PG.Hindi yan Parental Guidance brothers and sisters.... PG stands for PATAY GUTOM. That's right.... Katangian naming mga duty ng dialysis. Nakakahiya man aminin. Ano magagawa namin. Panay baha ng grasya, masama naman tumanggi..Baka mgtampo mawala. Grab ng grab! hahahaha...
Simula ng maduty ako ng dialysis nakilala ko ang mga nagbabaitan naming pasyente. Bukod sa mabait lang talaga sila, masipag silang magshare ng blessings. Sila na may sakit kami pa dinadalan ng food. SWEET! Thoughtful... Tulad kanina naramdaman siguro ni ate A* na hindi kami nagsipag almusal. Dinalan kami ng pantawid gutom na almusal form McDonalds...Oha! Dahil mali sa bilang si ate A*(nagreklamo pa, tapang hiya) hati hati kami. Pero gulangan sa hati, mas malaki hati ng iba. Unfair! Sumakit sana tiyan. hahahaha! Nakalma na kami. Parang laging may pafeeding session para sa mga nurse ang mga pasyente namin. Nung minsan may nagdala ng cake, may nagpapizza, nagdala silvannas, nagshare ng imprted na cookies (na sinunggaban ng bongga dahil IMPORTED)....sarap ng buhay!
Nang araw na yon (actually today yon) session din ng imported naming patient. Galing siya ng New York at nagbabakasyon lang sila dito. Hindi kami gaano lumalapit sa kanya kahit mukha naman siyang mabait. Iniiwasan lang naming kausapin niya kami ng english at wala kaming maisagot kundi "YES" at "NO"...Baka mapadugo niya lahat ng mapapadugo samin. Kaya distansiya amigo. Minsan parang medyo may attitude si ate napapahamak kami. Kaya pag session niya madalas alisto kami sa oras kung anong oras siya matatapos.hahahaha! Nagmamadali idispatcha? Kanina parang nagaasar habang nakasalang siya, nagkaaberya at naginarte ang machine niya. WTF! Magtatagal pa siya. Naayos din naman pero naextend pa ng bahagya. Bago mayari session ni ateng nagpaorder ng miryenda. Akala namin para sa kanila yon pala para sa aming lahat. Naku po! Nangongonsensya ata. Umorder sa jollibee. Medyo choosy pa ang butihin naming head nurse gusto pa sana pizza. Ay tapang!hahahaha... Nang makarating ang pagkain, galit galit nanaman muna. Lapang time e! Nagthank you muna syempre kami. Nakakwentuhan pa namin sandali si ate. Mabait naman pala siya. Judgemental lang talaga kami at saka bati na kami dahil pinakain niya kami. hahahaha! Salamat po...
Sa ngayon iniiwasan kong magtimbang. Ayoko sumama loob ko. Malamang sa malaki na itinaas ng timbang ko. Pruweba naman na pumuputok na uniform ko. Katimawaan!
"GLUTTONY IS A SIN"
0 comments:
Post a Comment