagalmusal naman ako bago magduty... Ayoko kasi magduty ng hihilo hilo sa gutom dahil lang i'm watching (pinapanood lang na literal lumobo) my figure....


Hindi lang pala ako ang tumitirik ang mata sa gutom. Kaya naman sinulusyunan namin agad. Dahil mga todo tipid at ubos na ang allowance, sa malapit na dokling's** eatery nalang kami bumili ng pagkain para makamura. Napili ko ang mukang napakasarap nilang egg pie habang ang mga kasama ko pinili naman ang cheesy, creamy so deliciously looking ensaymada. Masaya kaming bumalik sa pinanggalingan dala ang aming mga pantawid gutom. Yes! Kainan na... Dali dali kong binuksan ang egg pie ko na mukang napakasarap. Sa first bite... hhhhmmmm! Delicious. Para kong chef na nanghuhula ng ingredients sa bawat kagat ng tinitibag kong pagkain. I taste sugar, egg, milk, a hint of vanilla? some lemon perhaps? teka! may asim factor ang egg pie? Minulat ko mata ko at sinipat maigi ang aking pie... Nang may makita ako sa isang sulok na special ingredient. What is this i'm seeing? A small flower in my pie? WTF!!!!!!!!!!! AMAG!!! Namumulaklak sa amag ang hinayupak na pie.wwwaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!! Parang buntis na naglilihi tumakbo ako sa tagong lugar at saka niluwa with matching duwal sound para dramatic ang impaktong pie na kasalukuyang ninanamnam ko.YUCK!!! Sa mga nakarinig, tinanong kung buntis daw ba ko. Naglilihi ko sa amag? Naka isang toneladang tubig ako para mabanlawan ang bibig ko. Tinapon ko na ang natira at umupong tahimik sa pwesto ko na parang walang nangyari. Di na ko kumibo at nakakahiya pang malaman ng iba ang karanasan ko. I just quietly watched the others ubusin at MANGALAHATI na sa mga ensaymada nila. Naisip ko, buti pa sa kanila walang amag.... Badtrip!

Maya maya itong si IV napatigil...
IV: siyet!May amag ensaymada ko....
AKO: (painosente itsura) sakin din kaya tinapon ko e...

Yes! Hindi lang pala ako ang nabiktima!whahahaha.... Tinapon na din ni IV ang kanyang ensaymada. Napagusapang tawagan ang tindahang salarin sa aming pagkadismaya at nagreklamo. Sabi ni ateng tindera ibalik namin ang mga may amag nilang produkto at papalitan nalang. Naku po! Di ko na sinabing natapon ko na. Dahil sa panghihinayang sukdulang nabubulunan na ko sa paglunok ko ng kaartehan ko at todo gloves ako at saka hinango mula sa INFECTIOUS waste ang aking pie. Kung bakit kasi don ko pa naitapon.Tanga! Sinupot namin ang mga amag goods at saka isinauli sa mahaderang tinderang nagdidisplay ng maksirang tiyan na pagkain. Hindi na ko nang away at baka hindi palitan. Medyo worried na ko non dahil sensitibo ang tiyan ko sa mga ganong bagay. Wala naman akong balak magpaospital at maging pang 11 na pasynte sa sensus ng buong hospital (ganon karami ang pasyente).... Kaya maghapon akong todo water therapy. Awa ng Diyos hindi nasira ang tiyan ko at hindi din napalitan ang pie at ensaymada namin. Sayang ang salapi. gggrrrr!!!!!!!

Kaya sa susunod dapat alerto ang mata pati panlasa.... Ingat ingat sa sinusubo sa bibig ano man yon (wag kang green minded)... Kesa mabiktima ng amag tulad ko. A friendly reminder mula sa PG na nurse.

who's the boss?

Lagot ako sa post na to... Pasintabi po kay TL (kung may LT, meron kaming TL)..hehehe!

Dahil mukha nang makapal na talahiban ang buhok ni insang Rusz, pinilit namin siyang magpagupit na. Nang mapagtanto din niyang muka na siyang taong grasa e pumayag na siya. Kanina nga nagpasama siya kay pogi na magpagupit sa parlor. Dahil takot marape ng bading kaya nagpasama.hahahaha! Matapos magpapogi dito dumiretso sa bahay sila pogi. Maaga pa naman, napagdesisyunang magchill muna kami sa bahay nila at manood ng movie. Ginagawa kasi naming sinehan paminsan minsan tahanan nila. Malaki kasi tv.hahahaha!
Pagdating namin sa bahay nila, wala naman comment si TL sa gupit ng anak niya. Binawasan lang kasi tamang makita lang ang pagmumuka ni insan.hahaha! Pagpasok ng bahay nashock kaming 3... Nabatas ang gupit ni bata. At ang bumatas ay ang kanilang yaya...Oha! Dinaig ang aming tita na kuntento na sa gupit ni insan. Ganon pala don. Si yaya ang boss... Hindi pasado sa kanya ang gupit ni insan parang hindi din daw nagpagupit. Dahil yata sa gulat tahimik kaming nagsi akyat ng hagdan na parang mga nalugi sa tong it. Dapat yata magsorry si insan sa gupit niya. Pababalikin ko sana sa parlor para ipakalbo na. hahahahahaha!

Paminsan minsan talaga tong is yaya umaatittude e.... Minsan may pagka diva at astang boss. Natatawa nalang ako pag minsan si TL ang gumagawa mga trabaho ni yaya. Kaloka. Don't mess with yaya...Umayos kayo para di mabatas! hahaha...

Patayin ako sa sindak!

Habang ako at si Pogi ay maligalig na namimili ng mga pangangailangan namin sa buhay, nagtext si ermats at icheck ko daw ang mga picture niya sa FB. Oo may Fb ang aming ina. In siya... Nangako akong sisiyasatin ko mamaya paguwi ang mga party pics niya. Dinaig pa ko. Party peep si ermats.

Pagdating sa bahay agad kong binkuksan ang transformer naming laptop (bulok na kasi.lol) at dali daling naglog-in sa FB. Parang sinasabik naman akong tunay ng net at utod ng bagal magload dahil sa ulan. Nang tumambad sa akin ang mga larawan ni ermats.... WWWWWWAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!Oo matindi gulat ko. Susme! Nagdadalaga paurong nanay ko! Naguulyanin na ata. Alam kaya ng net na aatakihin ako kaya mabagal ang load?hahahahaha! Napainom ako ng isang drum ng tubig ng di oras. Ang ermats sputing na sputing.Pagirl..Todo make-up at nakadress pa. Ngayon ko lang nakita gumanon yon kaya patawarin ng abang mahabagin sa reaksyon ko... hahahaha! Birthday party pala kala ko ballroom party.hahaha!

Mommy, ang ganda mo! Parang ako. Hindi nga lang din halata.hahaha!Joke lang...Para may karamay ako sa sindakan eto si ina..Enjoy!bwahahahahaha...pwera pikon mommy.Love you!



Now You Know!

Pag nakakapanood ako ng mga kabalubasahan ng tao sa tv napapaisip ako... Papaanong pagpapalaki kaya ng magulang sa mga taong yon at lumalaking walanghiya... Bakit kaya nagkakaroon ng mga kampon ni best lucifer sa mundong ibabaw.


O well mukang kanina nalaman ko na ang sagot.... Nagawi ako ng mall kanina matapos ang kawindang at kapagod na duty (UNO!). Nagkita kami ni pogi sa mall... Maya maya nag-aya kumain si Pogi at utod na daw gutom. Naawa naman ako kasi baka mabawasan ang timbang kaya gow! Pero dahil dukha ako, siya lang ang pinakain ko. Yagit e! Kesa magmuka akong kawawa habang pinapanood kumain si Pogi, iniwan ko siya saglit... Nagpunta ko sa isang tindahan (sari sari store?) para bumli ng gamit panglantod. Magbabayad na ko kaya siyempre pumila na ko sa cashier. Papito pito pa ko habang naghihintay ng turn ko. Umalis saglit yung nasa harap ko at hindi pa ata tapos magshopping.sige lang! Natapos na yung nasa harap ko, may sumingit. Ay putek! Walang modo si ateng mabilisang nilapag ang lotion na pampaputi sa counter na muka namang wa epek sa kanya dahil sing kutim parin siya ng uling! Nagmamaganda. Hindi na ko kumibo. Pagbigyan ang mas mababang uri. Galit siya sa puti ko!hahahahaha...Matapos ang nagbabagang uling, ako na sana magbabayad. But wait! Ang kaninang babaeng umalis sa pwesto umover take na parang ambulansya sa harap ko. WOW BASTOS! Mainit na ulo ko. Ayoko ng nasisingitan sa pila dahil turo ni ermats kabastusan yon.Tama naman si ermats. Kung makaasta pa si ateng kala mo tama ginawa niya. Maya maya sumingit sa harap ko ang mukang surot niyang anak at may pinabibili. Isa pang bastos!mana sa inang impakta. Tinapakan niya ang puti kong KEDS duty shoes ng JAPEYK niyang NIKE!!!! Todo tulak pa siya sa akin at hindi nagsorry.Ako pa ata dapat humingi ng pasensya at nakaharang ako sa daan niya.WEH! Siyempre ang inang bastos hindi binawal ang anak. Ay badtrip! Hindi pa tapos. Matapos makuha ng surot ang nais niya tinulak niya ulit ako at pumunta sa tatay niya. Ang inang bastos napagtripan mamili ng buy1 take 1 na pampakintab ng buhok sa counter para sa nirelax na buhok niyang mukang walis tambo ang itsura. Sinapuso talaga niya ang "TAKE YOUR TIME" todo pili kala mo nakasalalay sa choice niya ang buhay ng mundo...Buset! Pagtingin ko sa kahera halatang irita na rin. Pero dahil bastos nga siya dedma siya sa paligid niya na di inaalintana ang mga kasunod sa pila. Nang makapagdecide na hindi bibili ang putaragya lumayas na at as usual tinulak ako at hindi nagsorry! Suzme nga naman....Pinto ba ako na may nakasulat na PUSH????!!! Tunay na bastos na mag-ina! Hindi turuan ng ina ng mabuting asal ang anak na mukang surot! Magtataka ka pa ba e napakahusay ng example.hhhhhhhaaaaaayyyyyyyy!!!!!!!!!

Ang magulang ang gabay natin sa pagtanda. Kung paano tayo mamuhay o kumilos kadalasan impluwensya ng magulang... Dahil sa nakakapag painit ulo kong karanasan naisip kong ang bata kundi tuturuan ng magulang ng tama e hindi tutuwid at habang buhay aakalain tama ang ginagawa..... Kaya pala may mga taong lumalalaking walanghiya dahil kulang sa gabay ng magulang. Now I Know!

What a Day!!!!!!!!!

Kagabi matapos ang mahabang usapan namin ni ermats napagdisiyunan na ang dakilang promdi ay tutulak ng Maynila kinabukasan. Maaga akong natulog para bukas maaga akong lilisan. eto ang kwento ng, My Long Shitty Manila Adventure!


Umaga palang mali na ang simula. Usapan namin ng kaibigan ko na magkikita sa bus terminal ng 6:30am. Kaso sablay, at atrasado at bitin ang tantiya ko ng gising. Pak! Nagkukumahog akong gumayak. Super multitasking ang promdi para umabot sa oras... Tuloy bago umalis ng bahay iniisip ko nakapagtooth brush ba ko?hahaha!eeewww.... Nagmamadali ako sumakay ng dakilang tricycle. Makalayo ng mga ilang dipa naalala ko naiwan ko ang pera ko! DEYM! Wala akong pamasahe. Palpak nanaman. Balik ako sa bahay para kunin ang pahamak na pera na lalong nagpatanghali sakin. Kaso isa pang obstacle sa buhay ko ang tricycle driver of the day na parang ipinapasyal lang ako sa bukid sa bagal.gggrrr!!!! Pagdating sa bus terminal andon na kaibigan ko nakasakay na ng bus. Excited yata! Umalis din kagad ang bus at maayos na bumiyahe. Bandang NLEX parang nananadya ang pagkakataon. Me kung anong aberya na nangyaring aksidente na muntik na naming ikamatay na wala akong malay na nangyari sa bus. Kaya naman ang maputla pa sa sukang drayber inihinto sa gilid ng highway ang bus at pinalipat kami. Susme! Badtrip si manong! Di pa talaga nakuntento ang kamalasan ko pinaulan pa habang nagaabang kami ng bus. O so great naman talaga! Maya maya dumating na din ang inaasam naming biyahe. Puno nga lang kaya standing ovation kami. Sira ang beauty ni promdi na matagal nang sira. Daan daanan kami sa pinto. May isang kuya naawa ata sa katawan ko hinagod ng todo fats niya sakin sa pgbaba niya. Ibig ata itransfer ang sobrang kolesterol nya!yuck...

Nakarating kami ng buhay sa aming hantungan. Pagdating sa lugar ng mga timawa umabroad (POEA) utod na ng dami mga applicante na magpapass ng mga papeles. Dahil nga malas na araw to siyempre inabutan kami ng lunch break sa paghihintay. Dahil tao lang kami at nagugutom tinawid namin ang mall at lumapang at gumala habang hinihintay matapos ang lunch break. After an hour balik kami sa POEA. Hayop! Hindi nabawasan ang tao. Sa pwesto na ata kumain sila ateng. Walang alisan?Damoho. Nang pagkakataon ko na magpass ng papeles excited ako! Kumpleto ko ng papers. Naisip ko wala na aberya!YES! Kaso anak ng pechay e expired pala NBI ko.Taena! Nasiphayo ako at nagmumukmok nalang sa isang sulok habang yung kaibigan ko naman ang nagpass, pinalad at lumusot. Next step na si friend na magpapaencode...Hintay kami. Dahil wala na kong gana mabuhay ng mga oras na yon, nanlait nalang ako ng mga tao sa paligid ko. Paborito ko sa mga biktima ko ang babaeng twin sister ata ni SHREK! Tama. Si shrek nga at hindi fiona. Mas kuha niya ang features ni shrek. Nakakatanggal ng lumbay ang itsura na kahit namatayan mapapaligaya niya ng bongga!hahahaha...

Matapos ang lahat nagmall nalang ulit kami. Inaliw ako ni friend at natakot atang bigla nalang ako magpatiwakal. Syempre nagshopping kami. Window shopping! Yagit e. Sa isang sikat na clothing store todo pili ako ng damit pasalubong kay pogi. Kaso eto ang dagdag kamalasan of the day, ang pila sa bayaran e sobrang haba na kala mo pilahan ng NFA rice. Badtrip! Nag-aya na ko umuwi. Bwisit na ko non. Pero tanggal ang inis ng makasalubong namin si Teddy Corpuz ng Showtime kasama ang misis at anak niya na nagshoshopping. Dahil mapride kami at ayaw pahalatang promdi tiniis naming hindi magpapicture.bakya kaya!hahaha...Sayang.

Pagod na kami ni friend at gabi na kaya naisipan naming bumalik na sa ating mahal na probinsya. Pag labas namin, medyo malakas ang ulan. Pero no choice kami at sinuong ang ulan. Eto ang pasensya na sa word ko, eto ang talaga namang nakakapunyeta ng araw ko! P****** I** talaga. Tatawid na kami sa abangan ng bus kso baha ang daan at wala nang ibang paraan para makatwid ng di sasawsaw ang pretty feet namin sa tubig.eeeewwwwwww!!!!!
Parang yagit, nilusong namin ang baha na parang ilog pasig sa itim ng tubig. Iritable na talaga ko non. Nagmamadali akong sumakay ng bus, na mukang cover lng ng FHM na wet na wet.Siyet! Kabod ko tinanggal ang shoes and socks ko sinunod ko na damit ko. Oo tama, nabold ako sa bus. walang pakialamanan. Buti may dala ko pamalit na shirt. Maayos na lagay ko sa upuan diring diri parin ako sa sitwasyon ko! Ayoko sa lahat nababasa ng tubig ulan galing kalsada kahit talsik lang. Lord naman talaga sa kamalasan araw na to.

Nang kumalma na ko sa upuan ko nakaramdam ako ng todo ginaw. Inayos ko ang aircon. Paksyet! Sira ang putares na aircon, hindi na din ako pwde lumipat ng pwesto at puno na. Kaya wala na kong nagawa kundi tiisin ng mahigit tatlong oras na paninigas sa pwesto ko dahil pag talagang mapalad biyaheng dadaan pa ng bulacan ang nasakyan namin. Ano ba nagawa ko para parusahan ng ganito?????nakakaiyak talaga. Nang mapagtanto ko na malapit na ko sa babaan, abot tenga tuwa ko! WOOOHHHOOOO!!!maiinitan na ko sa wakas. Paghinto nang bus mabilis kong kinaladkad katawan kong sing tigas ng bangkay ni marcos pababa. Hallelujah!!!!!!!! Ang sarap ng init. Non ko lang naappreciate ang ambiance ng tahanan ni lucifer.

Nakarating naman ang promdi ng buhay at matiwasay sa bahay bagamat bahagyang manhid parin sa lamig ng biyahe. Peste talagang araw to!!Binuhos lahat ng kamalasan. Life's a bitch! Sa kabila ng lahat ng mali at kapalpakan tatapusin ko ang araw na to ng tama sa pamamagitan ng pagtulog na mala comatose. Katok sa kahoy! Baka macoma nga ako. MALAS!!!!!

Bungaga!

This entry is dedicated to POGI.... hahahaha! Ayaw na ayaw ni pogi ang salitang BUNGANGA! Nakakairita sa pandinig niya.... Mapag iinit mo ulo niya. Ako man e napapangiwi sa salitang yan. Di bale nang mabasa ko wag ko lang madinig. Iba kasi ang dating, lalo na kung madiin pa ang pakakabitaw na kala mo bombang pinsabog!BUNGANGA!hahahaha...kakabuwisit talaga. Parang clown, parang si mahal, parang parang parang IKAW! kairita.


Bakit ba kasi bunganga? Pwede namang bibig. Hindi maganda pakinggan e. Parang walang class.hahaha! Lalo na kung maririnig mo pa sa mga edukado at respetadong tao. Tulad nitong si Dra. ***** secret sympre. Nang magpachek up sa kanya nasabi niya ang bunganga!pak!Nanginig laman ko don. Ako na nahiya para sa kanya. Gagabulkan ba sa laki ang bibig at tinawag na bunganga!eeewwwwww.... Kung si pogi yon, nangisay na siya.

Pero kung balak niyo lang buwisitin si pogi dahil trip lang tulad ko, just shout BUNGANGA to her face! hahahaha... Tapos bilisan mo takbo, at siguradong ililibing ka niya ng buhay! pwede din iRAP mo sa kanya tulad ng ginawa namin ni Yow.. (note: puyat si pogi kaya walang energy manghabol ng saksak)

AKO: when i say BU you say NGANGA! BU!
YOW & POGI: (oo jumoin pa siya dahil hindi buo) NGANGA
AKO: BU
YOW&POGI: NGANGA!
YOW: BUNGANGA!!!!
POGI: siyet naman yow e!!!!


hahahahahaha! nangawit ang BUNGANGA ko kakatawa kay pogi.whahahahahaha!kakabuwisit talagang salita oo.

Cotton Candy

Pabalik na kami ni pogi sa siyudad ng ayain kami ng utod naming bait na tita na sumama sa kanila umattend ng party... Dahil pagkain yon game! Habang nasa biyahe nagbanta ng bahagya ang magaling kong pinsan na si jingle*...


JINGLE: Kumain kayo ng mdami don a. Ayoko ng hihiya hiya kayo... Papatayin ko kayo (pinanlakihan pa kami ng mata)

AKO: sige!Kahit nasusuka na ko para sayo "lalamon" ako....(napalunok pa ko)

Pagdating sa party bahagyang nagpanic si pogi...Natanaw niya sa pinto na may mga clown!SIYET!Putrez talaga mga clown. Nakakairita hindi kaiga igaya.hahahaha! Children's party pala. Late na dating namin. Nagsstart na program. Parang nangaasar pa hinayupak na clown, inannounce pa ang pagdating namin. Siyempre all eyes sa mga late comers kala mo artista dumating!woohoo...

Kumalma na si pogi. Ako naman ang bahagyang nagpanic, nakita ko ang isa sa mga shitface ng buhay ko (hindi ex ko) dinaanan ko lang siya, kunyari di ko napansin.Nagmamadali pa ko. Umupo na kami sa table namin. Agad naman kami hinainan ng mga waiter.magaling...hindi na tatayo. Masarap naman ang mga pagkain. Fried chicken, spaghetti, palabok, walang kamatayang hotdog on a stick ang bago lang may pinya sa dulo, mga puto. Sarap ng lapang namin. Nang medyo parang susuko na ko sa busog (kahit kokonti palang nakakain) pinanlakihan nanaman ako ng mata ni jingle at pinagbantaan ang buhay ko!DEYM!Katimawaan ang ikamamatay ko. Natapos na kainan. Maya maya naglabas pa ng ice cream ang waiter. Damoho! Palihim ko nang inabot sa tita ko share ko.

Maya maya napansin ko, Aba! sosyal may cotton candy maker sila. Sa kabila ng kabusugan naeexcite ako. sarap! Pero nahihiya kaming tumayo ni pogi para kumuha ng cotton candy. Puro bata lang nakapila. Nasiphayo ako. Maya maya nakita ko ang gaga kulangot kong pamangkin with a smirk on his face. Parang nang aasar makangisi at may cotton candy siya. Napaginit niya ng bahagya ulo ko. Kinurutan ko nga ng malaki CC niya.ano ka ngayon! Nashock nalang si pamangkin. hahahaha!Pumapatol talaga ko sa bata. Nakakain din kami ng CC kaso bitin. Si insang Uod* di nakatiis tumayo nagpakabrave. Akala ko ikukuha kaming lahat ng CC. Pagbalik niya...ANAK NG UOD! Sarili lang kinuhanan. Sakim! Pinagtatawanan lang kami ni Jingle na masama ang tingin sa CC ni Uod. Mapapatay ko si Uod..Badtrip na ko! Maya maya naawa ata si Jingle. ikinuha na kami ng sarili naming CC. Yes! kahit may ubo pa ko tinira ko kagad ang masarap na candy. Mabilis kong naubos kala mo may aagaw.hahaha! Happy na ko..

Kaya naman ng mag magic na ang mga pesteng clown na kaming tatlo lang ata nila pogi at uod ang nakakaappreciate e todo palakpak ako dahil masaya ko sa cotton candy ko.hahahaha!

Wag niyo ko pagdadamutan kahit kelan!!!

RATED PG


PG.Hindi yan Parental Guidance brothers and sisters.... PG stands for PATAY GUTOM. That's right.... Katangian naming mga duty ng dialysis. Nakakahiya man aminin. Ano magagawa namin. Panay baha ng grasya, masama naman tumanggi..Baka mgtampo mawala. Grab ng grab! hahahaha...


Simula ng maduty ako ng dialysis nakilala ko ang mga nagbabaitan naming pasyente. Bukod sa mabait lang talaga sila, masipag silang magshare ng blessings. Sila na may sakit kami pa dinadalan ng food. SWEET! Thoughtful... Tulad kanina naramdaman siguro ni ate A* na hindi kami nagsipag almusal. Dinalan kami ng pantawid gutom na almusal form McDonalds...Oha! Dahil mali sa bilang si ate A*(nagreklamo pa, tapang hiya) hati hati kami. Pero gulangan sa hati, mas malaki hati ng iba. Unfair! Sumakit sana tiyan. hahahaha! Nakalma na kami. Parang laging may pafeeding session para sa mga nurse ang mga pasyente namin. Nung minsan may nagdala ng cake, may nagpapizza, nagdala silvannas, nagshare ng imprted na cookies (na sinunggaban ng bongga dahil IMPORTED)....sarap ng buhay!

Nang araw na yon (actually today yon) session din ng imported naming patient. Galing siya ng New York at nagbabakasyon lang sila dito. Hindi kami gaano lumalapit sa kanya kahit mukha naman siyang mabait. Iniiwasan lang naming kausapin niya kami ng english at wala kaming maisagot kundi "YES" at "NO"...Baka mapadugo niya lahat ng mapapadugo samin. Kaya distansiya amigo. Minsan parang medyo may attitude si ate napapahamak kami. Kaya pag session niya madalas alisto kami sa oras kung anong oras siya matatapos.hahahaha! Nagmamadali idispatcha? Kanina parang nagaasar habang nakasalang siya, nagkaaberya at naginarte ang machine niya. WTF! Magtatagal pa siya. Naayos din naman pero naextend pa ng bahagya. Bago mayari session ni ateng nagpaorder ng miryenda. Akala namin para sa kanila yon pala para sa aming lahat. Naku po! Nangongonsensya ata. Umorder sa jollibee. Medyo choosy pa ang butihin naming head nurse gusto pa sana pizza. Ay tapang!hahahaha... Nang makarating ang pagkain, galit galit nanaman muna. Lapang time e! Nagthank you muna syempre kami. Nakakwentuhan pa namin sandali si ate. Mabait naman pala siya. Judgemental lang talaga kami at saka bati na kami dahil pinakain niya kami. hahahaha! Salamat po...

Sa ngayon iniiwasan kong magtimbang. Ayoko sumama loob ko. Malamang sa malaki na itinaas ng timbang ko. Pruweba naman na pumuputok na uniform ko. Katimawaan!

"GLUTTONY IS A SIN"


Nginig

Kahirap naman talaga...Nagduty pa ako kahit masama na pakiramdam ko. Balak balak ko na sana dumiretso sa puneraryang nadadaanan ko araw araw bago pumasok. Is that a sign?wapak! Dahil ayoko umabsent nagpakitang gilas akong pumasok. Dahil kailangan ko magpalit ng off...Basta yon.


Mabigat ang katawan ko. Pumasok nga ako tamad mode naman ako. Hinayaan ko ang mga kasama ko lang ang gumawa. Palusot ko mahahawa pasyente. Lusot! Nagpalamig lang ako mgahapon. Iisa lang naman ang pasyente kaya petiks lang ulit. Chill lang kami lahat. Si kuya W***** e matagal nang hindi nagdadialysis. Siya lang ang pasyente ng araw na yon. Matagala na sana noon pa ang session niya. Feeling doktor ata, gumawa ng sariling schedule niya. Kundi pa magmukang sinukaan sa putla hindi pa pupunta ng ospital. Astig din sa tigas ng ulo....

Ang aming tahimik na mundo ay winindang ni kuya W***** ng bigla nalang siya mangisay. Woah! Tayuan kaming lahat.... Pati anak niya ata na mukang jowa niya. Oo napagkamalan ko silang mgasawa. siyet! Habang inaayos namin ang kalagayan ni kuya W***** si ateng naman parang nasa pelikula kung magwala. Umeeksena alugin ang tatay e nangingisay na nga. Sumisigaw pa! Todo pigil akong di tumawa... Hay! Block buster hit ang acting ni ate... Sama talaga ng ugali ko. Humupa din naman ang pangingisay ng pasyente. Kaso naconfine pa siya. O yan sige..Napamahal pa sila ng gastos sa katigasan ng ulo.

Yan ang napapala ng mga pasyenteng matigas ang ulo. Dinodoktor ang sarili hindi naman doktor. tsk tsk.... Kundi pa mamatay matay hindi pa babalik. Suzme. Kung ayaw nang humaba buhay pumirmis nalang sa bahay!whahahahaha...

in sickness but not in health

Nakakabanas ang hina ng resistensiya ko! Konting kibot sakit... Di ko alam kung dahil sa panahon na sing gulo ng utak ko, pagod sa scrabble, pagod sa duty o stress kakaisip bakit ang ganda ko! (sensya na! nagagandahan ako sa sarili ko e).... Paguwi ko kagabi galing sa duty mabigat na ang katawan ko....Humimlay na ko kagad dahil i know this feeling already... Sipon and ubo is coming to town! Parusa naman talaga...Dumating nga ang favorite tandem ko na walang kasing tikas at di umubra sa vitamin C na lagi ko tinetake...Teka macheck nga!baka candy lang yon a...naloko na! Sinamahan pa ng lagnat... perfect! Pero hindi ako papatalo. Lumaklak kagad ako biogesic.... Hindi ako aatras John Lloyd.hahaha!


Ngayon may sakit nga ako... Ganyan ang katawan kong mahal ako ng todo. Mentras inaalagaan ko lalo ako tinatraydor. O diba..Sweet and ideal relationship kami ng katawan ko. MAsyado accommodating. Every sakit is welcome... Kagagaling lang eto nanaman. Buwan buwan may bagong sakit. Ngayon ko naisip... Kailangan ko na pasukat ng gown at kabaong. I think my body is killing me softly and slowly.hahahaha! badtrip... Kahit may virus ako papasok parin ako sa duty. Gusto ko manghawa! hahahaha...sama ng ugali. Para hindi lang ako ang nagdudusa...

O well sabi ni insang BOndoy kungdi lang ako sick lilibre niya ko sine... Dahil timawa sa libre sabi ko magaling na ko! wooohhhooo....!!!Mukang mapera si insan. Nakarami kaya ng tip mula sa pole dancing?hhhmmmm....


pass

Ngayong araw na to e pagod ako..kaya pass muna ko sa pagsusulat ng mga walang kwentang bagay.... Kaya paumanhin sa napakarami (mommy,yow, mukay, at boga) kong mambabasa. Pwede naman pahinga diba...Walang masama.Hindi ako galit...hahaha! See you soon. Steady lang kayo jan... At habang wala ako kumanta muna kayo. Here we go! KUNG GUSTO MONG LUMIGAYA ANG INYONG BUHAY BASAHIN ANG BLOG NI UNGAS AT IBIGIN MONG TUNAY...parang panget lang...hahahaha!

true love?


Dahil off ni inday (ako yon) ngayon nais ko magrelax mula sa busy busyhan kong buhay.pwe! Kinaray ko kaibigan ko magmall ngayon. O diba chimay na chimay...Napagkasunduan namin na manood ng sine. Pinili namin yung eclipse. Ayaw namin paiwan. Pero hindi tungkol don kwento ko.


Hapon na kami nagkita ni friend...Nauna ko ng bahagya sa mall. Di halatang sabik! Habang hinihintay si friend nilibang ko muna sarili ko sa panlilibak ng katangian ng mga tao. You know me, pintasera queen. Nakarami na ko ng napagdiskitahan ng dumating si friend. Since maaga kami para sa next showing nagikot ikot muna kami. Hanggang sa napadpad kami sa bookstore. Habang nagiikot may nasagap ang mata ko! Isang tunay namang gwapo na parang siya lang ang anak ng Diyos. Sa kanya lang binuhos ang kgwapuhan. Pagdating sa ganon mabilis pa sa agila ang mata ko.Matalas!Lumilinaw paningin ko sa kabila ng astigmatism ko at iniindang 475 na grado ng mata.kire din e no....Kinalabit ko si friend at shinare ang greatest discovery.

AKO: girl, kagwapo ni kuya..ayun o.
FRIEND: ay oo nga..hihihihi

Talaga naman ang ganda ng view. Nasira nung lumitaw yung julalay niya. But wait!Hold on!She's not his julalay!She's the JOWA!napa WTF! ako ng matindi. Si gwapo ata ang may diprensya sa mata hindi ako. Alangya si jowa. Kung anong ginwapo nung bf siyang bagsak ng itsura ni girl.whahahahaha!Alam niyo naman ako pintasera. Alangan talaga kasi..Ang beauty ni gf e yung mga tipong sagot sa tanong na kung huling araw mo na sa mundo at hahaba lang buhay mo pag jinowa mo si (dito pasok si gf) papatulan mo ba...?Dahil desperado kang humaba buhay mo papatulan mo. Ganon kahaba ang hair niya. Kahit nga yung kahera e naintriga. Hindi din siya makapaniwala sa nakikita niya. Nagkatitigan kami ni ateng kahera na may mga ngiti sa labi. Nakaintindihan na kami. Pareho kami naiisip..May pag-asa kami.hahahaha! Mas nakakasuya pa lalo ng si kuya umaktong possessive sa parang possessed na itsura ng syota.woah! Kung makayakap parang diamante hawak kahit mukang pwet ng baso lang...Halatang patay na patay si kuya.Astig! Ibang klase ang gayuma ni girl...Gusto ko sana lumapit at tanungin ang secret niya.eeewww...chipangga! True love nga naman... SO uber blind. Sabi nga ni pogi, Love is not blind it just chooses not to see...lalim!

Para sa jowa ni mr. wafu suotan mo ng makapal na helmet ang bf mo...Baka biglang mauntog sakin mapunta!ingat ka...bwahahahahahahahaha!!!

Parlor Sales Talk


Hindi ako mahilig magpaparlor...Kuntento na ko sa exotic kong beauty. May sarili kong ganda. Wala din silbi parlor at maloloss ang beauty and powers ng mga beki para aregluhin ang itsura kong sinukuan na din ni Bro. Kung hindi kinakailangan, hindi talaga ko pupunta ng parlor para humingi ng tulong sa mga beki.Mapride? Hindi din...


Kundi pa aabot sa balikat ko (ganon lang kahaba ang kaya) ang buhok ko minsan hindi pa ko pupunta ng parlor. Kundi pa ko mahirapan sa paglalakad dahil sa sakit ng in grown ba yon sa kuko? basta yon. Hindi parin ako sasangguni sa mga beki. Bakit? Kasi naman nakakapika. Hindi ka basta basta makakapagpagupit. Madaming obstacles. Magpapagupit lang ako ng simpleng gupit kailangan pang alipustahin ni mamang ang buhok ko at alukin ng anik anik na services para mapagmukang model ng shampoo buhok ko.... Bading: ang dry ng hair mo. pacellophane ka na para gumanda. Lalambot pa tapos kikintab siya (tao?)... Ako: Hindi na po. Maya maya pa Bading:Ihot oil nalang natin ganda...Para magkalife naman siya Ako: (naiirita na..hindi na). Ilang minuto pa, Bading: Relax kaya natin. Makapal kasi tsaka buhaghag...Wow!Pursigido talaga si ateng. Hindi ako tantanan. Isa pa, Bading:Try mo kaya gumamit ng (insert name ng shampoo dito)....Alukin pa niya ko ng wig baka bumigay na ko. Bawal kaya sa parlor nila ang gupit lang? Pag nagpamanicure pedicure din madami pa din muna pintas bago mo makuha ang inaasam mong serbisyo. WWWWaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!! Kung makasales talk sila mamang parang nagtitinda lng ng insurance....Motto ata "wag kang aayaw!think positive"... Imba!Kailangan pa talaga pintasan ka.hahaha! Dahil todo tanggi ko sa offers nila gaganti ata ang mga beki, bibigyan ako ng gupit na medyo sablay, minsan lalabas ako ng beauty parlor na mukang galing ng funeral parlor....tsk tsk. Dumiretso nalang sana ko sa punerarya. Hay naku! Naghangad na nga iimprove ng konti itsura lumala pa.hahaha!

VANITY IS A SIN...HAHAHAHA!

Ang Regla ni POGI


Title palang parang alam niyo nang kadiri tong entry na to...Madugong usapan to.Hindi ito pangyuyurak sa pagkababae ni pogi.With consent to signed in front of Yow as witness!Siya pa nagsuggest.San ka pa!May kusang palo magpakutya... At sa pambubuyo pa ni Yow, sige tirahin natin to.hahahaha!


Ako e nagising na masama loob dahil sa pagkaaga para sa paghahanda sa duty. Nagpainit ako ng tubig pampaligo para hindi pasukin ng lamig ang likod ko.Parang lola lang..tsk tsk! Nagising ang diwa ko sa ligo ko...woohhh!SARAP!!!presko..Paglabas ko ng banyo nagmamadali akong sinalubong ni pogi na kala mong lalaban sa marathon kung tumakbo. Huminto ng mga ilang hakbang sa harap ko at parang eksena sa mga pelikula, POGI: ate!ate!tignan mo dugo ko!grabe! , AKO: (dahan dahan binaling ang tingin pababa hanggang sa matapat sa tinutukoy ni pogi) eeeee...YUCK! Yon lang nasabi ko. Malakas na umaagos parang ilog pasig ang eewwwyy blood ni pogi.exagg talaga e no.....Kala mo nanganak o nakunan si pogi.Deym!Naisip ko sayang dugo niya parang gusto ko pa sana sahurin para pwede madonate sa red cross.Marami pa madudugtungan ang buhay.tsk tsk! Maya maya pa, Pogi: Tignan mo sa hagdan parang may kinatay! Jusme naman talaga proud pa siya na ginawa niyang sanitary napkin ang aming hagdan. Magaling! Hindi ko naisip kalagayan ni pogi....Sabi ko lang"Gago ka!Linisin mo yon.Kadiri ka.." O diba sweet? Inisip ko pa linis ng bahay kesa sa massive blood loss ni utol. Kasi naman kung saan galing yon.Ayoko na isipin!hahahaha.... Bandang huli naisip ko na din isuggest na magpacheck up siya sa doktor...Baka kasi mamatay to sa puder ko patay ako kay ermats.hahahaha! Umayaw ang ulaga.Natakot ata baka biglang rasapihin o kaya tanggalan ng matres!hahahaha....Dahil umayaw siya, pumasok na ko at iniwan siyang naliligo sa sarili niyang dugo.MURDER? Malamang sa nag diaper na siya para masolusyunan ang problema niya.
Buwis buhay magdugo si utol...scary!

Hahahaha!Ano ka ngayon...Niloloko mo pa ko pag madalas akong iniindian ng dalaw ko. Ayos na yon.Tipid sa napkin...Ngayon mo ko lokohin.IN YOUR PEYZ!!!!hahahaha....Kaya hindi din fun maging babae e. Parusa! Gastos na sa pantapal, sasakit pa lahat ng pwede sumakit sayo,duduguin ka pa ng bongga na walang kapararakan... Pasakit!

Para kay pogi ang masasabi ko lang...HAVE A HAPPY PERIOD!!!wahahahahaha

scrabble tournament


Kahinaan ko ng bahagya ang word games...Masaya, pero sadyang hindi ata talaga ko pinagpala sa ingles.hahahaha! Pagsubok na matindi...


Dahil masyado kaming busy at abala sa dialysis unit naisingit pa naming maglaro ng makapang massive Blood Loss na SCRABBLE...o diba! Medyo petiks o laid back lang ang duty sa dialysis di katulad sa ward na ihi nalang ang pahinga.... Para maibsan ang boredom, napag-isipan ni macky* na magdala ng scrabble. Let the battle begin!Dahil 9 kami at hindi lahat pwde maglaro, automatic nagtatag team na kagad. Bahala ka na kung san mo gusto... Masaya naman maglaro. Pipilipitin mo talaga ng todo utak mo, pipigain mo lahat ng mapipiga (bawal bastos) makaparproduce lang ng mga bonggang word na patok at tiba tiba sa score. Unahan makapwesto sa triple word, o triple letter.... Dahil masyadong competitive mga kasama ko sukdulang tumira ng pipitsuging salita mabarahan lang ang tititrahan ng kalaban. Pinoy talaga ayaw palamang.hahahaha! Minsan pa sobrang piga ang maititira lang IT, IF....todo na yon! Duduguin ka talaga..English pa naman! Kahirap talaga....Sa kagustuhan minsang makascore ng malaki gumagawa ng sariling salita...May sariling dictionary!astig...

Naadik na ata kami sa pagscscrabble...Hindi na talaga tatantanan. Pagpasok palang uumpisahan na. Kanya kanyang pwesto na kala mo uumpok lang sa inuman. Kain nga lang ang pahinga. Sa sobrang pageenjoy minsan nadededma na namin ang mga psyente (lagot tayo) bahala na kung sino makunsensya samin at gagawa....Naglalabasan na din ang mga tunay na kulay. Nawawala ang pagkademure at mapapabitaw ng mga salitang wala sa dictionary ni lucifer pag naunahan sa tira nya...o diba masaya! Araw araw parang tournament...Pinaghahandaan ang duty hindi scrabble...ay baligtad! hahahaha...O siya magrereview pa ko ng dictionary para hindi nakakahiya sa mga team mates ko...

May salita bang ganito? *******