Now put your hands up!

                                 Kung si idol glentot may titang sasha fierce, kami naman  may tatlong tiyahin na miyembro ng destiny's child at ang buhay nila e yumuyugyog sa saliw ng SINGLE LADIES!!!!!

                           All the single ladies, Now put you hands up! Tita #1 ,#2, and #3 ay ang mga dakilang ate ni ermats na bumubuo sa destiny's child. Ang destiny nila? To be together forever, and be forever single!SAKLAP!!!!! Sa larangan ng pagibig medyo inaalat ang aking mga tita. Hindi ko malaman kung allergic sa lalaki ang mga yon o masyado lang choosy. Nadarama ko ang salarin ay ang mga lintik na pocketbook! Dahil mahilig magbasa ng romantic pocketbooks ang destiny's child nangarap ata ng mala perpektong love story. Dahil pareparehong single, kung si BM nakatira sa pink house ang destiny's child nakatira sa kanilang bachelorette's pad. The single ladies' house.  At doon may imaginary sign na BAWAL ANG MAY ETITS DITO! (ay bastos!)
Hindi naman sana man hater ang tatlong Maria pero mukang may nakatatak sa noo na no boys allowed na lalaki lang ang nakakakita. I think they've been naughty kaya hindi niregaluhan ni santa ng papa for christmas.hahahaha!  Paminsan minsan hesitant akong magtagal sa single ladie's house at malmang sa matulad sa kanila ang kapalaran ko.(viral ang pagkaspinster?) Sus ko po diyosmiyo! Buong lakas na ang binubuhos ko para iwasan ang daang tungo sa katigangan for life. Ay! being alone pala. ano ba yan! Ngayon palang kabado na ko.whahahahaha! To be together forever with the single ladies everyday may pagka nightmare from elm street. Nakakaloka! Hindi mo alam kung alin ang realidad at panaginip....Dahil sila sila lang ang laging magkakasama hindi maiiwasang sila sila lang din ang magkainitan. At pag nagsabay sabay nang bumirada ng armalite ang dakilang trio, dumapa ka na at magtago tago kung ayaw mong tamaan ka. Mga masusungit dahil bukod sa ugali na talaga nila yon ay nasa menopausal stage na sila(at walang sex life)...hahahaha!


                    
                              Pag uwi ni ermats,  dadagdag pa ang isa pang single na biyuda sa buhay sa tahanan ng singles at siyempre kung nasaan ang tae andon ang langaw kaya don din ang bagsak namin ni Pogi. Lord help us!!!! Nawa'y hindi kami mahawa sa destiny ng destiny's child.  


                              Gayon pa man ako'y hanga sa aking mga tita na pinatunayang hindi hadlang ang pagiging single sa buhay(kapansanan ba to?)... Kung ano kaya ng lalaki kaya rin ng babae. Hindi sa lahat ng oras nakadepende ka sa kalalakihan (let's sing. "all the women! independent !throw your hands up at me..."). Huling birit ng destniy's child for you... I'M A SURVIVOR!!!



                                                                                    Psychotically yours,
                                                                                    UNGAZ 

7 comments:

Ako si Yow said...

Aww.. Nagiisip na si Teddy. Haha. Kailangan makalipad ka na kasi para makaiwas ka sa daan patungo sa all the single ladies, woh-oh-oh. Panginternational ka, kaya dapat porenger. Sosyal na din ang blog mo, sa ibang bayan na itinatype. Nyahahaha.

Greta said...

malapit na tayong mag-migrate sa tahanang walang lalake!kaya humanda ka,humada na!

Tong-tong said...

aw. sana di ka matulad sa kanila, may mga tita din ako ang dos marias. yung isa po kc nagkameron ng asawa at mga anak at mga apo. malungkot kaya sila na walang pakner?

2ngawzki said...

@yow: ur idea's whack!hahaha..lam mo naman ang pananaw ni "pogi" sa babaeng matitipuhan ng poreynjer....hahahaha!

@greta: get ready pumzok sa kumbento!lord help!

@tong: malamng sad sila...Parang flower na walang kadilig dilig.hahaha!

glentot said...

Isali ninyo si Sasha Fierce. Byuda. Napatay nya lahat ng ex nya.

2ngawzki said...

@glentot:woah!astig si sasha fierce...deadly ang beauty?hahaha!

QNC said...

parang nakalimutan mo yata, na HINDI CERTIFIED SINGLE ang 2 sa mga member ng "single lady's"???... ung panganay, d q alam kung namatay ang asawa in the line of fire... yung pangalawa, CERTIFIED SINGLE & VIRGIN SINCE BIRTH... ung pangatlo, BUHAY pa ang asawa na na-stroke na ng 3x pero buhay pa din... so what do u think?... just hoping, you'll never follow their footsteps... or on the other hand, i'll just say, mag pa buntis ka na lang pero wag na mag asawa... may sumpa yata tau sa mga lalake lol...

Post a Comment