Nginig

Kahirap naman talaga...Nagduty pa ako kahit masama na pakiramdam ko. Balak balak ko na sana dumiretso sa puneraryang nadadaanan ko araw araw bago pumasok. Is that a sign?wapak! Dahil ayoko umabsent nagpakitang gilas akong pumasok. Dahil kailangan ko magpalit ng off...Basta yon.


Mabigat ang katawan ko. Pumasok nga ako tamad mode naman ako. Hinayaan ko ang mga kasama ko lang ang gumawa. Palusot ko mahahawa pasyente. Lusot! Nagpalamig lang ako mgahapon. Iisa lang naman ang pasyente kaya petiks lang ulit. Chill lang kami lahat. Si kuya W***** e matagal nang hindi nagdadialysis. Siya lang ang pasyente ng araw na yon. Matagala na sana noon pa ang session niya. Feeling doktor ata, gumawa ng sariling schedule niya. Kundi pa magmukang sinukaan sa putla hindi pa pupunta ng ospital. Astig din sa tigas ng ulo....

Ang aming tahimik na mundo ay winindang ni kuya W***** ng bigla nalang siya mangisay. Woah! Tayuan kaming lahat.... Pati anak niya ata na mukang jowa niya. Oo napagkamalan ko silang mgasawa. siyet! Habang inaayos namin ang kalagayan ni kuya W***** si ateng naman parang nasa pelikula kung magwala. Umeeksena alugin ang tatay e nangingisay na nga. Sumisigaw pa! Todo pigil akong di tumawa... Hay! Block buster hit ang acting ni ate... Sama talaga ng ugali ko. Humupa din naman ang pangingisay ng pasyente. Kaso naconfine pa siya. O yan sige..Napamahal pa sila ng gastos sa katigasan ng ulo.

Yan ang napapala ng mga pasyenteng matigas ang ulo. Dinodoktor ang sarili hindi naman doktor. tsk tsk.... Kundi pa mamatay matay hindi pa babalik. Suzme. Kung ayaw nang humaba buhay pumirmis nalang sa bahay!whahahahaha...

0 comments:

Post a Comment