Now You Know!

Pag nakakapanood ako ng mga kabalubasahan ng tao sa tv napapaisip ako... Papaanong pagpapalaki kaya ng magulang sa mga taong yon at lumalaking walanghiya... Bakit kaya nagkakaroon ng mga kampon ni best lucifer sa mundong ibabaw.


O well mukang kanina nalaman ko na ang sagot.... Nagawi ako ng mall kanina matapos ang kawindang at kapagod na duty (UNO!). Nagkita kami ni pogi sa mall... Maya maya nag-aya kumain si Pogi at utod na daw gutom. Naawa naman ako kasi baka mabawasan ang timbang kaya gow! Pero dahil dukha ako, siya lang ang pinakain ko. Yagit e! Kesa magmuka akong kawawa habang pinapanood kumain si Pogi, iniwan ko siya saglit... Nagpunta ko sa isang tindahan (sari sari store?) para bumli ng gamit panglantod. Magbabayad na ko kaya siyempre pumila na ko sa cashier. Papito pito pa ko habang naghihintay ng turn ko. Umalis saglit yung nasa harap ko at hindi pa ata tapos magshopping.sige lang! Natapos na yung nasa harap ko, may sumingit. Ay putek! Walang modo si ateng mabilisang nilapag ang lotion na pampaputi sa counter na muka namang wa epek sa kanya dahil sing kutim parin siya ng uling! Nagmamaganda. Hindi na ko kumibo. Pagbigyan ang mas mababang uri. Galit siya sa puti ko!hahahahaha...Matapos ang nagbabagang uling, ako na sana magbabayad. But wait! Ang kaninang babaeng umalis sa pwesto umover take na parang ambulansya sa harap ko. WOW BASTOS! Mainit na ulo ko. Ayoko ng nasisingitan sa pila dahil turo ni ermats kabastusan yon.Tama naman si ermats. Kung makaasta pa si ateng kala mo tama ginawa niya. Maya maya sumingit sa harap ko ang mukang surot niyang anak at may pinabibili. Isa pang bastos!mana sa inang impakta. Tinapakan niya ang puti kong KEDS duty shoes ng JAPEYK niyang NIKE!!!! Todo tulak pa siya sa akin at hindi nagsorry.Ako pa ata dapat humingi ng pasensya at nakaharang ako sa daan niya.WEH! Siyempre ang inang bastos hindi binawal ang anak. Ay badtrip! Hindi pa tapos. Matapos makuha ng surot ang nais niya tinulak niya ulit ako at pumunta sa tatay niya. Ang inang bastos napagtripan mamili ng buy1 take 1 na pampakintab ng buhok sa counter para sa nirelax na buhok niyang mukang walis tambo ang itsura. Sinapuso talaga niya ang "TAKE YOUR TIME" todo pili kala mo nakasalalay sa choice niya ang buhay ng mundo...Buset! Pagtingin ko sa kahera halatang irita na rin. Pero dahil bastos nga siya dedma siya sa paligid niya na di inaalintana ang mga kasunod sa pila. Nang makapagdecide na hindi bibili ang putaragya lumayas na at as usual tinulak ako at hindi nagsorry! Suzme nga naman....Pinto ba ako na may nakasulat na PUSH????!!! Tunay na bastos na mag-ina! Hindi turuan ng ina ng mabuting asal ang anak na mukang surot! Magtataka ka pa ba e napakahusay ng example.hhhhhhhaaaaaayyyyyyyy!!!!!!!!!

Ang magulang ang gabay natin sa pagtanda. Kung paano tayo mamuhay o kumilos kadalasan impluwensya ng magulang... Dahil sa nakakapag painit ulo kong karanasan naisip kong ang bata kundi tuturuan ng magulang ng tama e hindi tutuwid at habang buhay aakalain tama ang ginagawa..... Kaya pala may mga taong lumalalaking walanghiya dahil kulang sa gabay ng magulang. Now I Know!

2 comments:

YOW said...

Whoa! Naisip mo yun? Haha. Wala lang manners yun. Pagpasensyahan mo na. Bakit parang puro kabwisitan ang entry mo? Walang happiness? Haha.

Ungaz said...

oo nga no...sorry naman yow!nagsunod sunod kabwsitan e...hahaha!

Post a Comment