Kaninang umaga nagrerebulusyon sa gutom ang maselan kong tiyan kahit nagalmusal naman ako bago magduty... Ayoko kasi magduty ng hihilo hilo sa gutom dahil lang i'm watching (pinapanood lang na literal lumobo) my figure....
Hindi lang pala ako ang tumitirik ang mata sa gutom. Kaya naman sinulusyunan namin agad. Dahil mga todo tipid at ubos na ang allowance, sa malapit na dokling's** eatery nalang kami bumili ng pagkain para makamura. Napili ko ang mukang napakasarap nilang egg pie habang ang mga kasama ko pinili naman ang cheesy, creamy so deliciously looking ensaymada. Masaya kaming bumalik sa pinanggalingan dala ang aming mga pantawid gutom. Yes! Kainan na... Dali dali kong binuksan ang egg pie ko na mukang napakasarap. Sa first bite... hhhhmmmm! Delicious. Para kong chef na nanghuhula ng ingredients sa bawat kagat ng tinitibag kong pagkain. I taste sugar, egg, milk, a hint of vanilla? some lemon perhaps? teka! may asim factor ang egg pie? Minulat ko mata ko at sinipat maigi ang aking pie... Nang may makita ako sa isang sulok na special ingredient. What is this i'm seeing? A small flower in my pie? WTF!!!!!!!!!!! AMAG!!! Namumulaklak sa amag ang hinayupak na pie.wwwaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!! Parang buntis na naglilihi tumakbo ako sa tagong lugar at saka niluwa with matching duwal sound para dramatic ang impaktong pie na kasalukuyang ninanamnam ko.YUCK!!! Sa mga nakarinig, tinanong kung buntis daw ba ko. Naglilihi ko sa amag? Naka isang toneladang tubig ako para mabanlawan ang bibig ko. Tinapon ko na ang natira at umupong tahimik sa pwesto ko na parang walang nangyari. Di na ko kumibo at nakakahiya pang malaman ng iba ang karanasan ko. I just quietly watched the others ubusin at MANGALAHATI na sa mga ensaymada nila. Naisip ko, buti pa sa kanila walang amag.... Badtrip!
Maya maya itong si IV napatigil...
IV: siyet!May amag ensaymada ko....
AKO: (painosente itsura) sakin din kaya tinapon ko e...
Yes! Hindi lang pala ako ang nabiktima!whahahaha.... Tinapon na din ni IV ang kanyang ensaymada. Napagusapang tawagan ang tindahang salarin sa aming pagkadismaya at nagreklamo. Sabi ni ateng tindera ibalik namin ang mga may amag nilang produkto at papalitan nalang. Naku po! Di ko na sinabing natapon ko na. Dahil sa panghihinayang sukdulang nabubulunan na ko sa paglunok ko ng kaartehan ko at todo gloves ako at saka hinango mula sa INFECTIOUS waste ang aking pie. Kung bakit kasi don ko pa naitapon.Tanga! Sinupot namin ang mga amag goods at saka isinauli sa mahaderang tinderang nagdidisplay ng maksirang tiyan na pagkain. Hindi na ko nang away at baka hindi palitan. Medyo worried na ko non dahil sensitibo ang tiyan ko sa mga ganong bagay. Wala naman akong balak magpaospital at maging pang 11 na pasynte sa sensus ng buong hospital (ganon karami ang pasyente).... Kaya maghapon akong todo water therapy. Awa ng Diyos hindi nasira ang tiyan ko at hindi din napalitan ang pie at ensaymada namin. Sayang ang salapi. gggrrrr!!!!!!!
Kaya sa susunod dapat alerto ang mata pati panlasa.... Ingat ingat sa sinusubo sa bibig ano man yon (wag kang green minded)... Kesa mabiktima ng amag tulad ko. A friendly reminder mula sa PG na nurse.
2 comments:
Euw euw. Haha. Ang masiba nga naman. Bow! Kaya ka natitipus. Dalawa na kayong hall of famer pag nagkaton. Pagkain lang kasi binibili dun as in meals. Wag yung mga ganun. Parang yung mga tinapay dun last year pa. Haha. Nung unang nagduty ako dun.
typus gurl ka pa naman!yagit ka ba?gumastos ka pa para kumain ng may amag e ang dami nun basurahan naten..nagbaon ka na lang sana diba?tssss
Post a Comment